Chapter V

25 18 0
                                    

"Assignment? More like punishment" I said then rolled my eyes. Hindi ako makapaniwala dahil natulog lang ako ng dalawang araw, may punishment na kaagad.

"You're just going to clean the storage room. Hindi ka pa ba nakakahawak ng walis?" Dra. Liberty asked.


"Yun lang. Yun lang ang iuutos mo, at wala ng iba" I said. Storage room? Eh yun ang pinakamaduming bahagi ng school na toh. Bat naman sila nagkaroon ng storage room, hindi ba sila marunong magtapon ng gamit. Kailangan pa talaga itago yung mga basura na.

"Opo, Ms. Siandres. Yun lang po" she said.

Padabog akong lumabas ng Principal's Office at dumiretso sa field para maglabas ng sama ng loob. Pinagsisipa ko ang mga maliliit na bata na nagkalat sa dito, para kahit papaano gumaan ang loob ko.

"Ay gagi, aray!" someone said. Napalingon lingon ako at nakita ko ang isang lalaki na pakamot kamot sa ulo nya. He' quite taller than me, at napansin ko din na puro sugat ang mga pulsohan nito. He's wearing a gold vest too.

"Hindi ka man lang magsosorry? Tinamaan mo yung napakaganda kong ulo, noh?" saad nito sabay kamot mula sa kaniyang ulo.

"Pasensya na, hindi kasi kita nakita eh" pagdadahilan ko.

"Bat ka kasi nagsisipa ng bato? Soccer player ka ba ha? May mata ka naman diba, dahan dahan lang aba!" pagmamaktol nito.

"Nagsorry na nga ako diba" saad ko. Alam kong wala ako sa pwesto para magalit pero kasi, wala ako sa mood ngayon. Naiinis parin ako kay Dra. Liberty tapos may eeksena na bugok dito.

"Aba, ikaw pa yung galit ah. Turukan kita dyan at dalhin sa Psyche Room eh" seryosong tugon nito.

At kaagad na tumawa ng nakita nyang nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko alam kung normal lang sa kanila yung salitang turok, pero medyo natatakot na ako.

"Biro lang, baka mamaya sumbong mo ko kay Kaizer eh" patuloy nito.

"Kaizer?" I asked. Paano naman nadamay si baseball bat dito? Agad na nagsitayuan yung balahibo ko nung naalala ko na naman si Kaizer. Nakakatakot sya, pisikalan ang pananakit hindi lang pala sa salita. Mas lalong tumayo ang balahibo ko nung umupo sya at nagmeditate.

"Uhmmmm" he said

"Uhmm, what?"

"Uhmmpanget mo" he said then laughed. Tumawa ito ng tumawa hanggang sa napahiga na sya sa field at nagpagulong gulong.


"Okay, that's not funny. What about, Kaizer?" I asked him again. Nagbabakasakali na sumagot naman sya ng maayos. At makakausap na ko ng matinong tao, kahit isa lang.

"May jowa ka na?" he asked. "Ako kasi wala pa eh, baka gusto mo si Kaizer?" he continued.

It doesn't make sense. May sayad ba toh? I thought it's a pick up line, pero hindi pala. Oh god, baka imbes na mailabas ko lahat ng stress ko sa field, ay dumagdag lang ng dumagdag. Napahawak ako sa aking sentido ng maglabas na naman sya ng nakakabinging tawa.

"Kuya. Tumayo ka nga dyan, para kang monggoloid" Leona said. Tumingin sya sakin at nagbow.

"K-kuya m-mo?" Nauutal kong tanong.

"Sa kasamaang palad, oo eh." She sighed

"Gagi anong kasamaang palad. Ako nga tong malas sayo eh" pagrereklamo ng kuya nya.

"Nasaan na ba yung syringe?" pagbibiro ni Leona sa Kuya nya. Kaya bigla itong napatahimik at tumayo kaagad.

"Just kidding sis. Don't be too childish. Oh by the way, my name is Richy Gomez, 19 years old. And I live in Krusty Krab, nice meeting you" he said formally.

