14

50 2 1
                                    


Nag-start na ulit ang klase at nagkita na ulit kami ni Brent. January 2, umuwi na ako sa sarili kong condo para maglinis dahil ilang araw ng walang tao dun.

"Happy New Year, Sophia" nag-smile ako sa kanya pero inirapan niya lang ako at nagpatuloy na sa paglalakad. Anong nangyari dun? Siguro may period siya kaya siya ganun. "Sophia!" tawag ko ulit pero 'di niya talaga ako pinapansin kaya nag-text nalang ako sa kan'ya.

To: Sophia

Huy, anyare sayo?

Pagkatapos kong nagtext, pumunta na ako sa next class ko at tumabi ako Sophia pero agad din siyang lumipat ng upuan.

"Hi" biglang umupo si Brent sa kung saan ang upuan ni Sophia kanina. "I miss your ki-"

"Good Morning class, Happy New Year sa inyong lahat. Nawa'y naging maganda ang simula ng Bagong Taon sa inyong lahat" sabi ng prof namin.

"Ang ganda ng simula ng Bagong Taon ko. I hope you enjoyed having se-"

"Okay, let's start" 

Tapos na kami sa class na 'yun kaya papunta na kami sa next class namin. Habang, naglalakad kami kinaka-usap ko si Sophia pero pabilis ng pabilis 'yung lakad niya kaya nag-give up na ako. Naglakad nalang ako mag-isa.

Naka-pasok na ako sa room namin at nag-simula na rin ang klase. Pagka-tapos nito, wala kaming susunod na klase kaya na-excite ako.

"Bryce, let's eat in cafeteria" bigla akong hinila ni Brent pagka-tapos ng lecture namin.

"Wait, hintayin natin si Sophia" ngumiti ako sa kanya pero tinignan niya lang ako ng seryoso.

"Hindi na" he looked sharply at Sophia.

"Hoy, 'yang mga mata mo" pagbabanta ko.

"Let's go" hinila niya ulit ako.

"'Di pa ako gutom" binitiwan ko siya. "Mauna ka na sa cafeteria" pinatalikod ko na siya at tinulak siya ng bahagya pero pinatigas niya 'yung katawan niya para mahirapan ako.

"No, dito lang ako sa tabi mo" humarap siya sa akin at nilapit niya yung mukha niya sa'kin. "I will go, wherever you go. Because, I wanted to be with you all the time. I just want to be next to you. Always." he winked and he put his arm in my shoulder. Tumingin ako sa likod ko kung nandun pa si Sophia pero wala na pala kanina pa, kami nalang ang natitira sa room.

Inirapan ko nalang siya at naglakad na.

"Where are you going?" tanong niya.

"Sa library" tumakbo ako para magpahabol.

"Wait!" sigaw niya dahil medyo malayo na ako sa kanya. Patuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa makarating ako ng library. Nagulat ako nang nakita ko si Zoe at Noah na may hawak na libro.

"Hoy!"

"Shh!" sabi ni Noah. "Alam mo ikaw, sigaw ka ng sigaw. E, kung isumbong kita kay tita na may boyfriend ka" pangbabanta niya.

"Oy, joke ko lang naman, cousin" umupo ako sa tabi niya.

"Bryce" Zoe whispered. "I have something for you" nag-abot siya sa'kin ng box.

"Ano 'to?" tanong ko.

"My gift for you" she said.

"Thank you" ngumiti  ako. Binuksan  ko na ang box at may laman itong pabango kaya nag-spray ako ng unti sa pulso ko. "Uy, ang bango, ah" ngumiti lang si Zoe at nagpatuloy na sa pagbabasa.

Habang nagi-spray ako sa sarili ko biglang nasa harap na si Brent ng lamesa namin.

"Why are you sweating? And why are you breathing so heavily?" Zoe curiously asked.

"Pinatakbo ako ni Bryce" sabi niya habang ang lalalim ng paghinga niya.

"You want water?" tanong ulit ni Zoe.

"Yes please" sagot naman niya kaya tumayo at kinuha 'yung tubig ko para iabot sa kan'ya.

Pagka-tapos niyang uminom, parang may inaamoy siya. Shit, baka naamoy niya 'yung pabango na bigay ni Zoe, baka kasi kunin niya sa'kin.

"What's that smell?" bigla niyang inamoy yung leeg ko. "Hmm, I like your perfume. Who gave you that?"

"Oy, hindi ,ah. Pawis ko lang 'yan" tumingin ako kay Noah na pekeng umuubo.

"Are you serious?" he asked.

"De joke, ito oh" kinuha ko 'yung pabango. "Gusto mo? 1,500 nalang" pagbibiro ko.

"Wow Bryce, buy and sell?" Noah laughed.

"Tangina mo" sabi ko sa kan'ya.

"Babe oh, minumura niya ako" pagsusumbong niya.

"You deserve that" she said.

"Grabe kayo sa'kin. Brent, minumura niya ako" tinuro pa niya ako.

Brent just at him seriously.

"Joke ko lang" nag-peace sign siya. "Hihi"

Nag-basa lang kami saglit at pumunta na kami sa cafeteia para kumain.

"Brent, masaya ka ba dahil sinagot kita?" tanong ko sa kanya habang kumakain kami.

"Of course, you are the best gift of my life. Feeling ko nga pinanganak ako para sayo" sabi niya. Nagulat ako dahil hindi naman siya ganon magsalita.

"Gago hinde" tumawa ako.

Tinignan niya lang ako ng seryoso.

"Joke ko lang, ito naman 'di mabiro" I smiled.

After 2 months, finally graduate na kami.

"Congrats my love" bati sa'kin ni Brent at kiniss niya ako sa noo. Everybody knows na kami na even my family at family ni Brent so wala na kaming problema.

"Congrats din" 

Nag-cr lang 'yung parents ko at nandito 'yung parents ni Brent dahil nagbabalak sila na kumain kami sa labas.

"Congrats Brent" bati Mama pagka-rating nila.

"Congats" sabi naman ni Papa.

"Thank you po" pasasalamat niya.

"So let's eat" pagaaya na nila.

Nandito kami ngayon sa fine dining restaurant at naguusap-usap lang kami habang naghihintay kami ng order namin.

"Saan mo balak mag-med school, hijo?" tanong ni Tita.

"Sa UST po" sagot ko naman.

"Ah, si Brent kasi sa Ateneo. Ayaw mo bang mag-Ateneo?"

========================================

A Thought of Losing You (Connected Series #1)Where stories live. Discover now