A/N: paki basa muna nang book 1 (She's The Vampire I Love) bago basahin ang storyang ito. Thankyou.
PROLOGUE~
nakakulong sa loob nang buwan...
kasama ang mga puting patay na mga lobo...
hindi ko alam kung bakit ako naririto...
Bampira ako at hindi lobo...
pero siguro ay dahil narin nabigyan ako nang kapangyarihan na naiiba sakanila...
At ang buwan ang nag bigay saakin kaya naririto ako ngayon sa loob nya...
Reyna ang tawag saakin ngunit hindi ko mabatid kung bakit.
Sa sobrang pag tataka ko ay halos ilang beses ko nang naitanong ang tungkol sa bagay na iyon.
pero isa lang ang sagot nila...
Utos yon nang buwan.
BUWAN. Buwan, kailan ko kaya makakausap muli ang buwan.
isa akong kaluluwang nakakulong sa loob nang buwan na kasama ang mga puting lobo...
dapat ay kasama ko si amah... ngunit baket nakakulong ang kaluluwa ko sa Buwan, imbis na sa Hardin?.
Pero mas ikinalulungkot ko... na pati ba naman sa kabilang buhay ay hindi kami pwedeng maging masaya nalang nang taong mahal ko?
Isa syang Mortal at ako ay Imortal... ngayon pano ko masasabing mag kapareho ang pag tahak namin sa Kabilang buhay?
sa oras na pumanaw ang asawa ko... sa ibang paraiso non ipagpapatuloy ang bagong buhay nya...
nakalimutan kong mag kaiba nga pala kami nang mundo...
mag kaiba rin kami dahil sya ay mortal na tao...
GUSTO kong makausap ang buwan...
tanungin kung ako'y makakalaya pa sa magandang rehas na ito...
hilingin kung kaya ko pang bumalik sa masayang mundo na pinuno nang ibat ibang klase nang tao...
Pero suntok sa buwan ang nais ko...
BINABASA MO ANG
The Woman Under The Moon
Werewolfthe vampires is want to destroy the world. but there is a woman who want to stop them. -Book 2 of She's The Vampire I Love.