Kabanata 1

4 0 0
                                    

Napabalikwas ng bangon si Consay dahil sa tawag ng kanyang inang si aling April.

Araw ng linggo at walang pasok sa hasyenda Villasis. Pag-aari ng mayamang angkan ng buong Pangasinan na si Don Paay Ni Olay Villasis. Pupungas pungas na lumabas ng kwarto si Consay sabay mano sa kanyang inang si aling April.

"Mag-igib ka ng tubig para may gamitin akong panlaba sa mga damit niyo.", ang utos ng kanyang ina.

"Nasaan po si Jhaell", na ang tinutukoy ay ang bunsong kapatid. Dalawa lamang silang magkapatid.

"hay naku! Alam mo naman pag linggo nasa kanyang mga kaibigan ang kapatid mo", ang sagot ng kanyang ina.

Nagtungo sa igiban ng tubig si Consay at pinuno ang dalawang drum. Palibhasa ay nasanay na sa mabibigat na trabaho sa asyenda kaya madali lang para sa kanya. Pagkatapos niyang mapuno ang dalawang drum ay tamang tama naman na tapos na si aling April na magluto ng kanilang pang almusal.

"sunduin mona si jhaell ng makapag almusal na tayo",sabi ng kanyang ina.

"opo Inay",sagot ni Consay at agad pinuntahan ni Consay ang kapatid sa bahay ng kanyang kaibigang si Jacky.

"jhaell...! Uwi na muna sabi ni inay para makapag almusal na", sigaw ni Consay sa bakuran nina Jacky.

"anjan na po kuya", tugon ni jhaell at agad nagpaalam sa kaibigan.

"balik ka maya ha para matapos na natin itong project natin", pahabol na sabi ni jacky kay jhaell.

"okay!", masiglang tugon ni jhaell.
"hoy.... Crush kumusta kana? Pwd ba akong makikain sa inyo?", sigaw ni Jacky kay Consay.

"ok naman ako..gwapo parin...saka ka na lang makikain sa bahay pag marunong ka ng magluto", ganting sigaw ni Consay habang naglalambingan ang magkapatid pauwi sa bahay nila.

Pagkatapos ng almusal ay tumulong ang magkapatid sa pagliligpit sa pinagkainan nila at tumulong sa gawaing bahay.

"inay...anung oras po uuwi si itay?", tanung ni jhaell sa kanyang ina.

"mamayang hapon siguro kasi yun ang paalam niya, siya kasi naatasan na mamili sa kakataying baka para bukas ", tugon ng kanyang ina.

"bakit? Anu pong okasyon bukas inay?", tanong naman ni Consay sa kanyang ina.

"uuwi daw dito yung nag-iisang anak ni Don Paay galling Amerika", sagot ng kanilang ina.

Biglang natameme at parang tinuod sa kanyang kinatatayuan si Consay... 'si Jera uuwi nan g pilipinas? Ano na kaya ang hitsura niya',tanong sa sarili ni Consay... lingid sa kaalaman ng kanyang magulang at kapatid ay may lihim siyang paghanga sa anak ng Don. Nahihiya nga lang siyang lumapit at makipagkaibigan kay Jera dahil sa kaibahan ng kanilang estado sa buhay.

Pagkatapos ng elementarya ay ipinadala ng Don si Jera sa Amerika para doon magtapos ng pag-aaral. Magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman ni Consay na muling masilayan ang babaeng namumukod tanging laman lagi ng kanyang isipan. Sa aminin man niya o sa hinde ay isa si Jera sa kanyang inspirasyon kaya siya nagpursiging makatapos ng pag-aaral sa kursong civil engineering. Mag-iisang taon na ng makatapos siya ng pag-aaral. Subalit mas minabuti muna niyang mamalagi sa hasyenda.

Fate of LoveWhere stories live. Discover now