CHAPTER 34
"Huh? Naniwala ka naman na nagbago na siya," ani Denise.
Nasa bahay kami nina Ab ngayon. Parati naman...
Wala naman talaga akong balak sabihin sa kanila 'yong nangyari... Pero saka ko lang nalaman na nakita pala nila kaming dalawa.
After no'n, hinatid lang ako ni Arsen sa sakayan. Pagkauwi ko, hindi maalis ang saya sa pakiramdam ko hanggang sa makatulog na ako.
"Nagbago na 'yon," ani Andrew habang nilalabas ang dila, nakikipaglaro sa aso nina Abreu na si Akio. "'Di ba, doge? Nagbago na ex ni Zo?"
He calls Akio 'doge' since 'yong lahi nung aso ay 'yong aso na madalas na nasa memes.
"Paano kung ulitin?" Tanong ni Denise.
"Bihira lang ang nagbibigay ng second chances sa cheaters," Abreu said. "Some says na magbabago, pero hindi naman talaga... Depende pa rin talaga 'yon sa tao. Sa ugali niya? Kung kaya niya bang magbago? At 'yong seryosong pagbabago?"
"Huh?" Si Denise.
"Let's say kung ikukumpara natin siya sa isang cheater na ilang beses nang nagcheat and you know sa sarili mo na he's immature and you know that he's really not that decent and still acts bad... I think he doesn't deserve the chance. I think for a person like him, once is already enough... Think about yourself as well... Hindi naman pwede na puro ka na lang patawad kahit alam mo naman na ilang beses na nangyari 'yon... Uulit ka pa ba?"
"Okay, and the other one?" Denise said as she listens attentively to Abreu. Pati ako—pati 'yong kambal nakikinig narin.
"For a person that you already know is decent and is really a good person despite of what he wronged... And when he said he changed, and you can really feel it and he acts upon it... I think he deserves a chance?"
"Pero paano mo naman malalaman na gano'n nga ang ugali at mindset?"
Abreu smiled. "I think you should know it... Kasi you've been with that person. You must be one of the person who'll truly knows him... Or her."
Napatango ako.
Jaeden and Andrew gave Abreu a slow clap.
"But that's just me... I don't want to ruin your life incase you picked what I'll do," she said and laughed.
Mahina akong natawa.
"Mabait kasi si Ab..." ani Denise. "Pero ako? Kapag nag cheat? Wala na. Ekis ka na sa akin."
"Eh, 'di ba kapag nga daw mahal mo, magpapatawad kang hayop ka?" Ani Andrew.
"Magmamahal ka pa ba ng manloloko?" Irap ni Denise.
"Pero base naman kay Arnel Sendro, parang hindi naman siya cheat, eh... Parang nalito lang siya? Natapos sila ni Zoe kasi ayaw niyang mag-settle na nalilito siya. Eh, hindi naman naging sila ni Chayenne..."
"Weh, naglalandian nga sa social media?"
"Gagi, gano'n lang 'yong si Chayenne para kabahan si Arsen at maalala niya ang kabobohang ginawa ni Arnel. Inaasar lang 'yon ni Chayenne."
"Paanong asar?"
"Asar! Baliw 'yon, eh. Ginawa niya 'yon para magalit si Zoe kay Arsen kasi maski siya pinaasa ni Chayenne."
Huh?
So... Walang kwenta over-thinking ko?
"Pinatigil ko nga 'yon, kasi nga..." ani Jaeden at tinignan ako. "Masasaktan Zoe natin."
BINABASA MO ANG
Just Say Goodbye│Valiente #2
Teen Fiction(Valiente #2) It is fun to meet someone with the same vibes like yours. The two of you would talk, call, and share each other's problems that both of you can't share to somebody else. The both of you will become each other's favorite person. Until a...