Chapter 8: Blood In The Wine Glasses

19 3 0
                                    


Chapter 8: Blood In The Wine Glasses

QUEEN OF WOLVES' POV

andito kami sa isang liblib na lugar.

"San ba talaga tayo pupunta timothy?! Pag ako talaga di nakapag pigil ipapatapon kita sa pluto." Inis na saad ko.

bigla naman pumreno si timothy.

ako? Okey lang ako! Na untog lang naman ako.

akmang sisipain ko na si timothy nang...

"oh! Queen naman e. Maninipa nanaman." Nakangusong saad nya.

Mariin akong pumikit at pina kalma ang sarili ko.

"Tapos na ba tong byahe natin?! Pwede naman kaseng tumakbo, may pa kotse kotse pa." Saad ko sabay irap.

"oh." Abot sakin ni timothy nang pabango.

"ano to?" Kunot noong tanong ko. Look, alam kong pabango. Gusto ko lang kumpirmahin, at pag itong lobong to hindi sumagot nang maayos, makakatikim to nang Exteme mega sipa.

"Pawis nang bampira." Saad nya.

"tsk, aanohin ko toh?" Kunot noong tanong ko.

"paki spray nalang po sa katawan nyo, ano po? Kase po aattend tayo nang vampire party, at kailangan hong hindi tayo nila maamoy." Sakastikong saad ni timothy.

Umirap nalang ako saka nag spray. Nilagay ko na din yung red contact lens ko at saka mask.

Ganon din ang ginawa ni timothy sa sarili nya.

"Queen. Dalawa lang tayo, hindi pako ready mamatay, kaya hinay hinay sa galaw." Nag aalinlangang saad ni timothy.

"tsk" tanging lumabas sa bibig ko, saka ako bumaba nang kotse.

Napatingin naman ako sa malaking mansyon sa harap ko.

"Ibang klase na talaga ngayon si demonic." Nakangising saad ko.

nakapamulsa akong nag tungo sa gate. Agad naman akong hinarang nang mga bantay.

"Excuse me. We're invited." Saad ni timothy at ibinigay ang Invitation card sa isang bantay.

Naks, san galing yon?

"pasensya na ho." Saad nila at nag si alisan sa daan. Nakapamulsa akong nag patuloy sa pag lakad.

at nang makatungtong kami sa mismong mansyon.

Napangisi ako nang makita ang maraming bampira.

pero dalawang bampira lang ang nakaagaw nang atensyon ko.

"Kalma, wag kang papadala. Nandito tayo para pumatay nang bampira at para muling makausap ang anak mo." Bulong sakin ni timothy.

Mariin akong pumikit at pinakalma ang sarili ko.

aminadong nag seselos ako, dahil may kalampungang bampira ang asawa ko!

king ina!

Bumuntong hininga ako.

"tara na." malamig na saad ko at tuluyang pumasok.

~FLASHBACK~

"may isang paraan pa." Biglang saad ni kieffer dahilan para mabalik ako sa huwisyo.

"paraan?" Kunot noong tanong ni timothy.

"Naging bampira ang mag ama mo, hindi dahil sa pangil ni supremo." Biglang saad ni kieffer. Dahilan para mabuhayan ako nang loob.

dahil naniniwala akong babalik sila sa pagiging tao hanggat wala silang marka nang pangil nang bampira sa leeg nila.

"pinatay ni demonic ang mag ama mo. Sa pamamagitan nang pag tarak nang balisong sa mga puso nito. Pero sya rin ang bumuhay dito, sa ka gustuhang maging kauri nya ang dalawang lalaki." muling saad ni kieffer.

The Woman Under The MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon