Chapter 4: Icon L University

18 3 0
                                    


Chapter 4: Icon L University

QUEEN OF WOLVES' POV

Marahang kinuha ni timothy ang libro.

"tama na queen." Saad ni timothy at pinunasan ang mata ko.

tinabig ko ang kamay nya saka binaba ang mask ko at pinunasan ang mukha ko gamit ang damit ko.

nang kumalma ako ay ibinalik ko ang face mask kong itim saka nilisan ang kwartong yon na parang walang nang yari...

Naramdaman ko ang pag sunod ni timothy.

nilisan namin ang bahay at ang lugar na yon.

"san tayo ngayon?" Tanong ni timothy habang nakapamulsang nag lalakad.

Sandali akong nag isip.

"anong oras na?" Tanong ko sakanya.

"5:23" Aniya.

"anong nabasa mo sa notebook ni melanie?" Cold na tanong ko.

"ILU, highschool 10, section Agua." Saad ni timothy.

Icon L Univ...

"tara don." Saad ko.

tumakbo ako nang mabilis sumunod lang sya sakin.

MELANIE'S POV

"Hoy! Araneta!" tawag sakin nang kaklase kong mataray.

"Ano yon?" Inosenteng tanong ko.

"akala mo hindi ko alam na nilalandi mo yung boyfriend ko?!" inis na tanong nya at sinabunutan ang buhok ko at itinapat ang mukha ko sa mukha nya.

"a-anong boyfriend? W-wala ka namang boyfriend Nion! A-ahh" nasasaktang saad ko.

"anong wala! Boyfriend ko si i--" natigilan sya sa pag sasalita nang may malakas na kumatok sa pinto nang room namin.

ako? Eto mariing nakapikit. Hula ko pag mulat ko, tutulo na luha ko... kase napaka sakit talaga...

"who the hell gave you a permission to hurt that kid?!" napamulat ako nang marinig ko ang galit na boses na yon.

binitawan ni nion ang buhok ko.

malabo ang paningin ko dahil sa mga luhang naipon sa mata ko.

pero kitang kita ko ang galit na mukha ni ate ice. Hindi ko man makita ang buong mukha nya dahil naka mask sya... pero kitang kita ko ang matatalim na tingin nya kay nion.

agad akong tumakbo papunta sakanya at niyakap sya.

I don't care kung isipin nyang sipsip ako or what.

I just want her to be my ate.

kahit hindi totoong ate.

Hinaplos nito ang buhok ko at ihinarap ako sakanya..

hinubad nya ang salamin ko at pinunasan ang mga luha ko...

"do not waste your tears for a worthless person." Mahinahong aniya.

"Hoy! Anong worthless-worthless?! Porke college kana, ang tapang mo!" sigaw ni nion.

Nilingon sya ni ate ice. Pero agad ding bumalik ang tingin sakin ni ate ice at isinuot muli ang salamin ko.

"don ka muna sa kuya mo." Bulong nya.

bumitaw ako sakanya at nag tungo kay kuya timothy.

inakbayan naman ako nito...

Lumapit si ate ice kay nion.

"tarantado ka ah..." maangas na saad ni ate ice na syang ikinagulat nang lahat nang classmate ko. Pati si nion nagulat.

The Woman Under The MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon