21

796 19 13
                                    

Chapter 21


"Wow! Napagtiisan ka ni Autumn ng isang taon?"


Napatingin ako kay Ivo noong umupo ito sa may harapan namin, may dalang tray. Lunch break namin at lumabas kami ng campus para kumain sa isang kaka-open lang na unli wings. First anniversary pala namin ni Geib ngayon. Tinignan ko siya at kaagad na naisip kung may surprise ba siya dahil kanina pa siya hindi umiimik kapag tinatanong ko kung may plano ba kaming i-celebrate ang anniversary namin.


Nang dumating ang order namin, nag-umpisa na kaming kumain. Kinukulit pa kami ni Ivo kung may message ba raw kami sa isa't isa dahil gusto raw niyang marinig. Inasar tuloy siya ni Sienna na inggit dahil lahat daw ng naging girlfriend nito ay months lang ang tinagal. Palihim akong napangiti dahil alam ko ang dahilan. Sobrang honest ni Ivo sa amin. Hindi ko lang maintindihan kung bakit hindi ramdam ni Sienna 'yon. O talagang friends lang ang tingin nito kay Ivo?


Tinignan ko si Geib na nakangiti lang at tuwing nakikitang nakatingin ako, umiiwas siya ng tingin. Naninibago ako. At talagang nagkakaganyan siya kung kailan anniversary namin?


Pagkatapos naming kumain, bumalik na kami ng school. Habang naglalakad sa mahabang pasilyo ng corridor, bigla akong hinawakan ni Geib.


Tinignan ko siya ng masama. Kanina pa ako naiinis sa timpla ng mood niya. Anniversary namin tapos ganito siya? Inalis ko 'yung kamay niya at susunod na sana kay Sienna noong bigla na naman niya akong hawakan, tumatawa na. Inis kong hinila ang buhok kaya mas tumawa siya ng malakas. Inis na inis na ako.


"Punta ka sa condo ko, ah?" bulong niya kaya napakunot ang noo ko.


"Ano naman gagawin ko roon? Friday ngayon, 'di ba? E overtime ka," sabi ko at sumabay na sa paglalakad sa kanya. Napasulyap ako kila Sienna at Ivo na nag-aasaran habang nakapamulsa lang si Raven sa may unahan nila.


"Surprise," nakangisi niyang sabi at mabilis akong hinalikan sa pisngi ko. Tinulak ko siya ng bahagya dahil nasa hallway kami! Mabuti na lang at walang nakatingin sa amin, abala silang lahat sa mga sarili nilang mundo.


Hindi na ako hinatid ni Geib sa classroom ko dahil mahuhuli siya sa klase nila kung gagawin pa niya 'yon.


"Uy," bati ko kay Zaon nang makita ko siya sa may gilid ng hagdan. May elevator naman dito pero mas prefer ko 'yung stairs dahil laging puno 'yung elevator.


Binaba niya ang cellphone niya at tinaasan ako ng kilay. Binangga ko ang braso niya dahil nagsusungit na naman ang isang ito. Tinawanan niya ako dahil hindi na naman tumalab sa akin ang kasungitan niya. Nagsabay na kami papunta sa class namin.


Nakinig ako sa discussion, samantalang panay bigay itong si Zaon ng kapirasong papel na may drawing na dragon tapos may pangalan sa taas ko. Nilulukot ko 'yon kaagad pero ayaw niyang tumigil.


Tawa lang siya ng tawa tuwing nakikita ang ekspresyon ng mukha ko. Nakikinig pa ba siya sa mga professor namin? Lagi niyang ginagawa ito kaya parang wala na sa discussion ang atensyon niya.

Beneath the SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon