Chapter 1: Unexpected

25 4 0
                                    

Chapter 1: Unexpected.

Naririto ako... katapat ang mala bolang, buwan...

kitang kita ko ang pag ka bilog nya.

ngunit bakit ako naririto?

sa isang isla habang katapat ang buwan...

"Magandang gabi, Ginoong buwan." Magalang na saad ko.

"Sa tinagal nang panahon... muli akong napunta rito... what do you want?" Tanong ko.

Natutulog ako kanina, pag gising ko... andito nako.

sa lugar kong saan nakita ko dati ang repleksyon nang buwan sa tubig na parang dugo sa pula...

ngunit yon pala ay aking dugo... dugo na nag kalat sa tubig, senyales na patay na ako...

Si kamatayan? Para sakin Si kamatayan ay ang munting buwan.

Dahil sya ang nag paalam na patay na ako, sa pamamagitan nang repleksyon nya sa dagat kung saan naroon ang dugo ko

Malinis nag dagat ngayon...

"Naalala mo pa ba si supremo demonic?"

Nagulat ako sa sinabi nya...

demonic.

"oo naman." Saad ko.

"Halos lahat nang bampira ay hawak nya, kumakagat sila nang tao para maging kauri nila..." -buwan.

Mas lalo akong nagulat.

"Ngu-ngunit, akala ko'y patay na sya." Nagugulat na saad ko.

"Kailangan mong ubusin nag lahi nang bampira, ice." saad nang buwan.

"Hindi. Isa rin akong bampira... at isa pa, patay na ako... pano ko magagawa ang sinasabi mo?!" Tanong ko.

nagulat ako nang lumiwanag ang buwan at saakin tumapat ang liwanag nya...

Dahan dahan akong inangat nang liwanag...

"Tala sa madilim na langit... Diwata sa lupa... aming bathala... ako'y nag mamakaawa. Ibigay ang aking hiling... magandang dilag na ito'y buhayin..."

malatulang saad nang buwan... na syang lalong ikinagulat ko...

"Muling mabubuhay ang reyna nang mga lobo... Sa pamamagitan nang pag buhay sa malakas na kapangyarihan nito ... Lakas nang lobong ito ay ibigay... Bathala sa langit... Sumang ayon sa aking nais... Diwata sa lupa, ibigay ang nararapat na biyaya... Tala sa bituwin... silipin ang matang nag nining ning... Ibigay ang nais... nang buwang humihiling..." ani nang buwan...

biglang may lumabas sa gilid ko... lalaki ito at may matang katulad nang mata ko...

nagulat ako nang saksakin nito ang dibdib ko, at tumama yon sa puso ko...

Nang hugitin nya ang kutsilyong itinarak nya sa dibdib ko ay nanigas ang buong katawan ko..

dahil yon sa malakas na kuryenteng bumabalot ngayon sa buong katawan ko.

"AAAAAAAAAA!!" tanging naisigaw ko habang mariin na pumikit dahil sa sakit nang buong katawan ko.

lalo na sa kanang likod nang palad ko, dibdib ko, at mga mata ko...

"AAAAAAAAAAA" muling sigaw ko...

Kitang kita ko ang malakas na liwanag mula sa harap ko kahit pa naka pikit ako...

Tumalbo ako nang tumigil ang kuryente...

pero agad na may nakasambot saakin...

pero imbis na mang hina ay, pakiramdam ko mas lalo akong lumakas.

The Woman Under The MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon