Chapter VI

20 16 1
                                    

"Hey? Are you listening?" Xandra asked me.

Nandito kami sa cafeteria para bumili ng pagkain. Pagkatapos nila akong tulungan linisin ang storage room. Nginitian ko lang si Xandra at inilibot ko ulit ang aking mga mata. It's so huge, almost all of the students in PU can fit in this area. It has black chairs and white tables, it's a large butterfly table. May pang isahaan, at pang maramihan.
Libre dito ang mga pagkain, kaya pwede kang mamili ng mga gusto mo. Mas lalo akong namangha ng mapansing wala itong bubong, tinatakpan lang ang araw ng malalaking puno na nakatanim sa tabi ng mga upuan.


"It's cool, right?" She asked again. "Noong unang pasok ko dito, manghang mangha ako at palagi kong inaantay tuwing maglulunch na" she continued.


"Ang galing nila gumawa, noh? I asked them. Nakaupo na kami sa pangmaramihan at ang iba ay nagsisimula ng kumain. Napatawa na lang ako nung nagaagawan si Keifer at Richy sa balat ng fried chicken. Habang si Xandra naman ay inagaw ang ice cream ni Kaizer, allergic daw kasi ito sa ice cream.


"San ba napadpad si Leona at Theodriya?" tanong ni Richy. Hindi ko tuloy mapigilang magaalala kay Theodriya, lalo na't aalis na sya. Nung sinabi ko ito sa iba, masaya naman sila. Dahil sa wakas daw ay aalis na si Theodriya at makakapamuhay na ng maayos sa labas. Gustuhin ko man maging masaya pero hindi ko magawa. Oo, pagiging makasarili ito pero, kahit isang buwan pa. Hindi pa ako sanay ng wala sya.

"Tuturukan na talaga kita ng pampatulog." Nagulat ako sa sinabi ni Richy kaya kaagad silang tumawa. "Kanina pa kaya kita tinatanong, tas nakatulala ka lang dyan. May atraso ka pa sakin ha, halikan kita dyan eh" pagpapatuloy ni Richy.


Lahat sila ay nagsitawanan ng ipinasok ni Kaizer ang isang buong manok sa bibig ni Richy. At sabay ding sinubo ni Keifer ang ice cream dito. Patuloy ang kanilang pagtawa kaya nakitawa narin ako.

"All of you, please stay quite. Binubulabog nyo ang cafeteria." We are all startled when Katara appeared out of nowhere. Ni hindi nga namin napansin na pumunta sya sa table namin. Nagsitanguan na lang kami para makaiwas sa gulo at galit ni Katara.


"Sungit, porket mataas lang ang ranggo dito sa school eh" pagbulong ni Xandra.

"Mataas na ranggo?" tanong ko. Nakaalis na si Katara kaya nagusap usap na ulit kami. Sinundan ko ng tingin si Katara pero bigla na lang syang nawala nung dinaanan nya ang grupo ng mga babae na naglalakad papuntang cafeteria.

"Gold vest. Kung sino man ang nakasuot ng gold vest, mataas ang ranggo. Parang sila ay may kakayahang mamuno sa school matapos makapasa sa test" pagsagot sakin ni Xandra.

Napatingin ako kay Richy ng mapansing nakasuot din sya ng gold vest. Ibig sabihin, may kakayahan silang mamuno dito katulad ng aming Principal, dahil pumasa sila sa isang test?

"Tingin tingin mo dyan? Hindi ka ba makapaniwala? Nakakaoffend ka ha, tusukin ko yang mata mo eh" saad ni Richy saka padabog na inilapag ang kutsara.

"Walang nakakaalam ng test, yung mga nakagold vest lang. At bawal na bawal na sabihin ito sa mga nagbabalak na kumuha ng test" saad ni Keifer.

"Math, English, History, yun yung una. Archery, Arnis tas basta yung dulo makikipaglaban ka, pili ka ng sandata mo. Kutsilyo, itak, latigo, pamaypay, baseball bat" biglang tugon ni Richy.

"Except sa lalaking toh, palagi nyang sinasabi ang gagawin para makapasa. Pero kahit anong sabi neto, wala paring nakakapasa, dalawa lang sila." Saad ni Keifer. Nagulat ako sa mga narinig ko dahil bakit may archery, saka pakikipaglaban? Para saan ang mga iyon.

"Sabi ni Principal, para daw maprotektahan natin sarili natin. Masyado daw delikado ang mundo ngayon" saad naman ni Kaizer. "Gulo nito, sarap hampasin ng baseball bat" pagpapatuloy nito.

Psyche University (Completed)Where stories live. Discover now