Maaga akong nagising, kaya maaga rin akong papasok sa pansamantalang trabaho ko ngayon. Tulog pa sina Alaine at Darlene ng umalis ako ng bahay, si Tiya Annabelle naman ay maaga ring umalis para mamalengke. Hindi na ako nag-almusal katulad ng nakagawian ko, gatas at tinapay lang-- sapat na 'yon para magkaroon ng laman ang aking tiyan.
Habang naglalakad ako papunta sa sakayan ng tricycle ay usap-usapan pa rin ang headline ng balita kagabi, maski ng makarating na ako sa pilahan ng mga tricycle ay gan'on pa rin ang pinag-uusapan nila.
" Kung hindi lang dahil sa mag-iina ko, siguro alas-singko pa lang ng hapon ay gagarahe na ako." Pagak na tawa ng isang tricyle driver habang kausap ang isang pang driver. Mat'yagang nakapila ang mga ito para sa mga pasaherong sasakay.
"Kahit na sabihin niyong maswerte ako kasi wala pa akong asawa't anak pero mahirap ang pamumuhay ngayon, kaya imbes na pairalin natin ang takot ay kailangan labanan pa natin ito. " Malakas na wika naman ng tricycle driver na panay hagod sa bundat nitong tiyan.
"Tama si pareng Naldo, laban lang tayo mga, pre." Singit naman ng isang payatot na may edad na tricycle driver. Nakasuot ito ng isang khaki na cargo pants at nakasampay sa balikat nito ang uniform.. Akala mo kinatikas ng katawan nito ang paghuhubad.
"Tama na daldalan mga pre, and'yan na si Ma'am." Turo sa akin ni manong driver sa mga kasamahang kapwa driver na nagchismissan.
"Goodmorning, ma'am, " magalang na wika ng mga ito nang makita akong papalapit.
"Magandang umaga rin," malugod ko rin silang sinuklian ng ngiti.
Sumakay ako sa tricycle na nakapwesto sa pinakaunahan ng pila. Alerto naman si manong driver. Diretso akong nagpahatid sa V-mall. Tumalima agad ang driver at habang nasa byahe kami ay hindi ko napigilang mag-usisa tungkol sa mainit na topic na kanina lang ay pinag-uusapan nila ng kasamahang driver.
"Manong, may alam ka po ba tungkol sa balita kagabi? I mean, kung bakit laging may patayan dito sa bayan natin?" Usisang tanong ko habang seryoso itong nagmamaneho.
"Hindi ko rin alam ang dahilan, ma'am. Natatakot na nga ang misis ko na magabihan ako sa pamamasada. Apektado tuloy 'yong kinikita namin ngayon dahil sa krimeng hindi malutas-lutas." Ramdam ko ang paninibugho niya sa nangyari.
"Sana ma-aksyonan ng gobyerno agad 'yan, dahil kung hindi, malalagay na naman sa alanganin ang bayan natin, " naiinis din ako kung bakit sa tinagal-tagal na nitong krimen na 'to sa bayan namin ay hanggang ngayon ay hindi pa nalulutas.
"Sana nga, ma'am, " maiksing sagot ni manong habang naghahanap ng mahintuan. Hindi naman gaanong kalayo ang Baranggay Poblacion sa tirahan ko, kaya mas mabilis akong nakarating sa V-mall. Pagkatapos makapagbayad ay nagpaalam na ako kay manong driver.
Sinipat ko ang aking relong de pulso, saktong-sakto lang ang pagtuntong ng orasan sa alas otso ng umaga. Kaya pala, mangilan-ngilan pa lang ang nakikita kung sasakyan na nakaparada sa gilid ng mall.
Dumiretso kaagad ako sa may bandang likuran ng V-mall. Kung saan ang entrance ng mga trabahante nakapwesto. Dahan-dahan lang akong naglalakad papunta doon at nakita ko pa ang iilang mga trabahanteng masayang nagk'kwentuhan habang nagkanya-kanyang nag-uumpukan doon. Lumingon pa silang lahat ng mapansin ako, iba't- iba ang mga reaksyon nila, may nagtataka, may nakakuno't ang noo, may walang pake at ang iba ay nakangiti.
May kumaway agad sa akin, " ikaw ba 'yong bagong sales clerk ni Tita Oprah?" Taklesang tanong agad ng isang sales clerk na nakasuot ng brown lowrise pants at off-white fitted blouse na uniform. Ang bilis naman ng balita. Ayos na Orly 'yon ah at naichismiss na agad ako.
Isang simpleng ngiti at tango lamang ang isinagot ko sa sales clerk na nagtatanong habang lumalapit sa kanilang pwesto.
"Ako nga pala si Melody," lahad kamay ng nakasuot ng blue lowrise pants at blue fitted blouse na sales clerk. Malugod ko namang tinanggap ito. " Sa phone accessories ako."
![](https://img.wattpad.com/cover/222302528-288-k227951.jpg)
BINABASA MO ANG
20 Days In De Villa Asylum (Author Series # 5)
Mystère / ThrillerSi Gracela Cielo ay isang kinikilalang magaling na journalist sa kanilang kompanya. Madali lang ang trabaho sa kaniya. Ngunit ng mabago ang kanilang head ay nagsimulang magbago ang lahat. Palagi na siya nitong pinag-iinitan. Ang dahilan? Hindi niya...