7: V-mall

26 4 0
                                    

ARAW-ARAW PARANG MAY PISTA sa Brave Mind dahil wala si Miss Calliope, umattend daw ito ng meeting--ayon sa mga katrabaho ko o baka sumama sa team nila Cindy. Malaya lahat ang mga empleyado ng Brave Mind ngayon, limang araw na ang nakalipas mula no'ng nag-aanounce ito ng mga sasabak sa project.

And since, I'm not included kaya mag-isa akong pumapasok at umuuwi dahil abala sina Jazel, Francine at Rizza sa mission nila .

Sabado ngayon, hanggang 2 pm lang ang duty namin kaya napagpasyahan ko na dalawin ang mga new friends ko sa V-mall.

Tinawagan ko agad ang pinsan kung si Alaine para sumama sa'kin, " couz, nasa'n ka ngayon?"

"Saan pa nga ba dapat?" Pabarang sagot nito sa kabilang linya. Pero imbes na mainis ay natawa pa ako sa inasta nito.

"Kita tayo sa V-mall, my treat." Nakangising alok ko sa kanya na ikinatuwa naman nito, "sige papunta na ako d'yan!" Masiglang tugon nito bago nagpaalam. Para itong batang paslit na binigyan ng lollipop at sobrang tuwa na.

Mabuti nalang bago umalis si Ma'am Calliope ay nagpasahod siya ng maaga. Kung sakaling masermunan kami ni Alaine pagkauwi mam'ya, atleast, may pangrebat ako kay Tiya. May ma-i-aabot man lang ako kahit papaano.

Pagkababang-pagkababa ko pa lang sa dyip na sinasakyan ko ay natanaw ko na agad si Alaine na kasama si Darlene, na nag-iirapang nakaupo sa isang bakanteng table ng isang fastfood. Kahit kailan talaga ang dalawang 'to, hindi magkasundo. Nang makita nila akong papalapit sa kanila ay sabay pa silang tumayo.

"Mabuti't nakasama ka," masayang inakbayan ko si Darlene.

"Kita mo, hindi galit si Ate Grace, " sabay belat nito kay Alaine na ikinagigil naman ng huli. "Tama na 'yan at pumasok na sa loob." Awat ko sa kanilang dalawa. Sa magkabilaang gilid ko pa sila pina-pwesto para iwas hablutan.

Hinila agad ako ni Alaine paakyat sa escalator, at nakapako ang mga ngiti nito sa stall ng mga damit, si Darlene naman ay sa bookstore nakatingin na naka-pwesto sa kabilang side ng 2nd floor.

Nag-uunahan pa sila sa paghila sa'kin. Pero mas pinaunlakan ko muna si Darlene, dahil parehas kami ng hilig-- ang magbasa.

"Ang daya! Bakit laging si Darlene nalang, eh ako inalok mo na gumala rito. " Nagpang-abot ang dalawang kilay nito habang nakanguso. "Pupunta rin tayo d'yan, pero dito muna tayo dahil may hinahanap akong libro," natatawang wika ko kay Alaine, na nakabusangot na. Idagdag pa ang mapang-asar na ngisi ni Darlene sa kanya. Wala na rin itong pagpipilian kundi ang sumama sa'min.

Kagaya ko, ay excited rin si Darlene pagkapasok namin sa bookstore, kanya-kanya agad kami ng punta sa shelves ng mga libro'ng hinahanap namin habang si Alaine ay nanatiling nakatunganga sa may pintuan ng bookstore.

Agad kung hinanap ang Sonata's Grave ni cryszabellaine at Miseyas Knight ni AmielLanes, nang matagpuan ko na ito ay agad akong nagpunta sa counter at nagbayad. Isa sila sa mga paborito kung author, kaya sobrang saya ko ng nagnotify sa'kin na may bagong release silang libro.

Pagkalabas na pagkalabas namin sa bookstore ay inamoy-amoy ko pa ang bagong librong nabili ko na ikinailing ni Alaine," parang tanga lang Ate." Hindi niya kasi naiintindihan ang pakiramdam kapag may bagong libro ako. Tsaka sobrang nakakaadik ang amoy ng bagong libro.

"Jusko, manang-mana talaga si Len-len, same kayong weirdo! " Walang prenong palatak ni Alaine.

"Okay lang magmana kay Ate Grace kasi maganda na, astig pa. Eh ikaw kay Mama ka nagmana, bugnutin at makuda!" Nang-aasar na bwelta naman ni Darlene sa kan'ya, na ikina-angal nito. "Aba, bawiin mo ang sinabi mo!" Hablot nito sa kapatid niya na panay iwas at nagtatago pa sa likuran ko.

20 Days In De Villa Asylum (Author Series # 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon