9...

52 0 8
                                    

Ito na ang araw...

Di ko alam kung ano ang expression ang gagawin ko ngayon, kung magiging masaya, makulit, walang problema? Dahil ang totoo kong nararmdaman, ay puno nang kalungkutan. Ayaw kong ipakita na malungkot ako, gusto ko na makita nilang matatag ako. Ayaw ko makita sa mata nila na puno nang awa, guto ko makita ang puno nang paghanga ang nasa mata nila.

Pero sa tuwing darating naman ang araw na ito, sa huli ay umiiyak pa din ako. Dahil alam ni Herms na pilit na saya ang ginagawa ko sa harapan nang mga tao sa paligid ko. Alam nyang plastic ako pag dumadating ang araw na to. Kaya naman pag tuwing uwian, pag wala nang tao, aakapin niya ako nang mahigpit at bubulong sa tenga ko nang 'okay lang yan, parte yan nang buhay', at tuluyan na akong mapapaiyak.

Pero tingin ko iba ang mangyayari ngayong araw na to, dahil iba ang dating nang gising ko.

Hindi yung usual na kukunin ko ang picture namin nang Lola ko sa ilalim nang unan ko at titignan to nang mga 10 minuto. Dahil ngayon, pagkagising ko, sa 10 minutong yun, ay puro paghahanap lang nang picture ang ginawa ko, kaya naman bumaba na lang ako nang hagdan para magprepare nang almusal. Kaso pag baba ko naman, may nagluluto na sa kusina, imposible naman na si Neil o si Zeil yun, dahil nga hindi sila marunong magluto diba?

Pero tingin ko wala pala talagang imposible sa mundo.

"Goodmorning Reca!" di ko alam kung anong magandang bagay ang sumalubong kay Neil at napakalaki nang kanyang ngiti sakin, at pinagluto niya pa ako. Di ko alam kung paano siya nakapagluto nang maayos, dahil ang pagkakaalam ko talaga ay hindi siya marunong magluto.

"Nagluto ka? Marunong ka magluto?"

"Adik. Nagpaturo ako kay Herms na magluto, kasi sabi ko gusto kita ipagluto nang masarap na pagkain, hindi yung kami yung laging pinagluluto mo." at ang sweet niya ngayon. Hindi ko nalang pinansin yung weird niyang kilos at kumain nalang ako.

"Reca, pinagtimpla kita nang tsaa para marelax ka. Kasi naalala ko na sinabi mo sakin na, pag may overflowing feeling na nararamdaman, dapat uminom nang tsaa para magcalm down. Kaya, eto o." wala akong nataatandaan na may nasabi ako sakanya na ganun, pero tama yung sinabi niya. At kung paano ko rin to sabihin sa iba. Nakakapanibago.

"Ah, salamat." kumain na naman na kami. Gusto ko sanang kumain nang matiwasay pero di ko mapigilan na mapatitig kay Neil, kasi imbis kumain siya ay nakatitig lang siya sakin, at pag titignan ko siya ay bigla siyang susubo ng pagkain.

"Saan ka pupunta?" paalis na sana ako dala yung skateboard ko papasok nang school, pero bigla akong hinarang ni Neil sa daan.

"Papasok na."

"Sabay ka ana sakin, eto yung helmet o. Iwan mo na muna yang skateboard mo." pinagulong niya naman pabalik sa garahe yung skateboard at inilagay sa ulo ko yung helmet, "Kapit kang mabuti ha? Kapit ka sa abs ko." pabiro niyang sabi, gusto ko sana siyang barahin pero wala ako sa mood.

"Oy, gagi ka, bagalan mo yung takbo nang motor! Mabangga tayo!" pinalo ni Neil sa 60 kph yung motor niya, sobrang bilis!

"Baliw! Sigaw ka nalang habang nagdadrive at mabilis ang takbo natin. Bilis, masaya to!" kesa makipagtalo pa, ay sumigaw nalang ako.

"I love you!" sigaw ko, ewan ko ba at bakit yan ang naisigaw ko. Siguro nasanay lang ako sa mga love story na movie na pag nagdadrive yung lalaki ay sisigaw yung babae nang ganyan.

"Anong sabi mo Reca?"

"I love you, bakit?"

"I love you too." guto ko sanang tumalong sa motor niya dahil nandiri ako nung sinabi niya yun, kaso baka mamatay ako.

I Hate LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon