Chapter 16

351 4 0
                                    

Review



"Xy Jollibee kami, ano sasama ka ba?"



"Hindi na Gab, mauna na kayo try ko na lang sumunod" 



"Sure ka? Akala ko ba gutom ka na sabi mo kanina?" 



"Bili na lang ako sa canteen sige na una na kayo maraming tao sa baba nyan lunch time" 



Nauna na silang tatlo nila Sha sa Jollibee, lunch time na kasi. Nagpaiwan ako sa room saglit kasi kailangan ko pang magsagot ng worksheets para sa quiz bee sa histology. Halos every week kasi may worksheet na ibinibigay sila Ma'am para sagutan ko eh nakalimutan kong sagutan 'yon for this week kasi ang daming other requirements sa ibang subjects. Minsan nga vinivid call na ko ni Lux pag available siya sa gabi para bantayan ako sa pag rereview kasi madalas na lang akong makatulog dahil sa pagod tas pag gising ko umaga na agad. 



Halos mag-iisang oras ko atang sinasagutan 'yon, buti na lang walang mag kaklase dun sa room na pinag-stayan ko kanina kasi kung hindi maghahanap pa ko ng place para magsagot edi dagdag stress pa. 



Pagkatapos kong magsagot ay dumiretso muna ko sa canteen para bumili ng lunch. 



"Ate wala na pong ulam?" 



"Wala na eh, try mo sa kabila kung meron pa o kaya sa taas" 



Inikot ko na ang buong canteen kung pwede pa ba kong makabili ng kanin at ulam kaso ubos na lahat, mauubusan naman ako ng oras kung lalabas pa ko dahil may klase pa ko after kaya turon na lang ang pinili kong kainin for lunch. Hindi sapat pero atleast may laman ang tyan ko, halos mahilo na ata ako sa gutom. 



Pagkatapos bumili ay umakyat na ko sa office ni Ma'am Roces para ibigay ung worksheet. Medyo late na nga eh kasi sabi niya mga 10 daw ng umaga eh may klase ako at hindi ko pa nasasagutan that time. 



"Sis san ka kumain ng lunch?" tanong ni Sha pagkadating ko sa CC lab, nagmamadali pa dahil akala ko'y malalate na ko. Strict pa naman prof namin dito, galit agad pag late ka. 



"Bumili lang ako turon sa taas" sabi ko tsaka umupo sa tabi niya. 



"Hala okay ka na dun? Gusto mo may biscuit ako sa bag?" tanong niya kaso biglang dumating na si Ma'am kaya hindi na siya nakatayo. 



While waiting for our turn sa may counter ay tinignan ko muna ung phone ko sa bag para tignan if nag reply na ba si Lux sa text ko kanina. 

Coagulated Feelings (Pre-Med Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon