CHAPTER 30
"Nakita ko mga tweets ni Arsen," ani Denise habang nasa CR kami ng Cornelia. Inirapan ko siya sa salamin. Tumawa siya sa naging reaksyon ko. "Nangangamoy malaking pagsisisi."
Kunot noo akong umiling bago kumuha ng tissue para patuyuin ang mga kamay ko.
"Paano kung bumalik?" Nakangising tanong ni Denise. Hindi ko alam kung curious ba siya o sadyang gusto niya lang akong mainis. "Papayag ka?"
Nagkibit balikat ako.
Sumama ang tingin niya sa akin. "Gaga, anong ewan? Dapat hindi na..."
Tinignan niya ako na parang nandidiri siya sa sinagot ko. Natikom ko ang bibig ko.
Oo nga...
Tama naman siya...
"Paano kung ikaw nga talaga? Paano kung sa loob ng ilang buwan na 'yon, ikaw nga naman pala talaga?" Aniya habang sinusundan ako pabalik sa table namin. "Tapos... May nakilala ulit siya next vacation... Ano? Kawawa ka naman?"
Hindi nanaman ako nagsalita.
"Magulo pa isip niyan ni Arsen. Kaya 'wag ka na diyan... Immature pa 'yan," nakangiwing sabi ni Denise.
Dahil sa sinabi ni Denise... Parang naging gano'n na nga ang takbo ng utak ko.
Tama naman kasi siya...
"Huy, scholar lang ako rito," natatawa kong sabi nang sabihin ni Jaeden na mag cutting na lang kami kasi ayaw kaming papasukin sa parehong gate ng AU.
Paano, pahamak si Andrew. Walang ID.
Nakangiwing tumalikod si Jaeden. Susunod na sana kami nang may dumating na motor. Napalingon ako kasi gumawa ng malakas na tunog 'yon.
Nanlaki ang mata ko nang makita si Phea. Nanatili akong nakatalikod habang kumakain ng fries. Oo, pwedeng si Gael 'yon... Pero pwede ring si Arsen 'yon.
Last time nakita ko motor ni Gael tapos may nakasakay doon na naka helmet. Aasarin ko sana kay Abreu... Pero puta! Si Arsen pala! Buti hindi ko pa nalalapitan.
"'Di kayo pinapasok?" Tanong niya na sigurado akong nakangiti.
Obvious ba? Putangina mo ka.
Hindi pa rin talaga ako maka move on na parang may something sa kanila nung Chayenne pagkatapos naming putulin 'yong mga koneksyon namin. Tapos... Parang ginusto niya rin 'yong nangyari...
Sinamaan ko ng tingin ang alam kong kanina pang nakangising si Denise.
"Hindi tayo marupok, ha?" Nakangisi niyang sabi. Nginitian niya pa ako.
"Sarap, Ab... Want mo?" Tanong ko kay Abreu nang tabihan niya kami. Nagpigil ng tawa si Denise bago kami tawagin nung dalawa.
Narinig ko pa lang boses nila na sinasabing 'tara na' ay naramdaman ko nanaman 'yong tatlo. Panginginig, mabilis na takbo ng puso, at medyo hirap sa paghinga.
Hindi ako gumalaw. Bahala na muna sila—
Abreu poked me. "Pwede na raw..."
Alanganin akong tumango habang pilit ang ngiti. Ang hirap naman kalaban ng kaba. Lalo na kapag andiyan siya... Tapos nag a-assume pa akong nakatingin siya sa akin.
Tumawa si Denise. "Tara!"
Masama ang tingin ko kay Denise nang tignan niya ako. Pero tinawanan niya lang ako. Sumunod ako sa kanila at sinubukang iwasan 'yong isa.
Makakahinga na sana ako nang maluwag kasi malalagpasan ko na siya. Pero umubo siya. Hindi ko na sana papansin kasi baka naubo lang talaga. Masiyado na akong nag a-assume na lahat ng kilos niya ay may koneksyon sa akin—
BINABASA MO ANG
Just Say Goodbye│Valiente #2
Teen Fiction(Valiente #2) It is fun to meet someone with the same vibes like yours. The two of you would talk, call, and share each other's problems that both of you can't share to somebody else. The both of you will become each other's favorite person. Until a...