Dahan-dahan kong binuklat ang mga mata ko at nakita kong nasa maliwanag ako na kwarto.
"Hoy Zoe, gisig na si Bryce" oa na sabi ni Noah. Si Zoe ay bestfriend ko.
"Hoy, ang oa mo" pinalo ni Zoe si Noah sa braso. "Bryce kumusta ka na?"
"S'yempe 'di siya Ok. Nakita mo na nga na nakahiga siya na sugat-sugat, tapos tatanungin mo siya kung Ok siya?" umupo siya tapos humawak pa siya sa sentido niya. Itong Noah na 'to akala mo naman problemado, kung 'di lang talaga ganito ang kalagayan ko, kanina ko pa siya sinakal.
"Tanga ka? Tinanong ko kung kamusta siya, 'di ko tinatanong kung OK ba siya. Boblaks" umirap pa siya.
"Ay, hindi ba? Ok."
"Alam niyo kakagising ko lang, ang ingay-ingay na ninyo. Atsaka ikaw Noah, ang daldal-daldal mo" naiirita ako sa ingay nila, mas lalo na kay Noah.
"Edi wow--oy sorry" bigla siyang tumayo sa upuan niya at lumapit sa'kin. "Anong gusto mo? Gusto mo pagkain? Ahm... gusto mo patawag natin yung nakabunggo sa'yo? Ahm...-"
"Ang daldal mo talaga" sinuntok ko yung tiyan niya gamit yung kaliwang kamay ko na walang sugat o galos.
"Aray ko, ang sakit no'n, ah"
"Bleeehh, buti nga sa'yo" binelatan siya ni Zoe.
"Bleh, ka 'din. Suntuk kitu dy'un ,ih." sabi ni Noah na boses bata. Kahit kailan talaga 'tong Noah na'to.
"Isip bata" pang-aasar ni Zoe.
"Tama na. Sino bang nakasagasa sa'kin?" tanong ko.
"Si Brent." sagot ni Noah.
"Sino 'yun?"
"Pinsan ko. Sorry, ah"
"Sorry din Bryce. Siguro kung nasamahan kita sa pagpasok mo sa campus, e, 'di ka sana nasagasaan" seryoso ang boses ni Noah pero 'di ako sanay ,makulit kasi siya at sobrang daldal.
"Ang drama mo, Noah" naiirata na sabi ko.
"Madrama ba'ko?" tanong niya kay Zoe.
"Oo. 'Tsaka tignan mo 'yang mukha mo... mukhang kang aso HAHAHAHA"malakas na tawa ni Zoe.
"E, ikaw?"
"Ano?" nag-taas siya ng kilay.
"Wala. 'E,ikaw' lang sabi ko, e, ang oa na ng reaksiyon mo" sumimangot naman siya.
"Kailan daw ako p'wedeng maka-uwi?" excited akong umuwi dahil ayaw ko dito. Para akong may sakit o ewan. 'Tsaka ayaw ko munang maka-rinig ng ingay.
"Bukas daw, p'wede ka nang maka-labas" umupo ulit si Noah.
"Ang pangit naman ng pagkakasabi mo parang ikaw. Parang galing naman akong selda" napakamot ako sa noo ko.
"Ano ba dapat?""
"Dapat ang sabihin mo 'discharge'" sagot ni Zoe.
"Ikaw naka-isip dapat ikaw nag-sabi" prangkang sagot din ni Noah.
"Ikaw pilosopo ka, kaya 'di ka nagkaka-jowa dahil gan'yan ka, e" sagot ko naman.Biglang nagkatinginan sina Zoe at Noah. May iba akong nararamdaman sa dalawang 'to.
Monday na ngayon at mas pinili kong pumasok kahit may suot akong arm bandage dahil may tahi yung tabi ng siko ko.
Papasok na kami sa gate nang muntik nanaman ako. Buti nalang nahila agad ako ni Noah. Atsaka naaalala ko yung kotse kanina, 'yun ata yung nakasagasa sa'kin. Sinundan ko yung sasakyan at may bumaba na lalakeng gwapo, naka-suot ng gray na sweater, black sweatpants at black na rubber shoes.
"Class dismissed"
Lilipat na ako ng ibang room para sa next class ko tapos biglang may bumangga sa siko ko.
"HOOOY!!" sinundan ko siya. "Alam mo bang may bandage 'tong kamay ko tapos bubunguin mo lang? BULAG KABA?!" sigaw ko pero 'di siya lumilingon kaya sinundan ko parin s'ya kahit saan siya pupunta.
"Hoy,ano? 'Di ka man lang magso-sorry. Ha?" buong tapang ko. Nagtataka ako kung bakit ang tapang ko dahil noon 'di naman ako mas'yadong matapang. "Ano? 'Di ka pa lilingon?Ha?" tinusok ko yung braso niya pero 'di pa talaga siya lumilingon. 'Tsaka pinagtitinginan na ako ng mga tao. Kaya pinabayaan ko nalang muna at pumunta nalang sa next class ko .
"Bakit ang tagal mo, bakla ka, kanina pa kita hinihintay" bungad ni Sophia, isa sa mga kaibigan ko.
"Una sa lahat, 'di ako bakla. Pangalawa, medyo napaaway ako dun,e" umupo ako at naghanap ng pwede kong paglibangan habang wala pa yung prof namin.
"Sino bang naka-away mo, girl? Babae o lalake?"
"Lalake. Bwisit na 'yan. Ang tagal-tagal kong nagsalita tapos 'di man lang s'ya lumingon. Pambihira." pagrereklamo ko.
"G'wapo ba 'yan, girl?" tinapik niya yung sugat ko.
"Aray ko . Alam mo bang may sugat ako dito"
"Ay sorry, girl. Anong nangyari d'yan?"
"Isa pang pang girl mo sakin, kukutusan kita"
Pagkatapos no'n dumating na ang prof namin kaya tumigil na kami.
"Saan tayo kakain?"tanong ni Sophia pagkalabas palang ng room.
"Gusto ko ng Jolli-" napatigil ako dahil may nangbunggo nanaman sa'kin kaya sinundan ko ulit dahil dalawang beses ng nabubunggo 'tong sugat ko.
"Uy, pabayaan mo na 'yan" hinila ako ni Sophia.
"Ay,hindi pwede, kanina pa may bunggo ng bunggo sa'kin." sinundan ko yung lalake na kaparehas ng damit nung nakabunggo sa'kin kanina. "Alam mo, kanina kapa" sinuntok ko siya ng malakas sa tiyan.
"Ouch" malalim ang boses niya. Napakapit siya sa tiyan niya.
"Sino kaba. Ha?"
"Brent Williams. The owner of this school."
========================================
YOU ARE READING
A Thought of Losing You (Connected Series #1)
Lãng mạnBryce Antonio is just a normal student at Williams Academy but his life was ruined when Brent Lewis ran over him, so he hated him. But gradually lost his temper when Brent started teasing him to appologize, until they had a relationship and they sep...