11

50 4 0
                                    

Umuwi na kami at nagbalot na ng mga gifts para ready na mamayang gabi para sa Christmas Eve.

"Hoy, ikaw. Tawid ka ng tawid, e pa'no kung nasagasaan ka" pinagalitan ko si Gelo sa loob ng kwarto namin para 'di marinig ni Mama dahil 'di naman niya nakita 'yung nangyari kanina. Paano kung nasagasaan nga s'ya, s'yempre hindi ko guto 'yun. Kahit lagi kaming nagaaway o nagbabangayan, mahal ko parin s'ya.

"E, ang cute kasi nung lalaking 'yun" bigla siyang sumimangot.

"So, kasalanan pa niya ang pagiging cute niya? Ikaw ha, 'wag mo ng gagawin 'yun" umupo ako sa tabi niya.

"Bakit parang ang over protective mo sa'kin? E, parang okay lang naman sa'yo na madisgras'ya ako, e" tumayo siya.

"Ay hindi totooo 'yan. Kahit lagi tayong magka-away, love na love kita. Dahil ikaw ang nagi-isang baby boy ko" inakbayan ko siya at inipit ko 'yung ilong niya. "Kahit may asawa na ako, may asawa ka  na, you're still my baby, beacause you're my bunso"

"Tanginang english 'yan" sabi niya.

"Hoy" tinakpan ko 'yung bibig niya gamit 'yung left arm ko na naka-akbay sa kan'ya. "Bad 'yan."

Nagulat kami nang may biglang kumatok. "Anak" binuksan na niya ang pinto. "Anong ginagawa niyo?"

"Siya kasi, biglang nagdadrama" turo ko kay Gelo.

"Ikaw nga, e"

"Bakit, ma?" tanong ko.

"Bili daw kayo ng meryenda sabi ni Noah" sagot niya.

"Sig-" pinutol ni Gelo ang sasabihin ko.

"Sama ako, ma" sabi niya.

"Sige. Oh Bryce, 'yang kapatid mo, ah"

"Ma, ang O.A mo" pagrereklamo ko.

"E, s'yempre bunso ko 'yan" lumabas na siya kaya sinundan namin. 

"E, sa panganay mo? 'Di ka magwo-worry?" tanong ko.

"Hinde. Jusko, ilang taon ka na, Bryce. Sa totoo nga, pwede ka ng magkaroon ng sarili mong pamilya, e"

"Ma!!"

Habang naglalakad kami papunta sa bibilhan namin ng meryenda, biglang nagtext si Brent.

From: Brent

what you doin?

To: Brent

naglalakad, bibili kami ng meryenda. bakit?

"Bryce, anong gusto mo?" tanong ni Noah pagkarating namin sa bibilhan namin.

"Si Bre-  barbeque nalang sa'min ni Gelo" sabi ko.

"Brent ka pa d'yan" pangloloko niya kaya inirapan ko nalang siya.

"Ito din" turo ni Gelo sa isaw. "Ano 'to? Noodles?" 

"Gelo, 'di noodles 'yan." sabi ni Noah. "Chicken Intestine 'yan" pagpapaliwanag pa niya.

"Okay, gusto ko 'yan"  sabi niya.

Pagka-tapos maluto , umuwi na kami at nag-meryeda na habang sila Mama, Papa, at 'yung parents ni Noah ay nagluluto. Sabi ko tulungan na namin sila, e pagka-tapos nalang daw namin mag-meryenda. Habang nagmemeryenda kami, napadaan si Mama.

"Ma, gusto mo noodles?" tanong ko.

"Noodles?" ulit niya. "Anong noodles 'yan?"

"Ito, oh." pinakita ko sa kan'ya 'yung isaw.

"Isaw 'yan" binatukan niya ako. Tumingin ako kay Gelo at nakita ko s'yang nakasimangot kaya napa-tawa nalang ako bigla.

"Sabi mo lang kanina, love mo'ko. Tapos ngayon niloloko ma na'ko" he suddenly said.

"Part 'yun ng pagmamahal ko sa'yo." sabi ko tapos biglang ang talim na ng tingin niya sa'kin. "S'yempre joke ko lang 'yun. 'Diba ma, baby boy natin si Gelo?"

"S'yempre naman" ginulo ni Mama 'yung buhok ni Gelo habang naka-ngiti.

"'Diba, kahit may asawa na siya baby boy parin natin siya" pangloloko ko ulit.

"Ito naman kung maka-asawa naman 'to. Ilang taon palang 'yang kapatid mo, uy" pagtatanggol niya.

"E, bakit ako?"

"E, ilang taon ka na. " umalis na siya.

Tapos na kami nagmeryenda kaya tumulong na kaming magluto para sa handa mamaya. Umakyat na rin kami pagkatapos ng gagawin namin at naligo na ulit ako.

Pagkalabas ko ng C.R kausap na ni Gelo si Brent.

"Hoy ikaw, baka naman ano na ang sinasabi mo sa kapatid ko, ah" sabi ko.

[Oh, is that your brother? By the way, look at that body] sabi niya. Topless lang kasi ako at towel lang suot ko, nakalagay sa bewang ko.

"Manyak. Tawagan kita mamaya, magbibihis lang ako" 'di ko na hinintay ang sasabihin niya dahil in-end call ko na.

Tumawag nalang ako sa kan'ya pagkatapos namin mag-dinner para diretso na hangang 12 o'clock. Ang tagal na naming nagu-uusap nang biglang tawagin ako ni Gelo.

"Kuya, baba ka na daw. Malapit na mag-12" sabi niya at lumabas na siya kaya sinundan ko na siya.

Tinignan ko 'yung oras...

11:37 P.M

"Uy, malapit na mag-christmas" sabi ko kay Brent.

[Yeah, Merry Christmas] he winked.

Napapansin ko na mahilig siya kumindat. Nag-usap pa kami ng ilang minuto nang biglang sumigaw si Noah.

"MERRY CHRISTMAAAS!!" sigaw niya.

Chineck ko 'yung oras at 12 na nga kaya napasigaw na rin ako.

"Merry Christmas!!"sabi ko sa kanila. "Merry Christmas, Brent" sabi ko naman sa kaniya habang ka-video chat ko siya.

[Merry Christas baby ko] he smirked. Napansin ko rin na ang dilim ng paligid niya at medyo magulo 'yung camera niya.

"Bakit ang dilim naman diyan? 'Tsaka ang gulo ng camera mo" sabi ko habang binabati ko sila.

[I'm on the road] sabi niya.

"Ano, d'yan ka magce-celebrate ng Christmas?" pangloloko ko naman.

[No, I'm actually going to you] 

"Uy, totoo ba?" sabi ko na kinakabahan.

[No, I'm just kidding] he laughed. [I will end this video call na, bye,] 

"Itong gift na'to ay para kay... Bryce" tawag ni Tita Paula.

"Thank you po" nasa kala-gitnaan kami ng gift giving nang may nag-doorbell. Tatayo na sana ako pero pinigilan ako ni Noah.

"Ako na. Ako na titingin dun." lumabas na siya at itinuloy na ulit namin ang pag-bibigay ng regalo.

"For you" sabi ng isang famillar na boses sa'kin, ini-abot niya ang bulaklak at isang box na may gift wrap na kulay yellow. My favorite color.

Pagka-tingala ko, nakita ko si Brent. 

========================================

A Thought of Losing You (Connected Series #1)Where stories live. Discover now