04

1.8K 43 236
                                    

Chapter 04


"Anong oras natin gagawin 'yung presentation?"


Parang asong nakasunod si Geib sa likuran ko. Kagagaling ko lang sa library dahil nag-research ako tungkol sa topic namin para sa presentation sa susunod na Monday. Hindi ko alam kung paano niya nalaman kung nasaan ako. Basta na lang siyang sumulpot sa harapan ko.


Lumiko ako dahil pupunta akong Student Council office para kuhanin 'yung naiwan kong Science book doon. Nagulat ako dahil paglingon ko, nakasunod pa rin si Geib.


Pumasok ako sa loob ng office. Nang mapansin kong papasok din sana si Geib, mabilis kong sinarado ang pinto. Naiwan siya roon na nakauwang ang labi, hindi inaasahan ang aking ginawa. Hindi pa rin kami ayos kaya 'wag siyang umakting na ganoon.


Medyo nagtagal ako roon dahil binasa ko pa 'yung plano para sa Buwan ng Wika. Kailangan pa naming pag-usapan 'yon ng malala.


"Bakit nandiyan ka pa?" tanong ko nang makitang naghihintay sa labas ng office si Geib.


"Hinihintay kita." Ngumisi siya sa akin. Napairap ako.


Sinulyapan ko 'yung wristwatch na suot ko. Halos sampung minuto ako sa loob. Hindi man lang ba siya nabagot sa kakahintay? Dahil naawa ako sa kanya, hindi ko na siya iniwan. Sabay kaming naglakad sa gitna ng corridor habang hawak ko ang isang clipboard. Walang nagsasalita sa amin. Parehong nasa unahan lang ang aming tingin.


Nagkalat ang mga estudyante sa corridor. Mayroong nagkukwentuhan sa gilid, mayroong naghahabulan at nagtatawanan. Napatingin ako kay Geib noong makita ko si Sienna na kumakaway sa kanya. Huminto ito sa harapan namin at nag-aasar na nginitian ang kanyang kaibigan. Sabay kaming huminto ni Geib sa harapan niya.


Napaatras ako noong biglang tumalon si Sienna at sinakal si Geib gamit ang kanyang braso.


"Ah, talkshit ka! Sabi mo sabay tayong papasok ngayon, ha? I even picked you up to find out you are no longer there? Dinalawa ko pa 'yung sandwich na dala ko kasi sabi mo sabay tayong kakain ng breakfast! Madaya ka! Hindi na ako maniniwala sa 'yo. Ilang beses mo na akong tinakasan."


"Aray ko! Masakit!" Sinubukang alisin ni Geib ang braso ni Sienna sa leeg niya. Nakurap ako habang nagkukulitan silang dalawa sa tabi ko. Sumulyap ako sa orasan bago naglakad palayo sa kanila. Limang minuto na lang at magbebell na. Ayokong ma-late, 'no.


Narinig kong sinigaw ni Geib ang pangalan ko pero hindi ako lumingon. Imbes na tumigil ako, mas binilisan ko pa ang aking lakad upang hindi niya maabutan.


Pag-upo ko, lumalampag ang pinto dahil sa malakas na hampas ni Geib. Tumahimik ang lahat para tignan siya na nakayuko at hinihingal. Inihanda ko na lang 'yung mga gagamitin ko para sa aming first subject. Lumingon pa ako kay Gill para ibalik ang highlighter niya na hiniram ko noong nakaraang Friday pa. Naramdaman kong umupo sa tabi ko ang aking seatmate. Ngumiti siya sa akin ng napakalawak noong tumingin ako sa kanya.


"Gagawin natin 'yung research sa library mamaya pagkatapos ng klase. Sa Sabado naman 'yung powerpoint. Saan mo gustong gawin?" Ako na 'yung nag-umpisang kumausap sa kanya. Ayoko ring madamay 'yung presentation namin sa away namin.

Beneath the SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon