CHAPTER 24
Halo-halo ang nararamdaman ko nang malaman na mag ba-bakasyon na. Una, magiging masaya kasi medyo hindi na stressful. Pangalawa, sobrang boring siguro dahil nasa bahay lang ako na may Mari. Pangatlo, no monggis. Pangapat, Arsen on a vacation.
"I don't know, maybe for the rest of the summer," nakangiting sagot ni Arsen nang itanong ko sila kung gaano sila katagal sa bahay ng grandparents nila. "Don't worry, I'll call you... But not everyday."
Pilit akong ngumiti.
He chuckled and held both of my shoulders. "Hindi na 'to katulad nung Christmas break, promise! Mas may time naman na kasi ako, and hindi kami gaano pagbabawalan."
I looked at Gael. He closed his eyes and nodded while there's a lollipop in his mouth.
"Grabe naman, bakit mas naniniwala ka kay Gael?" Tanong ni Arsen. Gael scoffed behind him and walked away.
Nagkibit-balikat ako. "Second opinion lang..."
Nakangiti siya at tumango.
After that day, hinatid niya ako sa bahay. Up until now, wala pang nakakaalam na kami na except sa mga kaibigan ko at kay Gael.
"Hala, weh?! Kailan pa?" Tanong ni Andrew nang sabihin ko sa kanila na kami na ni Arsen.
Ngumisi ako. "Nung sembreak..."
Nangunot ang noo ni Jaeden. Tinignan niya ako ng masama at mahinang sinuntok sa balikat. "Pinagmukha mo kaming tanga sa kakaasar sa'yo?!"
Ngumuso ako at nagkibit balikat.
"Mapanlinlang," natatawang sabi ni Denise. Siya lang ang natutuwa habang ang dalawa ay hindi makapaniwala.
Ngumiwi si Andrew at tinuro ako. "Mapanlinlang..."
Humalakhak si Denise. "Never again na, guys. Mamaya kung sino sino 'yong inaasar niyo tapos kayo lang rin pala nag-mumukhang tanga sa side nila."
Inirapan ako ni Andrew. "Congrats, pero pakyu."
"Masama pa rin loob ko na kay Arsen nagkagusto ka, pero sa akin hindi," sarkastikong sabi ni Jaeden habang nakahalukipkip. "Pero congrats. Stay strong."
When Arsen said that he'll still call but not everyday... He was right about that. Minsan nga lang kami nakakapag usap.
Napapansin ko rin na sobrang saya talaga nilang pamilya! Nakikita ko sa mga tagged post nila na halos may ganap sa kanila araw-araw. No wonder kaya walang time si Arsen.
Zoe Brianna Alonzo:
Nakita ko mga tagged post sa 'yo!
Enjoy kayo!
After messaging him, I turned my phone off. Hindi naman siguro siya mag me-message sa akin dahil busy sila.
Humarap ako sa salamin at tinaas ang shirt ko, revealing my chubby tummy. Goal ko talaga na mawala 'to ngayon. Ewan, nagdadalaga na siguro ako at conscious na ako sa katawan ko.
Sinubukan kong magsimula kahapon pero hindi ko matapos tapos kasi napapacheck ako sa cellphone ko. Tapos 'yon, mag se-cellphone na lang ako.
Nang oras na para kumain, bumaba na ako. Mari and I still don't talk too much. And feeling ko, development na 'yon kasi kapag hindi kami naguusap, hindi kami mag-tatarayan.
"Mom and Dad went home from shopping," Mari told me habang kumakain ako. Nagtaas ako ng tingin sa kaniya. "Tawag ka."
Tumango na lang ako kasi hindi pa naman ako tapos kumain.
BINABASA MO ANG
Just Say Goodbye│Valiente #2
Teen Fiction(Valiente #2) It is fun to meet someone with the same vibes like yours. The two of you would talk, call, and share each other's problems that both of you can't share to somebody else. The both of you will become each other's favorite person. Until a...