Tapos na ang buong araw, tulala parin ako sa sinabi Brent. Shit, totoo ba 'yun? Kinikilig ako, oh my god. Since bata pa kami, gusto ko na siya pero natatakot ako sabihin kasi sobrang bata na namin nun 'tsaka nahihiya ako.
"Yiee, si Bryce luma-lovelife" pangaasar ni Noah. Naka-uwi na kami ngayon sa condo.
"Tumigil ka nga d'yan" binatukan ko siya.
"Ang O.A mo nanaman" bigla siyang tumabi sa'kin. "Alam mo.. ok lang, susuportahan pa kita. 'Tsaka alam ko naman na dati na may gusto ka sa kanya,e, natatakot ka lang sabihin kasi baka masira friendship niyo nung bata kayo. Diba?"
"Alam mo na dati pa na s'ya 'yung bestfriend ko noong bata kami?"humarap ako sa kan'ya at tinitigan siya ng mabuto sa mata para alam ko kung nagsasabiba siya no totoo o hindi.
"Oo" aniya.
"Totoo ba na siya 'yung may ari ng school?" tanong ko ulit.
" 'Di siya, 'yung father niya 'yung may ari"
"Wow ha, noon tatay lang banggit mo tapos ngayon maypa-father-father ka nang nalalaman" pangaasar ko.
"S'yempre ... may jowa ako. Ikaw kasi wala" tumawa siya.
"Ang yabang mo naman" inirapan ko siya.
"Anong plano mo kay Brent?" pinuntahan niya 'yung niluluto niya dahil nandito kami sa sala, naka-upo lang.
"Ano nga pala 'yang niluluto mo?"
"Sus, 'wag mo na ngang ibahin ang usapan" bumalik na siya.
"Hmm... edi kung ligawan ako than go. Why not?"
"Wow, ligawin ang pinsan ko. Hayaan mo, ako na ang bahala sa inyo" umakbay siya.
"Wow, close kayo?"
"Duh, we're friends kaya sa social media like Facebook, Instagram and Twitter" sabi niya sa pambabaeng boses kaya napatawa ako.
"Ang arte" pagkatapos non, kumain na kami at pumunta na kan'ya-kanyang k'warto. Nagi- Instagram ako nang may nag-pop up na notif.
@brentut_lewis sent you a follow request.
Dali- dali kong in-accept at nag-message na siya agad.
brentut_lewis: wyd?
bryceees: wala. bakit?
Bigla siyang nagyaya ng video call.
[Hey, what you doin'?]
"Wala nga" tinaas ko 'yung phone ko para 'di niya makita 'yung mukha ko.
[Hey, show your face]
"Ayaw k-"
[Please] bigla s'yang sumimangot, kaya pinakita ko nalang mukha ko.
"Ok ka na?" pinakita ko 'yung thumb ko.
[You know what? Let's meet tomorrow. Saturday naman bukas, e.]
"Are asking me on a date? O, nag-english na ako, ah, ako na nag-adjust" umirap ako.
[Ikaw, kung ano ang gusto mong itawag]
"O-okay. What time ba?" nakatitig lang ako sa kan'ya.
[Ba't ka nauutal? Crush mo'ko, no? Yiee]
"Yiee mo, muka mo" binelatan ko siya pinatay na 'yung tawag.
@brentut_lewis: i will fetch you tomorrow 7 o'clock in your condo
@bryceees: ang aga naman
@brentut_lewis: of course, para makasama kita for a long time
Maaga ako natulog kasi excited ako and tinatamad din at the same time.
Pag-gising ko 6:30 na kaya naligo agad ako at nag-bihis. Naka-suot ako ng short sleeve shirt, at sweater na white pero naka-labas 'yung kwelyo ng short sleeve, naka-tuck in sila sa light blue denim pants, at blue na boat shoes. Blue ang color ko ngayon.
"Wow, naka-all blue ang pinsan ko ngayon. Sa'n ang punta mo?" bungad niya pagka-labas ko.
"Sorry, may nag-aya ng date sa'kin" pangiinggit ko.
"Sige, enjoy"
"Thank you"
"Ingat... ingat siya sa'yo" tumawa pa siya.
@bruntut_lewis: im here na sa parkingan
Nag-chat na siya kaya bumaba na ako.
"Kuya sa kanto lang po" pagbibro ko pagka-pasok. Naka suot siya ng red curban collar shirt, naka-tuck in din siya sa slim-fit trousers na black, red na leather belt at red na loaf shoes. Red naman ang color niya ngayon.
Nakakatawa lang kasi sa'kin blue tapos sa kan'ya naman red.
"Where do you want to go?" humawak siya sa gear.
"Sa puso mo"
"Ang harot" pinaandar na niya 'yung sasakyan. "Did you eat breakfast?"
" 'Di nga, e. Nagising kasi ako 6:30" pinicturan ko siya ng patago, pero nahuli niya ata ako. Itatago ko na sana 'yung phone ko pero bigla niyang kinuha at siya na 'yung picture sa sarili niya. Nilagay pa sa IG story ko na caption na 'my date today'.
"Bakit mo nilagay sa IG story?" nabigla ako sa ginawa niya dahil first story ko 'yun sa IG.
"Why not? Madami na akong tinake na pictures ko d'yan. You have plenty of lockscreen and homescreen options" he winked.
"Ang yabang, itigil mo nga 'tong sasakyan, bababa ako"
"Sorry but we almost there"
Bumaba kami sa isang restaurant na puro Filipno breakfast ang sineserve na naka-simangot parin. Nag-order lang kami ng tapsilog.
"Later, I will introduce you to my parents" sabi niya habang kumakain.
"Hoy, ang bilis naman. 'Di pa nga kita kilala, e ,sino ka ba?" pagbibiro.
"'Yung manliligaw mo"
========================================
YOU ARE READING
A Thought of Losing You (Connected Series #1)
RomansaBryce Antonio is just a normal student at Williams Academy but his life was ruined when Brent Lewis ran over him, so he hated him. But gradually lost his temper when Brent started teasing him to appologize, until they had a relationship and they sep...