"Low?" walang gana kong sagot.
"Uy, akala ko ba 8am#? 9 na ah?"ha?! 9 na?!
Napatinginnaman ako sa wall clock ko, at oo, 9 na nga! "Teka, maliligo lang ako, intayin mo ako!"
Ang ganda nang gising nga naman oh, aga-aga di pa ako nagaalmusal tapos ligo agad! Shit, 9 na pala, di ko namalayan ang oras at tinanghali na ako nang gising, hinayupak kasi yung unregistered number na nagtext sakin, napaisip ako bigla kung sino yun. "Woooooo! Lamig!"ok lang to, simula lang naman to eh, pagkatapos nang 3 buhos sana naman wala na yung ginaw no? Kaso naka 10 buhos na ako di padinnawawala yung ginaw, at naalala ko na December nga pala ngayon kaya malamig ang simoy nang hangin.
"Andito na ako? Sorry I'm late." pagkapasok ko naman sa bahay ni Gagabels, imbis na nakasimangot na mukha ang nadatnan ko, ay tawa nang tawa na Herms ang nakita ko, "Late na nga ako, natawa ka pa?!" sabay batok ko sakanyan.
"Aray, tae to."
"Di ako tae, tao ako."
"Hindi, tae ka nga eh, tubol ka nga kaya nagmamc arthur ka eh! Hahahahaha!" tae naman o, baliw nanaman sya, "Hoy, akala ko ba late na ako? Ididiscuss pa natin yung terms of agreement diba?" pisti, nagtataray nanaman ako, kasi naman eh, maikli lang pasensya ko.
"Hahaha. Sorry na? Niloko lang kasi kita nung tumawag ako, ang totoo nyan 7.30 palang, pero dahil alam kong nagstop sakto nang 9 yung wall clock mo, pinagtripan kita at sinabi kong 9 na. Hahahaha, hindi ka man lang tumingin sa orasan mo sa phone mo,! Pfft--Hahahaha!" sira ulo, sira a na nga ulo kakatawa, nagawa pa akong pagtripan kung alam nya lang ang pinagdaanan k kanina, kaya deserving sya sa isa pang batok.
"Pramis, last na to."
"Ha?" sabay batok ko nang malakas, "Aray!"
"Ikaw kasi eh!"
"Herms? Nandito na ba--oh, sorry to bother you." naabutan kami nang isang lalaki nakakapasok lang napinagsusuntok ko na si Herms at si Herms naman ay sinasalag to, oh my pasta, di kaya sya yung pagsisilbihan ko?
"Hindi ok lang kami. Sya nga pala, Zeil eto si Reca, Reca si Zeil, ang bago mong boss." habang pinapakilala sakin ni Herms si Zeil, nakipaghand shake naman ako, at ngumiti sakin si Zeil, weird, pero parang nakita ko na yung ngiting ganun, ah tama! Sa horror movies ko nakikita yung gaanung ngiti.
"H-hi." bayan, sumabit pa yung plema ko, akala tuloy nila nauutal ako kay Zeil. Tss, di porket maitsura kailang utal-utal na magsalita. Kalokohan naman kasi nang buhay.
"Pfft--crush ka ata Zeil oh! Hahahahahaha!" ngumiti lang si Zeil at nagbiro nang hindi daw kami talo, oo di talaga taalo, babae din hanap ko! Joke lang.
"Shut up Herms." tumahimik namna si Herms at nagluto nalang sa kusina, habang naguusap kami ni Zeil.
"Ehem, so...let's start?" pagumpisa nya.
"First of all, my name is Zeil Hermosa, ako ang bago mong boss, at may isa ka pang boss na kakambal ko, si Neil. Every month suswelduhan ka namin nang 15 k kapalit nang maging all around katulong. Pwede ka ring lumipat sa bahay namin, libre pagkain, libre lahat, basta gawin mo nangmaayos yung trabaho. Pag school days, sabay -sabay tyo papasok dahil school mates tayo kahit di mo alam, tapos pagkauwi tsaka mo pwedeng simulan ang trabaho mo, pag may exams, excuse ka din. Magiging maluwag kami, basta wag ka lang mag nakaw." woah, napakaluwag naman nang trabahong to! Ang laki pa nang sweldo! Tas pwede pa ako tumira sakanila, kaso ang problema ko ay yung bahay ni Lola, wala dung magbabantay, baka pasukan nang magnanakaw yun.
"Gusto ko sanang tumira sa inyo para mapadali yung trabaho, pero...yung bahay kasi nang Lola ko, baka manakawan." anun pa naman yung mga pamana nang lola ko, tsaka kahit bara-bara yung lumang bahay o mansion nang lola ko, dapat padin itong alagaan dahil napakaimportante nto sakin.
BINABASA MO ANG
I Hate Love
Teen FictionBakit ba kailangan pa ng love? Ano namang kalandian yun? Ano namang sense kung may love? Mabubusog ka ba? Mabibigyan ka ba nito ng magandang buhay? Diba hindi? Kaya di ko talaga maintindihan yung mga taong love ng love, wala nang ginawa sa buhay ku...