e - iii

25 3 0
                                    

[Tagalog -  Mga Tula]

Pamagat: "Tawag"

Baby ang itinatawag mo saakin

Bakit nasasaktan kahit ika'y akin?

Mahal, anong ito nangyayari satin?

Naging iba na pakikitungo natin

Iniirog ko, mahal mo pa ba ako?

Oh, minamahal mo na ang kaibigan mo

Ano nararamdaman't nakikita ko?

Isa ka din pala, mga manloloko

Pamagat: "Takot Sayo"

Ako'y natatakot sakaling iwan mo

Di alam gagawin sakaling lumayo

Taos-pusong umaasa sa pagbalik

Nang ako'y bumalik ika'y walang imik



Pamagat: "Ako'y bibilang"

Ako'y bibiling hanggang mawala ito

Isa, salamat sa lahat naging tayo

Dalawa, salamat nagpakatotoo

Tatlo, salamat nagsakripisyo sayo

Apat, patawad sa luhang pinatulo

Lima, patawad minamahal ng todo

Anim, may itatanong ako sainyo

Pito, minahal mo ba talaga ako?

Walo, minamahal mo din kaibigan ko

Siyam, parihas mo na kaming niloko

Sampu, malaya ka saamin pareho

Lahat, lungkot at saya pinaramdam mo

isinulat ni: κιμ

<3

Fall of ScorpioTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon