Chapter 19

400 8 2
                                    

Fall



I was about to go near them pero bigla lang akong pinigilan nila Gab. Gusto kong malaman bakit sila magkasama. I don't mean any harm naman pero hinila na talaga ko nila Juls. That night, I just cried. Wala na akong pake kung may platings pa ko bukas. I didn't even bother to open my notes. I went straight to bed and cried. My friends keep on checking on me pero hindi ko na sila nirereplayan para makapag focus na sila sa pag-aaral nila. 



The next day, kahit ayaw kong pumasok ay pinilit ko dahil for sure makakahalata si mommy. Maga pa ang mga mata ko kaya magtataka pa yun lalo kung bakit ako hindi papasok. Tinanong niya na nga ako bakit ganun ang itsura ko, ang sabi ko na lang ay puyat lang ako kakaaral sa platings. Pagdating sa school, halos tulala lang ako. Ni wala nga ata akong magets sa mga diniscuss sa klase. I keep on checking my phone, flooding Lux with texts na magkita kami ngayon kasi miss ko na siya. 



Kasi I know him, he won't do that to me. 



"Oy pota--" 



Napatalon ako sa sigaw ni Juls. Napatingin ako sakanya at nakita ko na lang na hawak niya na ung test tube at nabuhos ung ilang laman nito sa sahig. 



"Xy tabi ka muna, i-mop na lang namin 'to. Upo ka na lang muna dun" sabi sakin ni Sha tsaka ako hinatid sa table namin. Ako pala ung nakahulog nung test tube. Mabuti'y nasalo ni Juls. Nakita kong tinapon niya ung laman nung test tube at binigay ito kay Gab pagkatapos ay kumuha siya ng mop para linisin iyon. Inulit naman ni Gab ung preparation na ginawa niya kanina kasi nga natapon ung mix na nasa test tube.



"Sorry..." sabi ko na lang kay Sha. She just smiled at me at pumunta na dun sa banda nila Gab para tulungan siya sa pag memeasure ng analyte.



Inilugay ko na lang ung buhok ko kahit bawal sa lab, para lang matakpan ng konti ung mukha ko dahil naiiyak nanaman ako. 



I miss him so much that it hurts to see him with someone else other than me.



The next few days, lagi na kong pumupunta sa hospital na pinag duduty-han ni Lux. Kung nandun ako lagi at kasama ko siya after his duty or during his breaks, edi hindi na sila magkikita or magsasama ni Anika diba? They wouldn't have the chance if I'm already there. 



"Oh bebi bakit ka nandito? May problema ba?" gulat niyang tanong sakin nung makita niya ko sa lobby. He's holding a small tray with some medicines in it. I smiled widely. 



"Wala lang, bawal ba? I miss you na eh. Ano oras break mo?" 



"Mamaya pa beb, okay lang ba sayo wait ka muna?"

Coagulated Feelings (Pre-Med Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon