JAYDEN
After a couple of hours, finally, nakauwi na rin. Nang makarating sa tapat ng bahay, I pressed the doorbell. Nandito na ako. Maghaharap na ulit kami.
Ilang segundo lang ay binuksan na ako. Laglag-panga akong tiningnan ng kasambahay namin. If I'm not mistaken, this maid is new. Masyadong unfamiliar ang mukha niya sa akin.
Nong hindi pa ako umalis, limang kasambahay na ang napatalsik ni Kayden. If dad is scary, he's even scarier. Siya ang nagdedesisyon dito sa bahay.
“S-Sir Kayden...” napalitan ng takot ang mukha niya. Nagsusumamo. “Sir pasensya na po kung natagalan sa pagbukas. Wag niyo po akong tanggalan agad ng trabaho, sir. Maawa po kayo. Kakasimula ko palang kahapon at wala na akong iba pang malapitan –”
“Listen, miss. I'm not Kayden, okay? So hindi mo dapat ako katakutan.” halatang naguluhan siya.
Well, who wouldn't right? Kayden and I are identical twins. Same features, same posture, same face, same voice but I don't know if we have the same height. Matagal-tagal na rin kasi mula ng makaalis ako rito kaya matagal ko na rin siyang hindi nakikita.
“Po?”
I heaved a sigh. “My name's Jayden Zacharious Greyson, Kayden's twin.” literal siyang napanganga sa sinabi ko. Nang makitang wala yata siyang balak na umalis sa harapan ko, ako nalang ang nag-adjust sa sarili para makapasok.
Ilang segundo lang ay hinabol naman ako ng kasambahay namin. I think she's 20+. Maganda, hindi nga lang masyadong halata.
“Mitch Alejandrino pala.” she smiles before lending me her hand. Tinanggap ko naman yon. “You already know me.” ako na ang bumitaw dahil mukhang wala yata siyang balak bitawan ang kamay ko.
I went to the kitchen but just found well-arranged kitchen utensils. Nagtungo naman ako sa sala, dining, at pati sa mga kwarto sa taas pero hindi ko pa rin sila mahagilap.
“Ayy sir umalis nga pala si Mr. Greyson. At si sir Kayden naman, nandon pa sa school.” nagulat ako nang malamang kanina pa pala siya nakabuntot sa akin.
Tumango nalang ako. Akmang papasok na ako sa sariling kwarto nang makitang nakasunod pa rin siya.
I awkwardly smile. “U-Uhm Miss, magbibihis lang sana ako.”
Bahagyang nanlaki ang mga mata niya at namumulang tumalikod sa akin. “Ayy, s-sorry sir. Aalis na.” nakita ko nalang siyang tumakbo papalayo.
Nang maisara ko ang pinto ay nagtungo na ako sa closet. Bigla ko namang naisip ang nangyari kani-kanina lang.
It's kinda weird because...
..I just found myself smiling while staring at the mirror.
KAYDEN
[Kai, mag-usap tayo. Nasa bahay na ako.]
Wow! Just wow! At talagang naisipan niya pa talagang umuwi no? Tibay!
I gritted my teeth while clenching my fist. I stared at my car's window. And what i saw literally shocked me. What a sight!
BADTRIP akong umuwi sa bahay. I beeped hard hanggang sa bumukas ang gate. Inilabas ko ang ulo ko sa bintana ng kotse at sinamaan ng tingin ang maid na kakabukas lang.
If you're confused, wala talaga kaming guard. I fired them all. They're sick of my attitude, well, the feeling's mutual. One mistake means goodbye job.
“Bakit ba ang tagal mong bumukas?! Are you really testing my patience?!” inis kong sigaw sa kanya. Nakayuko lang siya. “S-Sorry si–”
I cut her nonsense apology speech. “You're fired.” I calmly said before driving back to the garage.
Nang makababa ako ay nakita ko nalang siyang tumakbo palapit sa akin na umiiyak. “S-Sir sorry po talaga! Hin-Hindi na po mauulit! Wag niyo po akong tanggalin, sir. W-Wala na akong mapapasukan –”
“You think I care? Afterall, you're useless. Leave and I'll pay you triple.” I coldly said. I was about to leave pero nagpunta na naman siya sa harapan ko. Still begging.
“S-Sir ayoko pong umalis. Ma-May sakit po ang papa ko. Kailangan ko ng –” once again, I cut her sentence. Damn it! She's annoying!
“Kaya nga babayaran kita ng triple pa diba?! Are you that dumb para hindi iyon maintindihan?!”
“What the hell, Kai! Ano sa tingin mo yang ginagawa mo?! Hindi ka pa rin pala nagbago. I thought you'll change after that 5 years na lumayo ako! You know what? You are doing worst now, Kayden. You've already crossed the line.” natigilan ako nang may sumabat sa likuran ko. That voice.
Bakit ba ngayon ko pa lang naisip na makikita ko pala ngayon ang walang'yang 'to. How playful the world is.
I faced him. “And now you're defending her? To tell you directly Jayden .... nagawa mo ba akong ipagtanggol dati katulad ng pagtanggol mo sa iba?” i sarcastically laughed. “Yan ang problema sa 'yo e, you played as the hero while I, on the other side, is always the villain.” natahimik siya. “You have always been chosen, loved, and everybody cared of. You're like a treasure that they don't wanna break. Habang ako? I'm just a piece of shit! Nagawa nga akong iwan ng lahat diba? So don't act like you've done nothing wrong, Jayden. I'm once an angel who ended up being a devil.” natulala siya habang tinitingnan ako.
Before he could even utter a word, I left. Bumalik ako sa kotse at pinaharurot 'yon palayo. Sa mga oras na 'to, isa lang ang naiisip ko.
I want to die.
YOU ARE READING
Break the Bad Boy
Novela JuvenilChloe Ashanti is a certified man hater. She can hate every man in the whole world but not her older brother. He's the only exception. But what if Chloe's brother requested her to teach the famous bad boy a lesson? Will she give it a deal? Can she BR...