CHAPTER 16

95 3 0
                                    

CHAPTER 16

Hinawakan ko ang pareho kong kamay at sumandal sa plastic chair habang nakikipagtitigan sa screen. Muli kong binasa ang huling message sa akin ni Arsen ten minutes ago.

'Stay there. Wala pa naman ako sa bahay. Punta ako diyan.'

Hindi na ako nagreply pa kasi nag offline na kaagad siya.

Sinabi ko sa kaniya ang vcut issue namin ni Mari hanggang sa mapunta ang pag-uusap namin sa ex niya. Napangiti na lang ako nang maramdaman na nag-sisi talaga siya. Kasi sa tingin ko ang pag-sisising 'yon ang simula ng maturity niya.

Nang matapos ang pag-uusap namin about doon sa Ex niya ay tinanong niya ako kung bakit raw magkasama kami ni Alistair kanina. Nagkakamabutihan na raw ba kami? Nanliligaw na raw ba? Chuchu.

Typing palang ako ay sinabi niya nang, 'stay there. Wala pa naman ako sa bahay. Punta ako diyan.'

Tapos eto na. Hinihintay ko na siya.

Medyo nainitan ako dito sa loob ng computer shop at medyo nailang na rin nang dumami ang tao kaya lumabas ako. Pero mas nainitan lang ako dahil sa sinag ng araw.

Sumilong ako sa may tindahan at bumili ng buko juice habang hinihintay ang bestest friend ko.

"Miss, pwede painom?" Hindi pa man ako tumitingala alam ko na kaagad kung sino 'yon kaya naman napangiti na ako. Tumingala ako at medyo pumikit dahil sa sinag ng araw. "Uhaw na kasi ako."

Napansin ko nga ang mga butil ng pawis sa noo niya at ang dibdib niyang tumataas-baba.

Naglakad ba 'to or tumakbo?

Nakakunot ang noo, umusog ako sa inuupuan kong kahoy at agad naman siyang umupo ro'n habang hinihingal. Suot niya pa rin ang itim na t-shirt na nakita ko sa tweet niya kanina lang. Nalipat naman ang tingin ko sa bike na nasa harapan namin.

"Nagbike ka lang?" Tanong ko habang may straw sa pagitan ng mga labi.

Nakangiwi siya habang hinihingal pa rin. Umirap ako nang hatakin niya sa akin ang hawak kong buko juice at agad na humigop doon. Huminto siya saglit at sinabing, "uhaw na ako."

Tumango lang ako at kinuha ang wallet ko para sana bumili pa ng isa nang matuon ang paningin ko sa straw na nasa labi ni Arsen.

Namula ako. Hindi... Hindi man lang niya pinunasan...

Bahagyang nanlaki ang mata ko sa pag-iisip ng ganoon. Napangiwi ako at tumayo.

"Saan ka?" Tanong niya nang maglakad ako palayo.

"Nandito," sarkastikong sabi ko bago narinig ang mahina niyang tawa. Lumapit ako sa pinagbilhan ko ng buko juice. "Isa pa po, Kuya."

Nginitian ko si Kuya nang tumingin siya sa akin. Pero nangunot na ang noo ko nang malaman na hindi lang pala ako ang tinitignan niya. Titingin siya kay Arsen tapos sa akin. Ngingiti sa akin tapos biglang sinabi ang salitang 'sana all' nang pa-kanta.

Nawala ang ngiti ko at napalitan ng pilit na ngiti. Nagkatinginan kami ni Kuya at nginitian niya lang ulit ako bago pa-kantang sinabi muli ang 'sana all'.

Kawawa naman 'tong si Kuya...

"Akin ba 'yan?" Ani Arsen sa likod ko at tinapon ang supot na wala nang laman sa basurahan.

Tumango ako. Hindi na ako nagsalita kasi pasulyap-sulyap sa amin si Kuya habang nakangisi. Kung makaasar ng ganiyan akala mo close kami... Ngayon lang naman kami nagkita.

Medyo nakaramdam pa ako ng hiya kasi naririnig rin ni Arsen.

Pero wala siyang ginawa. Nginitian niya lang 'yong lalaki nang ibigay sa kaniya 'yong inumin niya.

Just Say Goodbye│Valiente #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon