Woahhh!Andito na pala ang love of my life !Goodmorninggg Haraaaa meloves!!!Goodmorning din!Aga aga ang ingay mo na naman Clinton.
Ikaw ba naman ang makita ko sa umaga hindi pa ba ako sisiglahan ?
Tinawanan ko nalang ang huli niyang sinabi at umupo na sa bakanteng upuan sa may bandang likuran.
Si Clinton ay isa sa mga masasabi kong makukulit na tao,pero kaya niyang buhayin ang sigla tuwing tahimik ang paligid.Tinuturing ko siyang isang kaibigan lalo na nung bago palang ako sa school na ito at wala pang kakilala,medyo weird na lalaki siya at gustong makipag kaibigan sakin pero dahil mabait naman ay nakipag kaibigan narin ako.
Hindi uso ang salitang lungkot sa kanya.Madalas niya akong napapatawa tuwing malungkot o di kaya'y may problema ako. Kalaunan ay umamin siya sakin tungkol sa nararamdaman niya,pero dahil kaibigan lang ang tingin ko sa kanya at di na hihigit pa dun ay hindi ko na siya pinaasa,sinabi ko na hanggang kaibigan lang ang kaya kong i offer sa kanya,pero dahil siya si Clinton imbes na umiwas ay lalo pa niyang kinarer ang mga bagay bagay hanggang sa tinatawag na niya ako sa kung ano anong pangalan.Ang sabi pa niya"hayaan mo na ako please inienjoy ko lang ang mga ganitong gawain hindi ko naman sinabi na ganun din ang gawin mo pabalik sakin pero kung gusto mo sige ikaw ang bahala hahaha pero sa tunay meloves hayaan mo ko para naman di ko maramdaman ang sakit dahil ne reject mo ko,gagawin ko to para unti unti kong maramdaman na wala na akong feelings sayo ha!at isa pa kung aamin ka na nagkafeelings ka na sakin habang nag momove on ako ih madali naman akong kausap malay mo magbago ang isip ko at icrushback kita diba,anong malay natin magkagusto ka pala sakin hahaha dont worry di kita i rereject".
Nagbalik ang mga alala ko sa nangyare isang taon ang nakakaraan kung saan niya inamin lahat ng iyun sa akin at heto kami ngayon magkaibigan parin.
Magdadalawang taon na pala simula ng nangyari ang mga bagay na ngayoy nagpapakilabot at nagdudulot ng matinding katakutan sakin.
Bagay na hindi ko alam na mangyayari at ganito ang kinahantungan sa kasalukuyan.
Naalala ko na naman ang nangyari ilang gabi ang nakakaraan,kung saan natagpuan ko nalang ang sarili kong nakahiga sa hospital bed habang iniinda ang sakit sa aking batok at ulo.
Nung una'y nagtataka pa ako kung bakit ako nasa ospital ng mga oras na yun,subalit ilang minuto ng pag iisip ay naalala ko na ang mga nangyari......
Agad akong napalingon sa paligid ko at napansin na mahimbing na natutulog si Klea sa sofa,hindi maganda ang pwesto niya at maaari siyang mahulog pero nasubukan niya paring tantsyahin ang bigat niya.Siya siguro ang nagdala sakin dito ng mawalan ako ng malay.
Si Klea ang nakatira sa katabi kong unit na siya ring unang nakarinig ng pagsigaw ko ng gabing yun.
Noong una ay ayaw ko sa kanya dahil masyado siyang madaldal at may pagka maarte pero kahit na may ganoon siyang ugali ay palakaibigan paren siya na siyang hindi ko natanggihan dahil na rin sa pangungulit niya.Naging magkaibigan kami ilang buwan ng makalipat ako sa unit na iyun panahong kaylangan kong kalimutan ang nangyari tatlong buwan ang makalipas ng paglipat ko.Magdadalawang taon na ng lumipat ako sa unit na iyun at ngayon lang nangyari sa akin ang ganito.
Masyado akong madaming iniisip at hindi ko narin masubukan pang i intertain ang sino mang kumakausap at bumabati sakin,masyadong preoccupied ang utak ko ngayon.
Late na akong pumasok dahil sa narin sa mga nangyare nitong nagdaang araw,hindi ko maialis sa aking isip ang mga agam agam na nabuo dulot ng pangyayari ng gabing yun.
BINABASA MO ANG
Untold
RandomPuno ng kaguluhan ang buhay,ano mang galaw apektado ang bawat isa tama o mali damay ka,magpatianod sa sinasabi ng iba,gustuhin mo man na baguhin ang tadhana subalit ito'y nakasulat na,papaano ka kaya? Maging tama na may masasaktang damdamin o piliin...