"Yawn'~" panibagong araw nanaman, as usual gagawin ko ang daily routine ko.
Tumayo naman ako mula sa comforter ko at naglakad papuntang kusina para uminom ng tubig, "Ayy?" pagbukas ko ng ref ay natanggal yung pintuan ng ref. Tss, bumigay na sya, kinakalawang na kasi eh, tapos antique pa. Pero wag nyo maliitin yan ah?
Kahit na bulok yan, may laman naman yan, yun nga lang, tubig at left over lang ang laman ng ref ko.
"Pwede pa ba to?" inamoy ko naman yung nakia kong left over sa ref ko, para syang egg na may gulay na ewan, di ko din alam, bigay lang sakin to kasi tira dun sa restaurant na part timee ko.
"Ugh! Sira na! Ambaho!" no choice, mangungutang nanaman ako kay Aling Nena. Magpupurga na ako ng itlog at noodles nito eh.
"Aling Nena! May Pancit Canton po ba kayo at itlog?" sana pautangin pa ako! Last time I checked marami na utang ko eh.
"Ay nakung bata ka, mangungutang ka nanaman ba?" napakamot nalang ako ng ulo, kilalang-kilala na talaga ako ni Aling Nena simula pagkabata! "Hehe, opo eh, babaunin ko nalang sana sa iskwelahan at papang almusal yung kalahati."
"Sige, wag mo nallang utangin, bibigyan nalang kita. Eto oh,2 Pancit Canton at 4 na tlog, sama mo na yung 3 skyflakes." libre? Aba, kakapalan ko na mukha ko.
Agad ko na kinuha ang mga biyayang hulog ng langit, "Salamat Aling Nena, pangako, sa unang sweldo ko, babayaran ko yung matagal ko nang utang."
Buti nalang talaga mabait si Aling Nena, hindi na kukulo yung tyan ko nito, abot pa to hanggang bukas, titipidin ko nalang.
"Ikkimasu." sigaw ko sa loob ng bahay, haist, para akong timang na nagpapaalam sa mga friend kong ipis at daga.
Habang naglalakad, di ko maiwasang magisip ng malalim. Andami kong gagawin mamaya, gagawin ko yung flooring ko, ngayon nakasched yung part time ko, tatapusin ko pa ang plano ko sa lintik na V.day na yan, gagawin ko din yung iba kong projects, pati assignments ko. Bwiset.
"Ay, sorry po." may nabangga kasi ako sa sobrang lalim ng pagiisip ko eh, "Tss. Harang-harang kasi eh! Tabi nga!" aba! Yabang naman nitong lalaking to, tss, wag na nga patulan, makakababa yan ng level.
Pero tingin nyo magpapatalo ng tuluyan ang isang Reca Rosario? Hehe, pasiple lang naman ako na bumulong ng.. "Nagsorry na nga. Alam ko naman na kasalanan ko." hopefully hindi nya narinig, baka mabanatan ako, pero pag binanatan naman nya ako sya malalagot sakin. Sa ilang taon ba naman na mag-isa akong nakatira, nagaral na ako ng self-defense para naman kaya ko sarili ko.
"Gagabels!" nakita ko naman na tumatakbo palapit sakin si Herms, tss, kahit kelan ang ingay, ewan ko ba kung paano ko natiis yan ng ilang taon, "Hey Gagabels! May goodnews ako!" ano nanamang good news nyan? May boyfriend na sya? Ano namang gooodnew dun?
"O?"
"Suplangit ka talaga! Suplada na masungit pa!" ako pa Suplangit samin? Sungalngalin ko to eh, "Ano ba, bilisan mo nga, may gagawin pa ako." ambagal naman nito, andami ko pang importanteng gagawin eh.
"Sulangit," tss, bumulong pa talaga rinig naman "Wag mo na gawin yung flooring mo, inisponsor na kita. May mga gumagawa na ng flooring ng bahay mo ngayon, pinalitan na nila yung buo mong flooring." nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya, nilapitan ko sya ng dahan-dahan sya naman ay palayo ng palayo.
"U-uy! T-tigilan mo nga yan! Ang creppy mo!"
"*sob* T-thank you Gagabels! Thank you talaga!" ambait-bait naman ni Gagabels, sya nalang lagi tumutulong sakin, ang pabigat ko talaga sa mga tao. Lahat nalang sila nadadamay pa sa buhayko.
"Wag ka nga madrama! Ok lang yun!" okay? Okay ba yung pabigat ka?
"Hindi okay. Pangako, babawi ako sa ibang paraan." lagi nalang ako pabigat.
BINABASA MO ANG
I Hate Love
Teen FictionBakit ba kailangan pa ng love? Ano namang kalandian yun? Ano namang sense kung may love? Mabubusog ka ba? Mabibigyan ka ba nito ng magandang buhay? Diba hindi? Kaya di ko talaga maintindihan yung mga taong love ng love, wala nang ginawa sa buhay ku...