Sakto ang pag gising ng dalawa dahil nasa Laguna na kami.Akala ko ay mag aasaran pa sila pagkagising pero mukang nahimasmasan naman sila at gusto munang patahimikin ang isat isa.Dahil sa inabot na kami ng halos 9 bago makarating dito sa Laguna ay nagutom na ang dalawa,pati ako ay hindi maitatanggi na nagrereklamo nadin ang tiyan.
Humanap kami ng makakainan and successfully merong bakante!Agad na lumabas ng sasakyan ang dalawa at nagpresenta na sila ang oorder at maghahanap ng pwesto na pwedeng upuan,ako naman ay naghanap ng pwedeng pag park ng sasakayan.
Ng maigrahe ko na ito sa hindi masyado naaarawan ay pumasok na ako.Malinis at maaliwalas dito nakaka enlighten ng mood kapag bad trip ka,mawawala ang problema mo kapag nakita mo ang mga hanging plants at paintings sa pader.
Luminga linga pa ako bago makita ang isang spot sa bandang gilid katapat ng glass wall nandun si Belle at kumakaway saakin.Agad naman akong lumapit at umupo sa katapat niyang upuan,ayaw kong makatabi isa sa kanila ni Clinton sa gilid ko mahirap na,baka magbatuhan pa sila at madamay ako!
Tahimik lang kaming dalawa habang inaantay si Clinton at ang inorder niya,wala akong balak magumpisa ng usapan dahil gutom na talaga ako.Saglit pang katahimikan ang namutawi saamin ng mag salita si Belle .
"Hara!alam mo na ba?yung about dun sa bagong lipat sa school natin?
Agad akong napatingin sa kanya.Hindi naman ako pala alam ng balita sa skwelahan namin dahil wala akong masyadong kilala dun maliban nalang sa mga naging kaklase ko nitong makalipas na dalawang taon.
Dala ng kuryosidad ay natanong ko siya.
"Hm,hindi sino ba yun?naghihintay ako sa sagot niya habang nag tatap siya ng kung ano sa cp niya.Saglit pa at tumigil ito at parang may iniscroll.
Kinikilig siyang tumingin sakin habang hawak parin ang cp niya.Ang creepy naman!
Iaabot na sana niya sa akin ang cp niya ng biglang......
"CLINTONNNNN!!!!ANO BA NAMANNN KASEEEE YANN TULOY NABASA!!!! Wuu daig pang may gerang nagaganap dito ang ingay ni Belle,napatingin naman ako sa dahilan ng biglaan niyang pag sigaw.
Ibababa na sana ni Clinton ang tray ng pagkain at inumin ng matabig ni Belle ang isa sa mga baso at natapon ang laman nito sa braso at kamay niya na may hawak ng cp.
Miske ako ay hindi ko napansin na nandito na si Clinton dala ang pagkain namin masyado akong tutok sa sanang ipapakita ni Belle.Agad namang tumayo si belle at kumuha ng tissue na nakalagay sa table at pinunasan ang sarili.
"Hindi ko yan kasalanan ikaw ang paharang harang ang kamay ih!"masyado naman atang highblood itong si Clinton,iritado masyado at nakakunot noo pa.
"Kahit pa kita mo naman na may iaabot ako kay Hara ih"sagot naman ni belle na pinupunasan naman ngayon ang case ng cp niya.
"Kasalanan ko pa y......hihirit pa sana si Clinton ng awatin ko na,nagugutom ako sa pag aaway nila.
"Tama na,aksidente lang naman yan magsisisihan pa kayo,tara ng kumain"
Gagala ba talaga kami o manonood lang ako ng away nila.kanina yan ding sa cp ang pinag aawayan nila hanggang dito ba naman sa pagkain jusko!Akala ko pa naman ceasefire na pagkagising nila tapos naguumpisa na naman sila hayst!
Wala nading nagawa si Clinton at umupo nalang sa tabi ni Belle.
BINABASA MO ANG
Untold
RandomPuno ng kaguluhan ang buhay,ano mang galaw apektado ang bawat isa tama o mali damay ka,magpatianod sa sinasabi ng iba,gustuhin mo man na baguhin ang tadhana subalit ito'y nakasulat na,papaano ka kaya? Maging tama na may masasaktang damdamin o piliin...