12

1.2K 28 30
                                    

Chapter 12


"May plano na ba para sa Christmas party, Pres?"


Sinulyapan ko si Gill habang nakikipag-usap ako sa first year representative. Tinapik ko ang balikat nito bago bumalik sa lamesa ko. Ilang linggo na ang nakakalipas simula noong camping namin. Noong nakaraang araw, nag-celebrate kami ng birthday ni Raven sa may classroom.


Dumating ang exam week at halos hindi makalma ang mga estudyante sa kaba. Bawat araw, dalawang subject at tatlong oras ang duration. Sa loob ng isang linggo, parang zombie town ang campus. Nagkakaroon lang ng ingay ang paligid kapag break time na.


"Finally!" Halos humandusay si Gill sa sahig nang matapos ang last exam namin.


Tumawa ako at nagpatuloy sa pag-aayus sa gamit ko. Kahit tapos na ang exam namin, ang trabaho namin sa Student Council ay hindi pa.


Christmas party na namin bukas tapos may year-end party pa kami na hindi pa nafa-finalize. Medyo nalulungkot ako dahil hindi ako makaka-attend sa year-end party namin dahil nasa Tallis na ako sa mga oras na 'yon.


We finalized everything before leaving the office. Napahinto ako sa paglalakad nang makita ko si Geib na nakaupo sa isang bench, naglalaro sa phone niya. Humakbang ako at lumapit sa kanya.


"Bakit nandito ka pa?" tanong ko nang makalapit ako sa kanya. "Akala ko ba umalis ka na? Sinundo ka ni Dean kanina, 'di ba?"


"Hindi ako sumama." Tumayo siya at tinago na ang kanyang cellphone. "Ice cream tayo!"


Kunot-noo ko siyang tinignan bago tumango at sumunod sa kanya dahil siya ang nakakaalam ng pagbibilhan ng ice cream. Umawang ang labi ko nang pumasok kami sa may convenience store.


Bumili kami roon ng tig-isang ice cream at naglakad papuntang waiting shed.


"Sinong nabunot mo sa exchange gift natin?" tanong ni Geib habang nakaupo at hinihintay ang mga sundo namin. Sinulyapan ko siya bago bumaling sa mga sasakyan sa unahan namin.


"Secret. Bakit ko sasabihin sa 'yo?" Actually, si Raven ang nabunot ko. Siyempre, ilan kami sa classroom. Hindi na ako umasang si Geib ang mabubunot ko.


"Walang clue? Kahit umpisa lang ng pangalan? Lalaki ba o babae?" Umiling lang ako.


Kinabukasan, maaga akong dumating sa school kaya tumulong ako sa pagde-design ng classroom. May kaunting design na ito pero hindi pa tapos. In-organize na rin namin 'yung mga pagkain at 'yung mga regalo sa ibaba ng teachers table. Nagsulat ako ng malaking 'Merry Christmas' sa chalkboard at 'yung isa kong kaklase na magaling mag-drawing, nilagyan niya 'yon ng kaunting drawing.


Napangiti ako nang makita kong suot ni Raven ang wristwatch na regalo ko noong birthday niya. Pagkatapos ng ilang minuto, nag-umpisa na rin ang party namin. Si Gill ang host at siya lang ang nakakaalam ng flow ng party dahil 'yon ang twist ng Christmas party namin.

Beneath the SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon