3: Expelled

30 5 11
                                    

Hindi pa rin ako makapaniwala sa naging desisyon ni Ma'am Calliope. Pa'no ko ipaliwanag kay Tiya Annabel na nasuspende ako ng isang linggo at ang dahilan ay dahil sa away na walang katuturan. Sigurado, magdadakdak na naman 'yon ng walang katapusan.

"Gracey, sorry nang dahil sa'kin kaya ka nadamay." Hinging- paumanhin sa akin ni Jazel.

"Dapat magsorry ka rin sakin noh? Hindi lang si Gracey ang nasuspende, pati rin ako. My God, anong gagawin ko sa bahay ng isang linggo?" Reklamo ni Francine kay Jazel.

"Ano pa nga ba?" Malungkot na sagot ko sa kan'ya.

"Cheer up sis!  Gusto mo  na sa bahay ka muna magstay ng isang linggo?" Alok sa'kin ni Rizza.

"Hindi naman siya nalulungkot dahil nasuspende siya. Natatakot iyan, kasi ang Tita Annabel niyang mukhang pera ay magwawala kapag nalaman niyang suspendido si Gracey." Madaldal na sabat ni Francine.

"Oo nga pala. Ays, kung may maitutulong lang sana ako. " Buntunghininga ni Jazel.

"Gusto ko sanang tanggapin ang alok mo sa'kin, Riz, kaso, pagdating sa sahuran magtataka si Tiya kung bakit kulang ang sahod ko. " Malungkot na tanggi sa alok ni Rizza sa akin.

Para akong pinagsakloban ng langit at lupa habang iniisip kung anong idadahilan ko kay Tiya, nang biglang sumulpot sa harapan namin si Orly na kilala sa pagiging makulit na katrabaho, na sa sobrang kulit ay ang  sarap nang ipatapon sa planetang Pluto.

"Ehem, hindi ko sinasadyang marinig ang pinag-uusapan ninyo, pero, may alam akong paraan na pwedeng makatulong sa problema mo. " Nakangising wika ni Orly sa akin.

"Ang sabihin mo stalker at chismoso ka talaga." Taas kilay at hindi naniniwalang wika ni Rizza kay Orly.

"Uy hindi ah. Ang bait-bait ko kaya. " Nakalabi ;a  ito habang kumukurap ang singkit nitong mga mata kay Rizza.

"Anong klaseng tulong ba 'yan?" Bahala na, papatusin ko nalang kung ano man ang sinasabing tulong ni Orly sa akin.

"Naku sis, h'wag kang magpapaniwala d'yan kay Orly, baka ma-scam ka lang." Hila sa akin ni Jazel at nagsimula ng maglakad.

"Hindi ako scammer noh, " taas kamay pa ni Orly na animo sumusumpa na nagsasabi siya ng totoo.

" Don't tell me, na ipapasok mo si bes Gracey bilang dancer sa karaoke bar ng barako mong pinsan na si Orlan?" Nanlalaki ang mga mata ni Francine at napatakip pa sa bibig na akala mo dalagitang kinikilig. "Ako nalang ang i-hire ni Fafa Orlan.

"Manahimik ka nga d'yan!" Sita ni Rizza kay Francine na ikinairap naman ng huli.

"Teka lang, hindi naman hiring sila pinsan pero 'yong katabi nitong tindahan ay naghahire ng sales lady. " Napayakap ako bigla sa aking sarili ng hinagod ako ng tingin ni Orly mula ulo hanggang paa.

" Nakita ka naman na ni Tita, kaya sure akong papayag 'yon. Kailangan nila ng tatao sa pwesto dahil nagkasakit ang nagbabantay dati. Ano deal?" Inilahad ni Orly ang palad niya para makipagsundo at hindi na ako nagdalawang-isip pang tanggapin ang alok nitong trabaho. Mas okay na ito kaysa wala.

" Sa bahay ka na magbihis sis para hindi mahalata ni Tita Annabel, " nakangiting wika ni Rizza sa akin.

" Hindi mo ba tatanungin ang magiging sahod mo?" Nakangising tanong ni Orly sa akin.

" Basta sumasahod. Walang problema sa akin. Ako na bahala magkumbinsi kay Tiya tungkol doon. Atleast, kunti lang ang aabunuhan ko kahit papaano. " Sabagay, hindi naman talaga problema sakin ang sahod, si Tiya lang talaga ang may malaking problema pagdating doon.

"Don't worry sis. Dagdagan ko nalang kung magkano ang kulang, total ako naman ang may kasalanan kung bakit ka nasuspende." Pagpapaunlak ni Jazel.

"Minimum magpasahod si Tita Oprah kaya h'wag ka mag-alala. Pwede ka na magsimula bukas?" Tanong agad ni Orly sa akin at tango lang ang isinagot ko.

20 Days In De Villa Asylum (Author Series # 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon