Chapter VII

17 15 1
                                    

"What is love?" Lahat kami ay napatingin ng biglang magtanong ang aming guro. Mabuti na lamang at nahuli din sa klase ang teacher namin, kundi parurusahan daw kami. Inikot ko ang mga mata ko, at sa tingin ko ay walang sasagot. Dahil halos lahat sila ay napakamot sa kanilang ulo.

"It's a synonym of the word "unfair", that's my opinion, Ma'am" I said. Nagsitinginan kaagad sila sa akin at iniintay pa ang susunod kong sasabihin. Sinenyasan ako ng aming guro na ipagpatuloy ito para lubos nilang maintindihan.
"Kasi minsan kailangan mo magparaya, kahit ginawa mo na ang lahat. Kailangan mong tapusin ang lahat, dahil binibigyan ka na nya ng rason" I sighed. "Hindi ito patas kasi, nagmahal ka lang naman at gusto mo itong masuklian. Ngunit nakatanggap ka pa ng sakit, at pagkabigo" I continued.


"Okay, thank you Ms. Siandres. Sino pa pwede saking magbigay ng meaning nito?"


"It's also a synonym word for "inevitable", bukod sa unfair" pagsagot ni Kaizer.


"Inevitable?" Our teacher asked him. Her name is Ajie Farrah Legaspi, aunt of Xandra.


"It's unexpected and you can't do anything to stop it. You can't do anything to stop yourself from falling... deeper" he explained.
Napatingin kami lahat kay Keifer ng magtaas ito ng kamay.


"What is it, Mr. Belgica?" Ma'am Farrah asked.

"It's also a synonym for "war" he said. "Palaging may hadlang at digmaan para makamit mo ang isang pagmamahal. Dadaan ka muna sa mga pagsubok at sa mga taong magtataangkang agawin ito sayo" he continued.


"Very good, all of you. Thank you for answering my question" she said then smiled. "As a reward, enjoy our remaining time in the field to get some fresh air" she continued and clapped a little.


Lahat kami ay nagsitayuan at nagbow sa kaniya bago lumabas ang aming guro. Lahat sila ay nagsigawan at nagunat unat. Ang iba sa kanila ay tumakbo na kaagad sa labasan habang kami ay nanatili muna sa loob upang magayos ng gamit.


"Burned, grilled, toasted bread with butter and sugar!" sigaw ni Richy.

"You're so annoying, Kuya. I have a syringe here, tulog ka na lang sa Psyche Room" pagdadabog ni Leona.

"Init ahh. Parang may nga pinagdadaanan ah" pagbibiro ni Xandra.

"Sorry, I'm here pa kasi eh" pagbibiro ni Keifer at ginagaya pa ang pananalita ni Leona.

"Unfair, inevitable and war. Nagdadalaga at nagbibinata na ang mga junakis ko" pagbibiro ni Theodriya.

"Baka si tita ang may pinagdadaanan. May nalalaman pang 'What is love?'. Jusmeyo mahabagin" saad ni Xandra sabay hawak sa sentido nito.

"Let's eat na lang. Or let's hit the other students with Kaizer's baseball bat" Leona suggested.

Baseball bat? Agad kong sinampal ang sarili nung naisipan kong gawin ang sinasabi ni Leona. Imbis ata na makapagbreak ako, magiging loka loka pa ko.

"Weird mo, Alienna. How about truth and dare?" -Keifer

"Gagi Dare and Truth yun" -Richy

"Ohgash, we have idiots in here. Pakiwalis please" - Leona

"It's Truth or Dare" I said while laughing. "Tara, para magkaroon tayo ng impormasyon sa isa't isa" pagpapatuloy ko.

"Epal nito, ikaw na matalino. Basagin ko yang bungo mo eh" pagtatampo ni Richy.


"Brutal" Keifer said. At saka nya inakbayan si Richy palabas ng room.
Sumunod na din kaming lumabas at nagtanggal sila ng vest dahil medyo masikip ito kapag umuupo. Agad silang umupo ng pabilog para kami ay magkakaharap, at ang katabi ko ay si Xandra at Theodriya.

Psyche University (Completed)Where stories live. Discover now