CHAPTER 18

102 7 0
                                    

CHAPTER 18

"I don't like you, Arsen," natatawa kong sabi bago alisin sa kaniya ang tingin ko at nagpatuloy sa pag-kain.

Tumawa siya. Nangunot ang noo ko at nilingon siya para lang makita ko na nakatitig siya sa akin habang nakahalukipkip at may ngiti sa labi.

"Ano?!" Inis na sabi ko pero tinawanan niya lang ako.

Inirapan ko siya at sinubukan ulit ang kumain. Nakikita ko sa gilid ng mata ko na kumukuha siya ng fries habang ganoon pa rin ang pwesto.

Hindi ko alam kung saan ako titingin habang ngumunguya. Hindi ko alam kung paano ako ngunguya.

Habang ngumunguya, tumingin ako mga paa ko para lang hindi ko siya makita sa gilid ng mata ko.

Tinawanan ako ng gago.

"Bakit ba?!" Inis na tanong ko sa kaniya. Pero nginitian niya lang ako habang kumakain ng french fries. Mas lalo pa akong nainis nang kindatan niya ako. Umirap ako at umiling. "Hindi kita gusto..."

Tumango siya habang nakangiti. "That is exactly what a person would say when they like someone."

Tumango rin ako. "Sige, pilitin mo sarili mo."

Tumango rin siya. "Okay..."

Kunot noo na lang akong napa-ilinf at nagpatuloy sa pagkain.

Nakikita ko pa rin na nakatingin siya sa akin sa gilid ng mata ko. Pero hindi ko na siya pinansin. Kaya naman siya ganiyan kasi nagpapapansin siya, eh! Gusto niyang ini-inis ako! Kaya siya ganiyan!

"Tapos na ako, may tatapusin pa ako," sabi ko at inayos ang sarili. Ininom ko 'yong tubig at tumayo. Tinignan ko si Arsen para sana magpaalam pero nangunot ang noo ko nang nakaupo pa rin siya at kumakain na parang wala siyang narinig. "Arsen?"

"Hmm?" Aniya, nagpipigil ng ngiti.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Babalik na ako sa room."

Ngumiti siya at tumango. "Okay."

Dahan-dahan akong tumango at tumalikod. Okay? Hindi niya ako ihahatid katulad ng dati?

Napairap na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Nasa building na namin ako nang makasalubong ko si Alistair. Nginitian ko siya nang magkatinginan kami.

"Belated happy birthday pala, Zoe!" Aniya.

"Thank—" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang may mga batang nagtakbuhan. Sinundan ko sila ng tingin habang nakangiti. Nangunot ang noo ko nang makita na may papalapit sa akin. Inirapan ko siya at tumingin kay Alistair. "Thank you..."

Nakangiti siyang tumango. "Gusto mo ba nung..."

Tinaasan ko siya ng kilay ng tumigil siya. "Ano 'yon?"

Tumawa siya at umiling. "Si Arsen," aniya at tinuro ang nasa likuran ko. Hindi ako lumingon. Tinignan niya ako at ngitian. "Happy birthday, ah!"

Naramdaman ko ang presensya ni Arsen sa likod ko. "Wait, ano 'yongsasabihin mo?"

Nakangiting umiling si Alistair. "Wala 'yon."

Nangunot ang noo kong tinignan ang likod ni Alistair na naglalakad papalayo sa akin bago ko hinarap si Arsen.

"Gusto mo ako kasi pinagseselos mo ako," bigla niya na lang sinabi.

Tumawa ako. "Manahimik ka na nga, babalik na ako."

Inirapan niya lang ako at tumango. Dahan-dahan pa ang lakad ko kasi nasanay ako na sasabayan niya ako. Pero nandoon lang siya sa baba habang ako ay nasa hagdanan na. Umirap ako habang nakatalikod sa kaniya bago binilisan ang pag-akyat.

Just Say Goodbye│Valiente #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon