Chapter 22

379 9 3
                                    

Gift






Naging masaya ang time ko with the geria even though some of them have serious illnesses, I can see it in their eyes na masaya silang naka pag pa-check up sila. I just hope maging continuous ung pag-aalaga sakanila, kahit naman alam kong hindi rin yun ganun ka posible dahil sa sitwasyon nila though, our batch made some initiative to collect monetary funds and some in-kind donations para sa mga communities na naka assign sa amin. Just to give additional help to them. Sana lang talaga mas mabigyan na ng pansin ung mga ganitong communities.






Everything went well that day. Before dinner ay natapos na rin kami at naka pag-pack up. Almost everyone is silent because we are all dead tired. After the weekend, nag start na ang graduation practices. During the first days ay parang normal na araw lang ang mga practice, minsan lang ay hindi sanay ung katawan ko na walang acads na ginagawa. Alam mo ung feeling na parang may mali kasi wala akong ginagawang acads? Wala akong hinahabol na backlogs?






"Sino mag-aayos sayo sa grad?" tanong sakin ni Gab habang naka tayo pa kami at hinihintay ung ibang sections na matapos na mag entrance at makapunta sa mga upuan nila isa-isa. Last day of practice na namin ngayon then bukas ay wala kaming pasok para makapag-pahinga at makapag prepare sa baccalaureate mass. 






"Ung friend ni mommy na nag-aayos din sakanya kapag may events. Ikaw?" sagot ko sakanya habang pinagmamasdan ang ibang tao sa paligid. 






"Nag tawag din sila mama ng mag-aayos, excited na excited nga siya kaya agad kinontact nagulat ako" 






Pagkatapos ng practice ay kumain lang kami saglit sa labas ng campus tsaka na rin umuwi. Nakakapagod din kasi ang araw na 'to dahil whole day ang practice kasama ung mass pagkatapos ay ngayong araw lang din namin nakuha ung mga toga namin. 






"Xy alam mo na saan mo kukuhanin ung offering mo later?" tanong sakin nung isa kong blockmate. 





Coagulated Feelings (Pre-Med Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon