Bigla akong natakot dahil, baka matanggal yung scholarship ko. 'Di ko alam na siya pala yung may ari ng school na'to. Pero siya parin naman ang may kasalanan dahil siya pala yung naka-sagasa sa'kin at kanina pa niya ako binubunggo.
"Anong pake ko?" inirapan ko siya.
"Anong pake ko? 'Diba, you ask me who I am?" inayos niya yung tayo niya at naglakad na paalis. Akala niya tapos na ako sa kaniya? Hindi pa. Babawi nalang ako sa susunod. Pero paano kung matanggal yung scholarship ko, pero siya pa rin naman ang may kasalanan. "Wait... I think I know you"
"Ako lang naman 'yung sinayang mo, char. Ako 'yung sinagasaan mo" matapang na sagot ko.
"Oh, not you, the one behid you. Joke" corny na joke niya. "Ikaw ba 'yung nasagasaan ko?"
"Ano? Paulit-ulit?" sabay irap.
"I sincerely appologize for what happened. Uhm... I didn't mean to ran over you. Actually 'di kita tinakasan, ako yung nag-dala sa'yo sa hopital and ako na rin yung nag-pay ng bills. Pero umalis din ako agad because you might get annoyed at me or get angry. You know what I mean?"
"Y-yeah, alam mo... marunong ka naman mag-tagalog, e, bakit 'di ka mag-tagalog" umalis na'ko dahil wala naman akong dalang baon ngayon. 'Di ko ine-expect na englishero pala yung hinayupak na 'yun.
"Ang tagal mo naman. Kanina pa kita hinihintay dito. Buti nalang nakao-order na'ko" bungad ni Sophia.
"Uy, in-orderan mo rin ba ako?"
"S'yempre naman, sis. Ikaw pa ba." kumindat siya.
"Isang 'sis' mo pa talaga. Anong in-order mo sa'kin?"
"Siomai at buko shake. Favorite mo."
Pagka-tapos namin kumain, nag-libot muna kami sa campus kasama si Zoe.
"Anong oras next class mo?"pa- tuloy lang kaming nag-lakad.
"2 o 'clock pa-" napatigil siya dahil nahulog 'yung libro na hawak niya. Pupulutin ko na sana pero may nakita akong kamay na pupulot din. Pagka-tayo ko nakita ko si Brent.
"O" inabot niya sa'kin 'yung libro.
"'Di sa'kin 'yan, kay Zoe" turo ko naman kay Zoe.
"O, Zoe , why didn't you go to the reunion last wednesday?"
"Ahm... binantayan ko kasi si Bryce sa hospital."
"B-bryce?" turo niya sa'kin. "Did you leave in the village near the mall?"
"Kilala ba kita?"
"Mauna na kami ni Sophia." sabi ni Zoe. Ayaw ko sana pero si Brent 'yung um-oo.
"Maybe you're my bestfriend back then. 'Diba you have brother pa. Si Gelo." sabi niya. Pero parang totoo 'yung sinasabi niya kasi wala namang nakaka-alam na may kapatid ako. 'Tsaka may bestfriend ako noon na kapangalan din niya pero 'di ko pinansin kasi madami namang Brent sa mundo. Pero 'yun nga parang siya nga 'yun.
"Ikaw ba 'yung chubby na Brenty panty noon?" pangloloko ko.
"Yeah, nice to meet you again" yayakapin niya sana ako pero umiwas ako.
"Hate parin kita" umirap ako sa kan'ya at sinundan na sila Zoe.
Umuwi na ako pagka-tapos ng buong klase at 'di ko na nahintaay si Noah dahil may training pa daw sila.
"Napa-gabi ka ata?"
"Tumawag si Zoe sa'kin , e. Gusto daw niya ng kausap" palusot niya.
"E, bakit 'di tumawag sa'kin? Atsaka, may napapansin ako sa inyong dalawa. Ano ba kayo?"
"Wala, F-f-friends"
"F-f-friends" pang-gagaya ko. " 'Yung totoo?"
"Friends lang nga"
Kina-umagaha,n 'di parin ako kumbinsido sa sagot niya pero 'di ko na siya kinulit baka masapak pa niya ako. Naka-suot lang ako ng orange na sweater, black shorts, at orange na sapatos. Naka-suot din ako ng eyeglasses para magmukha naman akong matalino.
"Tara na?" yaya ni Noah. Nakarating kami agad sa school dahil wala naman gaanong traffic.
Nagulat ako nang makita ko si Brent sa papasukan kong room. Kaklase ko ba siya or namali lang ako ng room. Pero nakita ko si Sophia, isang upuan ang bakante nila nung lalakeng 'yun.
"Hoy Bryce, halika na rito. 'Di maka-pasok si sir dahil nakaharang ka!" sigaw ni Sophia. Agad akong pumunta sa pwesto ni Sophia at pagkatingin ko sa pintuan, wala naman si sir. Niloko nanaman ako. "Upo ka dito, o"turo niya sa tabi ni Brent.
"Ayaw ko d'yan maghahana-"
"Okay class let's start." biglang sulpot ng prof namin kaya i have no choice, kundi dun na ako uupo.
"Hi Mr. Rivero, hi my bestfriend" sabi ni Brent pagka-tapos ng klase namin. "How's your day?"
" 'Wag mo'ko kausapin." umalis na ako. Pero biglang nagtext si Zoe.
From: Zoe besty
Uy lika dito sa mcdo. Libre kita,bilisan mo,ah.
'Di ko ba alam kung bakit 'Zoe besty' ang inilagay ni Zoe na pangalang niya. Pinuntahan ko na siya dahil libre naman daw niya. Pagkarating ko nakita ko si Brent na kausap si Zoe.
"Ang malas ko naman" reklamo ko. Wala akong choice kundi pumunta dun dahil kanina pa ako gutom.
"Uy Bryce, ang tagal mo naman"
"Traffic"
"Traffic?" tumingin silang dalawa sa labas. "Naglakad ka lang naman, ah. 'Tsaka ang lapit lang naman ng school natin."
"S'yempre joke ko lang"
"Sit" pinapa-upo ako ni Brent sa tabi niya pero umikot ako papunta sa tabi ni Zoe, pero malas padin, dahil may mga gamit sa tabi niya. Kaya dun nlang ako umupo sa tabi ni Brent.
"Hi, my loves" he winked.
========================================
YOU ARE READING
A Thought of Losing You (Connected Series #1)
RomanceBryce Antonio is just a normal student at Williams Academy but his life was ruined when Brent Lewis ran over him, so he hated him. But gradually lost his temper when Brent started teasing him to appologize, until they had a relationship and they sep...