I laughed a bit when I heard the word Krusty Krab. Kahit na maloloka na ko sa mga naririnig ko, tumawa parin ako. This school is so unbelievable.

"Loka loka ba sya? May syringe ako dito" Richy whispered. Agad akong napatigil sa pagtawa dahil baka mamaya makatulog na naman ako, at paggising ko ay dalawang araw na naman ang nakakalipas.

"Sa tingin mo may normal dito? Psyche University to dude" saad ni Leona. Nagulat ako ng nagbow si Richy at umalis na lang ng parang walang nangyari. Naguilty ako bigla noong kinamot nya na naman yung ulo nya dahil sa sakit.

"Severe personality disorder" Leona sighed. Nagbow din ito sa akin at umalis para sundan ang kapatid nya.

Naglakad lakad na lang ulit ako para hanapin ang utility room. Hihiram sana ako ng walis at pamunas, para matapos ako ng maaga. Inabot na ako ng kalahating oras pero hindi ko parin mahanap ang utility room. Napaupo na lang ako sa bench malapit sa Principal's office.

Nilibot ko ang paningin ko. Ang Principal's Office ay nasa gitna ng malalaking puno at magagandang bulaklak. Mayroong daanan na simentado palabas dito. May mga kulay gintong bench at table din and nagkalat dito na nagsisilbing tambayan ng ibang estudyante.

"May inutos sayo si mama ah" Theodriya said.

Umupo sya sa tabi ko at sinandal ang ulo sa balikat ko. Nagulat ako ng bahagya dahil sa ginawa nya, ngunit napatigil ako sa pagiging hindi komportable noong narinig ko ang mga hikbi nya.

"May problema ba?" tanong ko. Nanatili parin ang paghikbi nya at patuloy na pagbagsak ng mga luha nya. Hindi ko na tinanong muli nung naramdaman ko na ayaw nyang pagusapan ang problema nya. Inilagay ko ang isa kong kamay sa balikat nya at hinimas himas ito.

"Makikinig ako" patuloy ko pa. Nagbabaka sakali na sabihin nya sakin ang problema nya. Para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam nya.

"How can I say no to those people who I loved the most?" she asked. I stayed silent, and inhaled a lot of air. Kahit ako hindi ko alam kung paano humindi sa mga taong malapit o mahal ko.

"Pag humindi ako, sasabihin makasarili. Kapag umoo ako, sasabihin nagpapaabuso" she laughed. "Ngayong umoo na ako sa lahat ng bagay, hindi naman ako masaya. Umoo ako kasi baka kapag humindi ako, mawala sila lahat" patuloy nya at napahagulgol.


Hindi ko mapigilang mapaiyak na din dahil kahit papaano sya ang kauna unahang taong nakasama ko dito sa PU. Sya yung taong nakakausap ko ng maayos at tumulong sakin nung araw na nanghihina na ako.


"Nakakapagod, Sie. I'm tired as fuck" she continued. Nagpakawala sya ng malakas na buntong hinanga at tumayo. "Tara, tulungan kita maglinis." Nginitian nya lang ako na parang hindi sya galing sa pag iyak. Kinuha nya ang kamay ko at hinila papunta sa likod ng Principal's Office, kung saan nakatago ang mga gamit panglinis.



Abala ako sa pagkuha ng mga gamit ng bigla kong nabitawan ito isa isa dahil sa sinabi ni Theodriya.



"I'm leaving, soon" she said. At saka kinuha ang mga gamit panglinis at dumiretso na sa storage room.


Nanatili akong tahimik habang pinupulot ko ang mga gamit na nahulog. Napahawak ako sa aking ulo ng naramdaman ko na kumikirot ito. Hindi ko alam pero bigla na lang nagsilaglagan ang mga luhang pinipigil ko kanina pa. Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa sinabi nya.

"B-baket?" I asked myself then cried again.

Psyche University (Completed)Where stories live. Discover now