Chapter 1

31 8 8
                                    

Hara

Salamat po!salamat po!sana po i recommend niyo din sa mga kaibigan at kakilala niyo salamat po ulit!

Nag aalisan na ang mga tao,inanunsyo na narin na tapos na ang book signing dahil inabot na ito ng halos alas 7 ng gabi.

May iilan pang tumutol at ang iba naman ay kahit labag sa loob ay sumunod nalang may iba pang tinatawag ang pangalan ko at para bang nagmamakaawang wag muna silang paalisin para mapirmahan ang kanilang libro.

Wala naman akong magawa dahil gabi na at pagod na rin ang kamay ko,kumaway ako sa kanila at nagpaalam na aalis na.Masyadong marami ang dumalo sa book signing kaya hanggang ngayon ay nakapila parin at siksikan sila sa pag labas.

Nakasakay na ako sa elevator ng mapansin na may tumatawag sakin unregistered number naka ilang ring ito pero hindi ko parin sinagot. sino to?

Maya maya pa ay tumigil na ito at saktong bumukas din ang elevator,pumunta na ako sa parking kung saan ko iniwan ang aking sasakyan

Sumakay agad ako at nagtungo na sa aking huling distinasyon,habang nagmamaneho ay hindi ko mapigilang mag isip

Grabe ganito na ba talaga kalayo ang naabot ko,highschool palang ako pero kilala na agad ako bilang isang writer at marami na ang tumatangkilik sa storya na unang inilabas ko.Una palang ito pero grabe na sila kung sumuporta sakin.Sana ay mag tuloy tuloy nato.

Sa pag mumuni muni ay hindi ko napansin na malapit na pala ako sa condo ko.Malapit lapit lang ito sa event hall kung saan idinaos ang booksigning ng una kong libro .

Agad kong ipinarada ang sasakyan ko at sumakay na ng elevator,maya maya pa ay tumigil ito sa 12th floor habang naglalakad ay bigla na namang nag ring ang cellphone ko at nagflash sa screen ang isang unregistered number

Teka ito yung tumawag kanina ah!

Dahil patuloy parin ito sa pag ring ay sinagot ko na ito habang nagpatuloy parin ako sa paglalakad.

Hello!Sino po sila?

Tahimik lang ang kabilang linya,napahinto naman ako sa paglalakad room 1224  kinapa ko agad ang susi sa bag habang ang isang kamay ko ay nakahawak parin sa cellphone na nakatapat sa tenga ko.

Hello?Sino po sila?

Pag uulit ko ng walang sumagot sa una kong tanong, magsasalita pa sana ako ng biglang may nagsalita sa kabilang linya

Congrats!

Isang malamig na boses ang bumati sa akin.Agad na bumilis ang tibok ng puso ko sa sobrang takot at kaba.Kung nakakayelo lang ang salita niya ay malamang nagyelo na ako sa kinatatayuan ko

Nakakapangilabot ng sabihin niya ang isang salitang iyun,para akong binuhusan ng tubig sa lamig niyang magsalita literal na nanlamig pati ang katawan ko.Biglang umihip ang isang nakakaginaw na hangin  sa lugar kung saan ako nakatayo Na para bang may dumaang multo sa likuran ko,napalingon ako sa gilid at sa likuran sa pag aakalang may tao doon.

Hindi ko na nagawa pang tanungin kong sino ang tumawag o makapag pasalamat man lang, tahimik na ang kabilang linya habang hindi ko naman mahanap ang lakas ng loob ko para sagutin pa ang tumawag.

Ilang sigundo pa at ibinaba na niya ang tawag,nanatili ako sa tapat ng naka lock na pinto habang pinag mamasdan na mag black ang screen ng cellphone.Sa sobrang takot ay hindi ko pa masubukang gumalaw

Iniisip ko kung saan ko narinig ang ganoong boses,nagbalik ako sa ulirat ng maalala kong nakatayo parin ako sa pinto ng unit ko.Agad kong ipinasok ang susi na hawak ko sa keyhole at ng mag unlock ito ay agad kong ipinihit ang door knob.

Sa sobrang dilim sa loob ay wala akong maaninag na kahit ano tanging ang hallway lamang na dinaanan ko sa labas  ang may ilaw, agad kong kinapa ang switch ng ilaw na malapit sa may pintuan.

Ng makapa ko na ang switch ay agad ko ding nai alis ang kamay dito,may basa at malagkit na nandoon.Agad na nanindig ang balahibo ko,may kung anong bagay ang bigla nalang akong pinakaba kagaya ng kaba ng marinig ang boses ng tumawag sakin at bago ako pumasok sa pintuan ng unit ko.

Kahit na natatakot na mahawakan ulit yun sa switch ay nilakasan ko ang loob kong kapain ulit ito ng magkaroon na ng liwanag sa unit ko.Ng maramdaman ko na namn ito sa mga daliri ko ay agad akong napapikit

Kaya mo yan Hara madali lang yan

Pagpapalakas ko ng loob sa aking sarili,habang nakapikit ay narinig kong nag click na ang switch

Hayy tapos na diba ganun lang kadali,ng maimulat ko ang aking mga mata ay doon nalang ako......

WAHHHHHHH.....!!!!!

Sa sobrang lakas ng pagkakasigaw ko ay alam kong nakabulahaw ako sa mga katabi kong unit nakarinig ako ng tumatakbo papunta sa pinto ng unit ko

Hindi ko magawang tumayo, sa mga oras na ito ay gusto ko nalang umiyak at tumakbo subalit hindi nakikisama ang katawan ko,ano mang kagustuhan kong tumayo at talikuran ang nakikita ko ay hindi ko magawa,naramdaman ko nalang na dahan dahang pumapatak ang luha ko,hinayaan ko lamang ito habang nakatitig sa kaninang dahilan ng pagkagulat ko.

Congrats!  At ang picture ko kasama siya..........

Hara!Nasaan ka?anong nang....Omy gosh

Dahan dahan akong napalingon kay Klea habang siya ay gulat at mangiyak ngiyak na rin sa kanyang nakita.

Ha-Hara anong?bakit may ganito?sinong may gawa nito?mangiyak ngiyak na tanong niya sakin,dahan dahan itong lumapit sakin at hinawakan ang kamay ko,doon ko lamang napansin na may dugo pala ako dito napalingon ako sa switch ng ilaw,

ito pala ang dahilan kung bakit may basa at parang malagkit ng hawakan ko yun

Unti unting nandilim ang paningin ko at parang hinihele ako upang tuluyang lamunin ng kadiliman,ang alam ko lamang ay nakapikit na ako habang patuloy si Klea sa pagtawag at pagyugyog sakin sinusubukan ko pang imulat ang mga mata ko pero dahil narin sa sobrang pagod at takot na naramdaman ko ngayong araw ay nagpatianod nalang ako at hinayang lamunin ng kadiliman ang aking paningin.



Ang matagal ko ng kinakatakutan ay muli akong binabagabag sa kasalukuyan........

UntoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon