Chapter 26

20 1 0
                                    

Grabe, hindi ko na kaya. Super saya nga ng Undas break namin pero ngayon para na kong hihimatayin sa dami at hirap ng mga pinapagawa.


Grabe mag-iisang buwan pa lang yun pero pakiramdam ko sampung taon na ang nakalipas.


Today is thursday at nagbago ang aming schedule ni Morriah, 9:30 na yung una naming subject kaya makakasama namin si Farrah at Cheena sa breakfast.

"Himala, hindi mo kasama si baby Ace mo ngayon" Maarteng sinabi yun ni Cheena saakin.


" Malamang! " Sagot ko sakanya kaya nagpalitan kami ng irap.


Tumatawa lang si Farrah at Morriah saamin na naputol lang nung may tumawag sakin.


Lahat sila napatingin pero agad namang umirap ang tatlong single saakin, well isa na lang ata at si Farrah yun.


"Hello, good morning Celes!" Inaantok na bati sakin ni Ace, baka kakagising lang niya.


"Yes, it's from me. Eat it while it's still hot" Agad kong sagot sakanya na ikinatawa niya.


" Hahaha, I knew it, thank you. Susunduin kita mamaya we'll go somewhere" Sagot niya saakin kaya pumayag ako at nagpaalam na sakanya.



"Grabe walang kupas, araw-araw may pa breakfast tong Celes na to. Sana ol na lang" Puno ng bitterness na sinabi yun ni Farrah.


"Bakit, gusto mo ulit ng jowa? Pwede naman siyang bumalik, may kahati ka nga lang sakanya" Banat ni Cheena na ikinatawa naming lahat.



Masaya na sana kaso sinabunutan ni Farrah si Cheena. Kala mo ha, sige wag mong awayin si madam Farrah.



Pagkatapos naming kumain pumunta na kami sa kanya-kanya naming klase.



May pinasa kami ngayong plates na activity lang daw pero napakahirap kaya halos di na kami naguusap ni Morriah sa bahay.


Meron rin pala silang group presentation kaya ayun din yung nakakuha ng oras namin buong linggo.


Kaya eto magisa akong uuwi dahil hindi pa sila tapos.




Naglalakad- lakad ako sa may Plaza Mayor nung biglang may bumatok sakin ng napaka lakas. Pag tingin ko nakita ko kagad ang napakapangit na salarin.



"Bakit nanaman? Masakit yun ha, sisipain kita!" Buong pagmamataray kong sinabi yun na sinamahan ko pa ng kurot.



"Aray ko naman, sumosobra ka na ha" Pagiinarte naman ni Zach na nakakunot na yung noo sakin.


"Sinong nauna? Bakit ba kasi?" Pasigaw kong tanong sakanya



"Nakita kasi kita, ililbre nga kita tapos ganito gagawin mo sakin" Pagdadrama niya sakin habang nakanguso.


"Bobo ka, ano ba dapat yayakapin kita pagkatapos mo kong batukan?" Tanong ko habang nakapamewang at nakataas ang kilay.



"Oo na sige na, di naman ako mananalo. Tara, kumain na tayo" Sinabi niya yun tyaka hinila na ko sa braso papunta sa Dapitan.


"Hoy, saglit lang tayo ha may pupuntahan ako." Sinabi ko sakanya yun habang kumakalas sa hawak niya.



Kumindat lang siya tyaka ko pinauna at humawaka sa likod ng backpack ko. Dati kasi bobo talaga ko sa pagtawid kaya ayan nakasanayan na niya.



Minsan talaga mabait tong hinayupak na to eh.




Nag milktea, fishball, kwek-kwek at shawarma rice kami. Gusto pa sana niyang mag pancit canton kaso sobrang daming nakapila sa bilihan nun.



My Only LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon