Kalalabas ko lang ng elevator papuntang parking lot,hindi malayo ang pinaggrahean ko kahapon kaya naman tanaw ko na agad ang sasakyan ko dito sa pwesto ko.
And guess what kung sino or sino sino ang nasa tapat ng sasakyan ko.
"Clinton dyan nga kase ako sa passenger seat ih doon ka na magisa sa backseat"hatak hatak ni Belle si Clinton sa kwelyo sa may bandang likuran upang mapigilan ang paglapit nito sa tapat ng pintuan sa passenger seat.
"ayawwwww!gusto ko ngang katabi si meloves doon ka na sa likod"pilit namang inaabot ni Clinton ang pintuan hindi alintana ang damit nito na halos magusot na.
"ih gusto ka ba niyang katabi ha?ih ang ingay ingay mo madidistract lang siya sa pag dridrive"bakas sa mukha ni Belle ang pagkainis kaya lalo pa niyang hinatak ang kwelyo ng damit ni Clinton malapit na at mapupunit na ito isang malakas nalang na pwersa ng pag hatak pa.
Wag lang talagang may mapipikon sa dalawang ito naku!
Bahagya akong napasulyap sa relos ko,anim na minuto na silang nagbabangayan hayst.
"Mas matagal na niya akong kaibigan kaya dapat sa tabi niya ako"Humarap si Clinton at nabitawan ni Belle ang pag kakahawak sa kwelyo nito.
"Te- teka walang ganyanan dinaan mo na sa tagal ng pagkakakilala ih malamang talo ako dyan!HARAAAAAAAA! Bahagya mang nagulat dahil sa lapit ng distansiya nila ay agad ding nabawi ni Belle ang pagiisip niya na ngayon nga'y tinatawag na ang pangalan ko.
"MELOVESSSSSS DIBA AKO ANG KATABI MO DIBA DIBA?"saakin naman nakaharap ngayon si Clinton at nakakairitang pareho nila akong tinatawag!
ANG INGAY!
Saktong mag wawalong minuto na makalipas ang alas syiete ng umaga at nandito parin kami sa parking lot ng unit ko.
Kung hindi ko lang kilala ang dalawang ito iisipin kong pareho silang may sayad.
Hindi na sila nahiya ang daming nadaan sa parking lot na ito at nataon na doon ko na ipark ang sasakyan ko sa mga kasabayan naming aalis ng ganitong oras tss.
Hanggang ngayon ay nakatingin parin silang dalawa sa akin at nagaabang kung sinong pasasakayin ko sa passenger's seat.
"Kayong dalawa,doon kayo pareho sa backseat!"mahinahon habang nakaharap ako sa kanilang dalawa ng sabihin iyun at tiningnan sila pareho sa mata.
Tatanghaliin na kami kung magtatalo pa silang dalawa,mas magandang wala nalang akong katabi less distraction.
"Pe-pero!
"Ooops!final na yun Clinton go inside the car tatanghaliin na tayo,pero kung ayaw niyong magkatabi sige huwag nalang tayong tumuloy."madali naman kase akong kausap kung ayaw nila sa backseat maiigi pa na huwag nalang tumuloy tutal hindi ko naman plano ito.
"nubayan" nanliit ang boses ni Belle at para bang sinisisi at ipinaparinig ito sa katabi niyang si Clinton.
Nagaasaran pa sila habang binubuksan ang pintuan sa backseat hanggang sa masiguro ko na ayos at magkatabi na sila ay tsaka naman ako pumunta sa unahan para mag drive.
Ini start ko na ang makina at sinabihan na rin ang dalawang na mag seat belt,mahirap na sa sobrang asaran nila baka hindi nila alam na mababangga na pala kami o di kaya'y ihagis nila ang isa't isa sa labas.
BINABASA MO ANG
Untold
RandomPuno ng kaguluhan ang buhay,ano mang galaw apektado ang bawat isa tama o mali damay ka,magpatianod sa sinasabi ng iba,gustuhin mo man na baguhin ang tadhana subalit ito'y nakasulat na,papaano ka kaya? Maging tama na may masasaktang damdamin o piliin...