1...

86 2 6
                                    

Nakakairita, bakit pa naimbento yang valentine's na yan? Nalalapit nanaman ang pagdating ng araw ng kalandian. Yung tipong may mga magkaholding hands na nakaharang sa daan na kala mo pagmamayari nila ang kalsada, yung mga naghahalikan sa park na kala mo walang tao sa paligid nila, yuung mga baloon heart na nakakalat, yung pagaaksaya nila ng pera sa pagbili ng mga rose na malalanta naman, yung pagbili ng maraming chocolate na bibigyan ata ng diabetes yung tao. Piste, asawa nga naghihiwalay, magsyota pa kaya! Maghihiwalay din yang mga yan, nagbibigyanan pa ng mga ganyang bagay.

Bitter? Oo bitter nga, pero di nyo alam ang dahilan kaya wag manghusga. Sadyang siasabi ko lang ang katotohanan dito, kaya wag mangialam sa aking buhay. LOL.

"Girl, ano plano mo sa V.day?" ano plano ko sa V.day? Ang plano ko ay barilin isa isa yung mga magsyota sa daanan ko!

"Ano pa ba sa tingin mo?" nakakainis naman tong si Herms eh, parang hindi ako kilala.

"Hehehe sabi ko nga. Reca, sa dating gawi ba?"

"Oo."

Before na magstart na talaga ang storya kong pambitter, magpapakilala na ako ng tuluyan! Kaya makinig kayo.

Ako ang babaeng hate ang love, the one and only Reca Rosario. Yung babaeng kausap ko kanina ay si Herms Pajarillo. Magbestfriend kami ni Herms simula 2nd year highschool ako. In present time, 3rd year college na kami, ang course namin ay Masscom. 17 ako at 18 sya. Ok na yan, ayoko ng fully detailed.

"Huy Reca, akyat na tayo, baka andyan na yung malupit nating prof." aba, piinapaakyat agad ako nito eh di ko pa tapos ubusing yung cheesse cake ko.

"Ah yung panot? Haha, wag kang magalala, di taayo papagalitan nun." kailangan maubos ko muna tong cheese cake, ala akong pake sa panot na yun.

"Gaga ka talaga! Haha! Tara na nga!" hinatak nya naman ako kaya naman naiwan ko yung cheese cake ko, naknang--, aish, wag na nga.

As I predict, nandito na ang prof na panot. Kaya lang napagsabihan kami na next time wag nang maleyt, sabi sa ino hindi naman kami papagalitan nyan eh, pagsasabihan pwede pa. As the class goes, ayun, natapos na nang walang kalatuy-latuy.

"Malapit na magvalentine's day, so may plan kayo?" hay nako, yan nanaman. Bakit ba pag tuwing valentine's kailangan may plano ka?

"Meron/WALA!" lahat sila nagmeron, ako lang nagwala, kaya naman napatingin silang lahat sakin. Ano naman nasabi kong masama?

"Ayan nanaman ang bitter."

"Kj talaga kahit kailan."

Na namang KJ dun? Eh sa wala nga.

"Ehem, continue..Meron tayong magaganap na project sa Valentine's day, gagawa kayo ng cake, cookies, muffine, kahit na ano at ibibigay nyo sa mahal nyo yun or crushes." ugh, bakit ba kailangan pa nang ganyan? Masscom kami tas ginawang HRM?

"Eh mam, bakit po required yan? I mean. Masscom po kami tapos magbabake kami?" tanong g kaklase kong si Samilya.

"Natural valentines! Ano gusto mo pagawin kita ng report, at isasng film all by yourself?" BOOM! BARADO! Nanahimik naman sya, napahiya kasi eh.

"At kung hindi nyo gagawin yan, tas magpapakabitter kayo, automatic, may singko na kayo sa card. And the rues, bawal ibenta, bawal ibigay sa kung sino ssino, at bawal yung basta basta. Dapat galing sa puso nyo ang pagbibigay nyan. Kailangan may proof kaayo, so by partner, ge, pumili na kayo ng partner nyo." fudge, yan nanaman yung mga panakot na yan eh, tss. Di bale gagawa nalang ako, tas ako kakain. No, malalaman nila yun, tss, bigay ko nalang to sa kung sino mang lalaki sa paligid, pero tatanggapin kaya?

I Hate LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon