CHAPTER 5
"Pwede ko bang matanong kung bakit ganiyan ang suot mo?" Tanong niya habang naglalakad kami pabalik sa bahay. "Wala namang mali, nagulat lang talaga ako. Wala lang, first time lang kitang makitang hindi naka-uniform."
Mapakla akong ngumiti. "Gustong gusto ni Mama na pinapasok ako sa mga modeling agencies. Pero parati akong hindi natatanggap," sabi ko at nagkibit-balikat. "Alam mo na... Hindi ako pasok sa beauty standard."
This country's beauty standard is exactly the opposite of how filipinos should look like.
"Their lost..." aniya.
Yeah, ilang beses ko nang narinig 'yan. Minsan nga ay hindi na effective. Ngayon, wala ng epekto. Isa na lang siyang simpleng salita. Nararamdaman ko na lang na sinasabi nila 'yun para kahit papaano, gumaan ang pakiramdam ko.
"Do you like modeling?"
Umiling ako. "No..."
"Then why–"
"Ayun 'yung gusto ni Mama," nakangiti kong sabi. Tumigil kami sa kanto ng street namin. Nakangiti ko ulit siyang nilingon at bahagyang tumango. "Thank you..."
Tumango tango siya habang tinitignan ang malaking karatula kung saan mababasa ang pangalan ng lugar. "Malapit lang pala..." aniya. "So, pwede naman pala ako pumunta rito. Alam mo na, kapag manliligaw ako, ganoon."
Tumawa ako. "Sige, basta siguraduhin mo na may dala ka palagi."
Tumawa rin siya.
Papasok na ako sa bahay namin nang maalala ko na hindi ko pa rin alam ang pangalan niya. Nagpaalam ako sa kaniya kanina, nag ngitian pa kami. Pero hindi ko man lang natanong ang pangalan niya.
"May susunod na araw pa naman," bulong ko bago tuluyang pumasok sa bahay. Bunganga kaagad ni Mama ang sumalubong sa akin na inintindi ko na lang. Ba't naman kasi ako biglang umalis. Tapos halos mag-iisang oras din akong nawala.
Days passed and I barely see him—si simp person. Tuwing naalala ko siya ay bigla kong iniisip na kailangan kong alamin ang pangalan niya. Friends na kami, sabi niya. Napaka-duga naman no'n. Alam na niya 'yong pangalan ko tapos 'yong pangalan niya, hindi ko pa alam.
Curiosity is bothering me. Bakit ko pa kasi hindi hiningi. Eh, siya rin kasi. Bakit kasi hindi niya rin sinabi.
Tinatadtad kami ng deadlines ngayon. Lalo na't malapit na ang third quarter exam. Pero kung mas madami silang ginagawa. Mas madami naman ang akin.
Kailangan kong gawin ang mga projects ko sa sampung subjects. Plus, lectures na mga nakaligtaan kong gawin, reviewers na mga ipapasa, tapos may mga assignments pa. Dadagdagan pa ng mga quizzes na kailangan kong i-record at maipasa kaagad.
"Pakopya nga ng lecture, Zoe..." ani Denise.
Hindi na ako nagsalita at tumango na lang. Umusog ako ng kaonti para makuha niya ang kailangan niya sa bag ko. Nagpatuloy ako sa pag a-attendance at pag rerecord ng mga quizzes.
"Wala ka pang lecture sa AP?" Tanong niya dahilan para matigilan ako. She was flipping the pages of my notebook. "Gaga ka talaga, sinend 'yung PowerPoint last week..."
Napapikit ako. Hindi ko alam. Ang dami ko pang gagawin. I waved my hand dismissively. "Pag-uwi ko na lang gagawin..."
Pero pag-uwi ko gagawa pa ako ng projects...
I shook my head. Bahala na, punyeta.
Tinapos ko ang mga pinapagawa sa akin ng mga teachers namin bago hinatid 'yun sa faculty. Masiyado siguro akong bida-bida nung first quarter. Sa akin na tuloy pinagkakatiwala nung mga teachers 'yung mga ganinto.
BINABASA MO ANG
Just Say Goodbye│Valiente #2
Teen Fiction(Valiente #2) It is fun to meet someone with the same vibes like yours. The two of you would talk, call, and share each other's problems that both of you can't share to somebody else. The both of you will become each other's favorite person. Until a...