DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual person, living or dead, or actual events is purely coincedential.
My apology in advance for some Grammatical Errors and Typographical Errors.
============================
BRYCE'S POV
"Hoy Noah, saan ka pupunta?"
Sigaw ko sa aking pinsan na kakatapos lang mag-training ng basketball. Si Alexander Noah ay aking pinsan , ang tatay niya ay kapatid ng nanay ko.
"Pupunta lang ako sa cafeteria. Bibili lang ako ng tubig!!" sigaw niya habang tumatakbo, kaya hinabol ko siya.
"Hoy hintay, sama ako!" sigaw ko habang hinahabol siya.
Nang nakarating ako sa cafeteria ay naabutan ko siyang pumipili ng malamig na bottled water.
Lumapit ako sa kanya para gulatin siya.
"HOOOY!!!" malakas na sigaw ko sa likuran niya na agad naman niyang ikinagulat kaya pinagtitinginan ako ng mga tao.
"Aray ko, ang sakit sa tenga yung sigaw mo. Suntukin kita diyan, e" sabi niya.
"Ah, so sasaktan mo na ako?" nakakamatay na tingin ang ibinigay ko sa kanya.
"S'yempre hinde . Ikaw favorite pinsan ko, e"
"S'yempre favorite mo'ko dahil lagi kitang nililibre,ulol" alam ko nanamn na magpapalibre 'to sa'kin kaya sinabi ko 'yon.
"Tama. Kaya ilibre mo na ako para mapatawad na kita agad"
"Tae mo blue. Ayaw ko nga, ano ka?"
"Ito, ang damot nito. Libre mo lang ako ng tubig,e. Sige na" pagpipilit niya.
"Ikaw nga 'di mo pa ako nililibre, e" pagrereklamo ko.
"Edi, ilibre kita. Anong gusto mo? Pili ka lang. Kung gusto mong bilihin 'tong cafeteria, sige. Basta ikaw magbayad. Hahahaha"
"Hahahahaha" sarkastikong tawa ko at sinuntok ko yung tiyan niya. "'Yung totoo kasi. Punyemas"
"Ate,o" tawag niya sa casheir "Nagmumura siya te, o. Narinig mo?" tinuturo pa niya ako.
"Hmp, bahala ka diyan, isusumbong kita sa nanay mo" sabi ko at naglakad na ako paalis nang bigla niya akong hilain.
"Uy, ano ka ba? Joke ko lang 'yun" sabi niya at tinawag ulit 'yung casheir. "Ate... joke lang 'yun,ah, 'wag mo s'yang isusumbong kasi favorite pinsan ko siya dahil illilibre niya ako, hehe"
"Hoy,ano ba? Nakakahiya ka."inirapan ko siya
"Ikinakahiya mo na ako?" sumimangot siya.
"Para kang tanga, bahala ka d'yan" aalis na sana ako pero hinila nanaman niya ako. "Ano nanaman?" naiinis na sabi ko.
"Nakapili ka na ba ng bibilihin ko?"
"'Di naman totoo 'yan" tumalikod na ako at pinaharap niya nanaman ako.
"Totoo nga. Promise" tinaas pa niya yung kamay niya.
"Sus, bahala ka d'yan, nagsisinungaling ka lang naman"
"Ayaw mo? Sige, tara na" hinila niya ako pero agad akong pumunta sa ice cream section.
"Ito, oh, gusto ko" tinuro ko yung vanillla ice cream na excited ang mukha.
"'Di na, ayaw ko na"
"'Di 'wag . Isusumbong nalang kita kay tita" nauna na akong umalis at hinintay ko nalang siya sa gate dahil sabay kaming uuwi.
Nagpho-phone ako nang biglang may humarang na vanilla ice cream sa phone. Tumingala ako at nakita ko si Noah na nakangiti.
"'Wag mo na ako isusumbong kay mama, ah" ngumti siya.
"Thank you, pangit."
"Wow ha, binigyan na nga kita ng ganyan, tapos tatawagin mo pa akong pangit" sabi niya. "What the f*ck?" bulong niya.
"Dami mong alam, halika na." hinila ko na siya.
Naka-uwi na kami sa condo na merong sala set, dining table,kitchen,3 bathrooms tig-isa namin ni Noah at isa malapit sa sala, at tig-isa namin na bedroom. Pumunta ako sa bathroom para mag-shower dahil kanina ko pa gustong magshower. Pagkalabas ko ng kwarto nagluluto na si Noah.
"Ang aga mo naman magluto?" curious na tanong ko.
"May pupuntahan lang ako"
"Saan naman?"
"Secreeeet. Mabilis lang ako, promise. Kaya nga nilutuan na kita,e, ito, o, chicken curry. Favorite mo."
Pagkatapos namin kumain umalis na siya at ako naman ay naghugas, nag-toothbrush, at natulog na ako.
Pagkagising ko ng umaga, wala pa si Noah pero tinext naman niya ako kanina.
Noah:
Favorite kong pinsan, mauna kana sa school. Mamaya pa 'yung pasok ko. Ilibre kita bukas, promise. Ingat ka.
Kaya na una na ako sa school. Naka-suot lang ako ng white t-shirt,denim jacket,ripped jeans at white shoes. Patawid na sana ako papunta sa gate ng school ngunit sa' di inaasahang pangyayari ay may dumaan na sasakyan, at sa isang iglap ay nagdilim ang aking paningin.
========================================
YOU ARE READING
A Thought of Losing You (Connected Series #1)
RomanceBryce Antonio is just a normal student at Williams Academy but his life was ruined when Brent Lewis ran over him, so he hated him. But gradually lost his temper when Brent started teasing him to appologize, until they had a relationship and they sep...