Chapter 3

15 7 3
                                    

Mag-iisang buwan simula ng lumipat dito si Belle,nakakapanibago ang kinikilos niya.Ibang iba rin ang pakikitungo niya sa mga kaklase namin.Kung tutuusin walang wala itong ugali niya ngayon kesa dati.

Paano ko nasabi?

Simula Junior High ay magkaklase na kami hindi siya ganoong pinalad sa kaibigan,ni walang gustong makipagkaibigan sa kanya dala na ng pagiging nerd nito dahilan kung bakit iniiwasan siya sa room.

Hindi naman  masasabing wala siyang itsura,may katamtamang height na angkop sa edad niya,may makinis na balat  hindi ganoong kaputian hindi rin naman ganoong maitim,sumasabay sa hangin ang hanggang balikat at tuwid niyang buhok at nahahati sa gitna ang bangs na humaharang sa kanyang noo,may singkit na mga mata na umaayon sa pagkurba kapag ngumiti ang mamula mula niyang mga labi.

Kung tutuusin ay maganda siya,kaya niyang higitan ang sino man sa mga kaklase namin ngayon kapag itsura na ang basehan.

Siguro hindi lang talaga siya pala ayos noong mga panahon na ayaw sa kanya ng marami.Maging ako aminadong may hindi kami magandang nakaraan sa ibang kadahilanan at ayaw ko na itong balikan.

Subalit,sa kabila ng lahat ng nangyari samin nitong mga nakalipas na taon iba ang ipinapakita niya sakin,taliwas ito sa iniisip ko kung sakali man na magkikita kaming muli,ang ugaling noon ay meron siya at ito lang ang hindi nagbago sa kabila ng pagbabago niya,yun ay ang pagiging pasenseyosa at pagiging mapatawarin.

Likas na ata ang ugaling yun sa kabila ng mga pagbabagong naganap sa kanya.

Pero kung iisipin ng mabuti,sa lahat ng nangyari sa pagitan namin ay may pagdududang nabubuo sakin

Hindi bat kaduda duda kung magiging ganito ang trato niya sa taong minsan ng nagpakita ng hindi maganda at halos ayawan siya ng harap harapan.

Hibang na ata siya o talagang nagpapatay malisya nalang siya dahil sigurado akong kung siya pa ang Belle na kilala ko noon malamang kahit nerd yan ay ipinagtatabuyan na niya ako ngayon.Pero bakit?bakit ganito ang pakikitungo niya sakin?

Hindi sa masama ang ugali niya pero ang nakaraan naming dalawa ang patunay na hindi niya dapat ako itrato ng ganito.

Masyado siyang mabait,at hindi ko maatim na bigyan niya ako ng ganoong pakikitungo.Hindi nararapat ang kabaitan niya sa isang kagaya ko.

Hindi kaya napatawad na niya ako?Sa kabila ng lahat?
Alam kong hindi maganda ang nakaraan namin pero ganun parin ba siyang kabait para mabilis akong mapatawad at kalimutan ang lahat ng naganap sa nakaraan?

Magdadalawang taon na ang nakalipas,hindi pa naghihilom ang sakit ng kahapon subalit napatawad na niya ako?Kung ganito ang trato niya sa akin malamang ay iisipin kong kinalimutan na nga niya ang nangyare sa pagitan namin noon.

Isang bagay pa ang nagbibigay sakin ng lakas ng loob upang sabihin na napatawad na niya ako,yun ay ang pagkakaibigan na inaalok niya sakin nitong nagdaang linggo

"Hara"!daglian akong napalingon sa tumawag sakin,"Sabay na tayong mag lunch" nakangiting pang aaya ni belle.

Gaya ng sabi ko nakakapanibago siya at ang pagkakaibigang inaalok niya,parang walang naganap samin nitong nakaraang mga taon,mukang kinalimutan mo na ang mga masasama nating ala ala.

Ilang beses ko na narinig ang mga katagang ito subalit naiilang parin ako.

"Oyy samaaaaaa ako meloves at belleeee!"ang ingay.

UntoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon