Chapter 14: Zyke

22 3 0
                                    


Chapter 14: Zyke

QUEEN OF WOLVES' POV

Biglang may sumiksik sa gitna namin ni zyke at yumakap sakin. Bumitaw ako kay zyke at tinignan ang nakangusong si izer.

"what?" Natatawang tanong ko.

"I don't want you to do that mommy." Nakangusong saad nya.

Niyakap ko naman sya, pero kasakop si zyke.

agad kong hinalikan si zyke.

"MOMMY!!" Sigaw ni izer kaya natatawa akong bumitaw sa dalawa.

"Hoy izer! Kainis kana ha." saad ni zyke na parang batang nakikipag away sa kapwa nya bata.

iiling iling akong nag tungo sa dalawang nakaluhod na lalaki.

____________
*AT HOUSE*

"ate ice. Okey na po sila." Saad ni melanie nang matapos nyang gamutin si kieffer at timothy.

"Sige na. kumain kana muna don sa dining. Susunod kami." Nakangiting saad ko.

tumango lang sya at lumabas nang kwarto

andito na nga pala kami sa bahay namin. Yung regalo sakin ni mommy

Nakakapag taka na hindi na muli pang tumibok ang puso ko.

Tinignan ko si zyke. Kaya bigla syang nagulat.

"Hala. Hala, hindi ako nag bugbog jan babe, hindi talaga." Parang batang tanggi nya at umiling iling pa.

"Weh? Tologo?" sarkastikong tanong ko. Nakita ko naman syang lumunok.

"Hindi talaga ako babe." Iiling iling na saad nya.

"kung ganon, sino?" Sarkastikong tanong ko parin.

"y-yung. yung ano.ahmm, yung bampirang sumanib sakin." Pa inosenteng saad nya.

mahina ko syang binatukan kaya ngumuso sya.

"tsk, halika na nga." Saad ko at hinawakan ang kamay nilang dalawa ni izer.

Lumabas kami sa kwarto at bumaba sa first floor at nag tungo sa dining.

Nandito na rin sila blue. Kumakain.

"Dito kayo titira?" Nakangusong tanong ni zyke.

umiling iling si clark.

"Dito muna sila. hanggat hindi pa nagigising sila kieffer." Saad ko. lalong ngumuso si zyke.

Napaka makasarili talaga neto.

Umupo na ako sa tabi ni melanie.

umupo naman sa tabi ko si zyke.

"Daddy! Ako jan!" pag mamaktol ni izer.

"heh! Dito ka sa tabi ko!" masungit na saad ni zyke.

Nakanguso namang umupo si izer sa tabi ni zyke.

Nag sandok na ako. Ganon din sila zyke at izer.

"babe..." pasimpleng tawag sakin ni zyke.

"ano?" Tanong ko saka sumubo nang pagkain.

pero hindi sya nag salita kaya nilingon ko sya.

napabuntong hininga nalang ako nang makita ko syang nakanguso.

kinuha ko yung kutsara ko at sinubuan sya nang pag kain.

kaya ayon, ngumiti ang kupal.

"hmp!" Rinig kong bulong ni izer.

The Woman Under The MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon