Chapter IX

14 13 0
                                    

"S-sleep over?" I asked them. Hindi ako mapakapaniwala na dito pa sila matutulog kahit maaga pa ang pasok namin bukas.

"Ayaw mo? You can sleep in the Psyche Room" Leona said then smirked. Nasitayuan ang mga balahibo nung sinabi nya ito kaya kaagad akong napailing. Huminga na lang ako ng malalim at kumuha na ng damit para makapagbihis at makatulog na ng maaga.


"Ta-da" sigaw ni Xandra at saka nilabas ang mga damit pantulog sa ilalim ng kama ni Theodriya. Nanlaki ang mata ko ng makita ang nakalagay doon.

"W-we're a p-psycho?" nauutal kong tanong sa kanila. Iyon kasi ang nakasulat sa likod ng shirt ng aming pantulog. Kulay puti ang pang itaas na may kulay pulang tatak sa likod na "We're a psycho" ang nakalagay. Habang kulay itim naman ang aming pambaba na pajamas.


"Bakit? Ang cute kaya ng font" saad ni Xandra nung nakita nya ang ekspresyon ko.

"Uh? Where did you get those?" Theodriya asked them. Tumingin sakin si Theodriya at nilakihan ako ng mata. Alam kong nagulat din sya sa tatak na nakalagay, at hindi malaman kung isusuot ba namin ito o hindi.


"Pinaprint ko. Galing ko tumakas noh?" pagmamalaki ni Xandra at saka ibinigay sa amin ang mga damit. "Suot nyo yan, ngayon. Meron din ako sa mga lalaki kaso hindi pa tapos eh" saad ni sabay kamot sa ulo.

"Xandra?!" sinigawan ni Theodriya si Xandra dahil lumalabas ito sa rules. Bawal na bawal kaming lumabas kung wala ang pahintulot ni Dra. Liberty.


"Chill gurl. I'm already punished" Xandra pouted. Tumakbo ito kaagad sa banyo noong babatuhin na sana sya ni Theodriya ng tsinelas. Tumawa ng malakas si Leona kaya sinamaan sya ng tingin ni Theodriya.


"Chill mudra. You'll wear those ha, just for today. Mwuah" Leona said then winked. Pumasok sya sa kabilang banyo at nagsimula na ding magbihis. Narinig ko ang malalim na buntong hinigga ni Theodriya kaya hinawakan ko sya sa balikat.


"It's just for today, right?" Ngayon lang naman. Pagbibigyan ko na sila kahit na labag sa loob ko. Tiningnan ko ulit ang nakalagay sa likod at ngumuso. "Deep breath, Theodriya. Ngayon lang, pagbigyan na natin" pangungumbinsi ko sa kaniya.


"Sa tingin mo gagaling sila?" tanong nito ng aalis na sana ako para magbihis. Medyo nagulat ako sa tanong nya dahil, alam kong naniniwala sya na balang araw, makakalabas din sila. Hindi ko alam ang nangyayari sa kaniya, baka nga nawawalan na sya ng pag asa. Tiningnan ko sya at ngumiti.

"Kapag nakalabas na tayong lahat, lilibre ko kayong ice cream. There's an ice cream store near our school. Coffee crumble akin ha" saad ko dito at pinitik ang kaniyang noo.

"Ouch! I'm older than you, yah know?!" sigaw nito. Inirapan ko lang sya kaya tumawa sya ng malakas. "Hey, don't irap irap me ha. Porket you're my friend na eh" pagpapatuloy nito habang ginagaya ang accent ni Leona.


"Hey, walang originality. Magbihis na nga kayo" saad ni Leona ng makalabas na ito sa banyo, suot suot ang pantulog. "Ako dun sa kama mo, Cursie ha. Sa lapag ka na lang, mwuah" pagpapatuloy nito saka nagflying kiss. Napatawa na lang ako at nagthumbs up saka pumasok sa banyo para makapagbihis.


"Minus sa langit toh ah" bulong ko ng maisuot ko na ang damit na pinagawa pa ni Xandra. "Hindi na tayo makakaakyat sa langit nito" saad ko sa kanila ng makalabas na ako sa banyo. Nakita ko silang nagtatawanan na habang nanonood ng tv sa sala.


"Why? Are you expecting na mapupunta ka sa langit? Your friends are sinners, samahan mo naman kami sa baba" pagbibiro ni Leona. Tumayo ito para kumuha ng pagkain sa kusina. "Magpapagrocery na lang ako para sa inyo" pagpapatuloy nito saka nagpeace sign.

Psyche University (Completed)Where stories live. Discover now