Chapter XIX

8 7 0
                                    

"Sie, are you okay?" Napatingin ako kay Theodriya at nagaalinlangan na ngumiti. Tumingin na lang ako sa paligid at siniguro kung nakaalis na sya.




"Bakit ba biglang dumilim yung paligid" naiiritang tanong ni Xandra.



"Para mas romantic, may colorful lights naman eh" pagbibiro ni Richy.



"You're so baduy! Buti na lang, we can still see in the dark" komento ni Leona. Napahinga ako ng maluwag ng hindi nila napansin ang nangyari kanina.



"Alienna" saad nya sabay ngiti sa akin. Nanatili akong nakatingin sa kaniya at hindi makapaniwala na nandito sya sa harapan ko. "F-for the last time?" Napahinga ako ng maluwag at saka tinanggap ang kaniyang kamay para magsayaw. Muntik akong mapasigaw ng biglang dumilim ang paligid at iba't ibang kulay ng ilaw ang nagsisilbing gabay sa pagsasayaw namin.




"N-nanaginip ata ako" bulong ko sa sarili. Sasampalin ko sana ang aking sarili ngunit hinawakan nya ito. Kumirot ang puso ko ng makita ko ang kaniyang mga paluhang mga mata. "I-ikaw si-" Napatigil ako sa aking sasabihin ng bigla nyang halikan ang kamay ko.



"Do you like it?" Napatingin ako ng bigla syang nagtanong. Hindi parin ako sanay sa kaniya, masyado syang malamig. "The necklace" saad nitk muli at tiningnan ang kwintas na nakasuot sa akin. Tiningnan ko ulit sya at napakunot ang noo ko.




"I bought that for you... long time ago" Mas lalong kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nya. Nawala lahat ng tanong sa aking isipan ng bigla nya akong niyakap. Naramdaman ko ang pagalog ng kaniyang mga balikat, umiiyak sya. Hinawakan ko ang kaniyang likod at dahan dahan itong tinapik. Hindi ko man alam ang dahilab pero kahit ako ay nasasaktan para sa kaniya.




"I-I-m ready to listen. So, don't hesitate to tell me, everything" I said then stroked his hair, gently. Kumalas sya sa pagkakayakap sa akin at tiningnan ako sa aking mga mata. Nginitian ako sya para sabihing nandito lang ako. Nandito lang ako, Keifer... Peter.




"You're right" he said all of a sudden. "I have to go" he continued then left me confused. Hahabulin ko pa sana sya pero may biglang humablot sa akin. Halos mapasigaw ako dahil muntik na akong madapa dahil dun.




"Oh, sorry! Baka mamaya kasi makabangga ka dyan eh" Tumango na lang ako at nakipagsayaw sa kaniya. "Thank you nga pala sa pagligtas sa akin" pagpapatuloy nya. Naalala ko na naman ang araw na iyon. Nginitian ko sya at tumango. Kumirot bigla ang puso ko ng maalala ko na iyon ang araw na niligtas ko din si Keifer.




"H-hey, ayos ka lang ba?" Napatingin ako sa kaniya at tinuro nya ang luha na pumapatak sa aking mga mata. Agad akong napabitaw sa kaniya at pinunasan ang aking mga luha. "Here" Kinuha ko ang panyong kanyang inabot at pinunas ito sa aking mukha.




"Sorry ha" Nahihiya tuloy ako dahil sa harapan nya pa ako tuluyang umiyak. Umiling iling lang sya sa akin at saka hinatid ako sa aming upuan. "Thank you. Oh, lalabhan ko muna ito, saka ko na lang ibibigay sayo" saad ko muli at nginitian sya. He's quite tall, curly brown hair, pale skin, and he's not wearing his thick glasses today, that's why he looks good.




"Spade!" Napalingon sya sa tumawag sa kaniya at sinenyasan nya ito.




"Mauna na ako" Tumango lang ako at tumingin sa panyo. Ito ay kulay itim na may maliit na spade sa gilid ng panyo. It looks familiar.




"Hoy ghorl! Tulala ka naman ah, wala bang nagsayaw sayo?" Napabalik ako sa realidad ng pitikin ni Xandra ang noo ko, kaya agad syang hinampas ni Kaizer sa braso. "Sinugin ko yung baseball bat mo eh" inis na tugon ni Xandra.




Psyche University (Completed)Where stories live. Discover now