Chapter XV

12 11 0
                                    

"P-pa? Anong nangyari kay Peter?" Nakatingin ako ngayon sa aming tv at nanonood ng balita. Hindi matigil ang pagagos ng aking luha dahil sa aking narinig sa tv.

"Anak" tawag sa akin ni Papa.

"Pa, ang sabi sa balita nasunog daw yung malaking bahay malapit sa atin. Hindi po ba kila Peter yun?" naiiyak kong tanong dito.


"Makinig ka anak" pagpapakalma sa akin ni Papa. Agad akong tumayo at lumabas ng bahay para puntahan ang nangyaring sunog kanina. Binaliwala ko ang malakas na tawag sa akin ni Papa at patuloy na tumakbo papunta sa bahay nila.


"Bata, bawal ka muna dito, medyo delikado" saad sa akin ng bumbero na humarang sa akin, ng papasok na sana ako sa loob g bahay.


"Y-yung kaibigan ko. Dyan po s-sya nakatira" naluluha kong saad at nagpupumilit na pumasok.


"Peter! Please, asan ka?! Peter! Lumabas ka!" Nagsitinginan na sa akin ang mga pulis at bumbero dahil sa aking pagsigaw.


"Excuse me bata, pero wala na dyan ang mga tao, nasa hospital na sila" saad ng pulis.


Hindi na ako nakipagtalo pa at pumunta ako sa hospital na malapit lang sa aming school. Muntik na akong madapa dahil napigtas ang tsinelas ko. Kinuha ko na lang ito at saka tumakbo muli kahit nakayapak lamang ako.



"Uhh, h-hello po. Andito po ba yung kaibigan ko na si Peter?" Tiningnan ako ng nurse at nginitian.


"Hello pati, bawal bata muna dito, asan ang kasama mo?" Kumuha sya ng tsinelas at saka inilagay sa harapan ko.


"S-si Peter Ramirez po, kailangan ko po syang makita" saad ko ulit dito nagbabaka sakali na sagutin nya ako.


"Sorry pero bawa-"


"Cursie?" Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Tita Kylie na may sugat sugat sa katawan at may benda ang kaniyang kanang braso.

"T-tita!" Kaagad akong tumakbo sa kaniya para sya'y yakapin. "N-nasan po si Peter?" Nawala ang kaniyang ngiti at napalitan ito ng mga luha. Tiningnan nya akong maigi at hinawakan ang aking kamay. Hinila nya lang ako papunta sa loob ng isang kwarto. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko syang nakahiga sa kama at tila nasunog ang kalahati ng kaniyang mukha.


"P-peter!" Naluluha kong tawag sa kaniya at kaagad ko syang nilapitan para mapagmasdan. "H-huy, g-gising. P-please, m-maglalaro pa tayo diba?" Niyugyog ko sya ng mahina nagbabaka sakaling magising sya. Hindi ko malaman kung bakit kada punas ko sa aking luha ay may pumapalit na naman na panibago.



"T-tita, anong n-nangyare?" Nilapitan nya ako at niyakap. Hinaplos nya ng dahan dahan ang aking buhok. Napapikit na lang ako ng maramdaman ko ang kaniyang mga paghikbi at pagtulo ng mga luha.



"I-I'm so sorry, Celestia" saad nito. Hindi ko maintindihan ang kaniyang pinapahiwatig pero biglang kumirot ang puso ko kasabay ng walang hanggang pagtulo ng luha ko.
"N-niligtas nya kami" pagpapatuloy nito kaya lalong kumirot ang puso ko at tila nanghihina na. Kumalas ako sa yakap ni Tita Kylie at nilapitan si Peter.



"A-akala ko ba, babalikan mo ko kapag malaki na tayo? A-akala ko ba pupunta ka pang Manila?!" Hindi ko na mapigilang sumigaw dahil sa sakit na aking nadarama.


"S-sino na ang kaibigan ko?" Naluluha kong tanong bago ako mawalan ng malay.


Napatingin ako sa lalaking nasa harapan ko at nakangiti. Kumakaway kaway sya sa akin at tila nais akong yakapin. Medyo napaatras ako ng lumapit sya sa akin at hawakan ang aking kamay. S-si Peter. Yayakapin ko na sana sya ngunit bigla syang tumakbo. Tumakbo din ako pero hindi ko alam ang nangyayari dahil mas lalo syang lumalayo sa akin.


Psyche University (Completed)Where stories live. Discover now