Chapter 10

402 8 0
                                    

Confess



Xylene umiwas ka ng tingin!



Sinunod ko ang sinasabi ng isip ko, umiwas ako ng tingin na parang wala naman talagang nangyari. I don't want to look at him, I don't like the feeling he's giving me right now. 



As much as I want to listen to Jake's instructions ay hindi ko talaga kayang maging fully focused. My hands keeps on trembling, hindi ko mahawakan ng maayos ung cue stick. Shit lang talaga!



"Uhm...Jake, I'll just go to the comfort room ha?" sabi ko kay Jake after kong uminom ng kakaonti dun sa baso ko. 



"Ohhh sure!" sagot naman niya sakin. Agad na kong tumalikod sakanya at dumiretso sa CR. Hindi naman talaga ako naiihi, gusto ko lang muna mapag-isa at chumill sandali kasi iba na talaga tong nararamdaman ko. Mamaya mapansin pa niya at tanungin niya ko, wala naman akong masasagot na matino. 



Pumasok ako sa cubicle at sumandal saglit sa pinto. Breath in, breath out. Breath in, breath out. Sinilip ko din saglit ung phone ko to check if nag message ba sila Gab but unfortunately, wala. Nag-eenjoy pa siguro sila or baka wasted na. 



"Hay okay kaya ko to!" bulong ko sa sarili ko habang nakalagay ang kamay sa dibdib ko. Lumabas ako ng cubicle, nanalamin saglit tsaka dumiretso na ulit sa bar. 



Pag daan ko sa bilyaran ay hindi ko na mahagilap si Jake, siguro may humila na don. Ano ba yan naiwan ko nanaman siya! Lagi na lang! Nakakahiya! 



"Nasan na kaya yon sila Gab?" hinahanap ko kasi sila pero hindi ko sila maaninag. Kahit si Juls hindi ko makita. 



Pagdating ko sa gitnang parte ng bar, nakita kong nagkukumpulan at nagtatawanan sa isang lamesa ang mga taga nursing. Nakapalibot din sila dun sa mga naglalaro na hindi ko din alam kung para saan ung machine na nilalaro nila. 



I tried to focus my eyes into their group, baka sakaling nahalo dun sila Gab o Sha pero kung minamalas ka nga naman talaga iba pa ang makikita mo. 



Nakita kong tinanggap ni Lux ung basong ni-refill ni Anika tsaka naman siya niyakap nito patagilid habang nag kekwentuhan sila at nagtatawanan. Tinungga niya pa ung binigay sakanya ha!



Luh edi kayo na masaya?! 



Umirap ako tsaka pinilit ang sarili kong umalis. Kung masaya sila, dapat masaya din ako ngayong gabi. Parang ako lang ata dito ung wala sa mood? Langhiya! Pumunta ako dito para mag-saya diba? Hay what the hell is happening to me?! 

Coagulated Feelings (Pre-Med Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon