16 : Jersey
"Ang sakit ng paa ko dahil sayo, bwisit ka!" reklamo ko kay Elion nung paalis na kami para umuwi. Di ko nga alam bakit niya ako dinala sa dagat eh.
"Bakit dinala mo ko dito? Shokoy ka noh?" saad ko sa kanya habang nagsi-sintas siya ng sapatos niya.
Habang pinapanood namin kanina na lumubog ang araw, kinakain ko na ang mga chips na nilibre niya sa akin, kaya wala na akong ibang dadalhin kundi ang bag ko nalang.
"Ang layo na naman ng lalakarin natin niyan," napapadyak ako sa inis habang abala naman si Elion sa pagsisintas ng sapatos niya.
Sinuot ko ang bag ko bago tumayo sa tabi ni Elion na nakayuko. Hinihintay ko siyang matapos magsintas ng sintas niya bago gawin ang balak kong gawin.
"Let's go-" agad akong tumalon sa likuran niya at dahil sa gulat niya, nahawakan niya ang mga binti ko kaya napangiti ako ng nakakaloko.
"Tara na!" itinaas ko pa ang isa kong kamay.
"What the- umalis ka nga sa likod ko!" saad ni Elion habang magkasalubong ang kilay at nakalingon sa akin.
Binelatan ko lang siya bago ginalaw ang mga binti ko, dahilan para mapabusangot si Elion.
"Masakit na nga yung paa ko, pati ba naman likod ko?" bulong niya sa sarili niya.
"Ano?" panunuya ko sa kanya.
"Nothing," saad niya bago umirap.
"Whoa!" napangiti ako ng parang bata nung yumuko si Elion para kunin ang bag niya.
"Isa pa nga!" saad ko sa kanya nung binigay niya sa akin yung bag niya. Hindi niya ako sinagot at nagsimula ng maglakad.
For the second time, binuhat na naman ako ng lalaking ito. Infairness ha, kung dati sa ilalim kami ng araw naglalakad, ngayon sa ilalim ng buwan.
Ay! Siya lang pala yung naglalakad. Hihihi!
Hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa leeg niya kase medyo malamig na din.
"Papatayin mo ba ako?" tanong niya kaya umiling ako kahit di niya nakikita.
Nung medyo nakakalayo na kami sa pinanggalingan namin, nararamdaman ko na din ang pagod at antok kaya bahagya kong ipinatong ang ulo ko sa balikat ni Elion.
"Wag mo kong tulugan," saad naman ni Elion pagkapikit ko ng mata ko.
"Edi mag-kwentuhan tayo para hindi ako makatulog," saad habang nakapikit na ang aking mga mata.
"Alam mo-"
"Hindi pa," walang kwentang sagot ko at ramdam ko ang pagkawala niya ng buntong hininga para pakalmahin ang sarili niya.
"Can you just listen to me?" medyo iritadong tanong niya kaya tumango ako.
"Yes po, master!" sagot ko at sumaludo pa.
"Hold tight, baka makahanap ako ng tiyempo na ihulog ka," saad niya.
"Sasaluin mo naman ako, kaya hindi ako natatakot," sagot ko bago ulit yumakap kay Elion.
"Ang bango mo naman," saad ko nung inaamoy ko siya.
"What the? You're so weird," saad naman niya. Ang cute niya. Hihi.
"May tanong pala ako sayo," hindi siya umimik kaya nagtanong na ako.
"Bakit mo ko dinala sa dagat? Kahit sa 7-eleven lang, pwede naman eh," saad ko.
"Balak sana kitang lunurin, kaso wag nalang," napasinghap ako sa sagot ni Elion.
"Bwiset ka talaga! Bakit mo nagawang isipin iyon?! Atsaka bakit mo binabasa isip ko?! Parehas tayo ng iniisip na gawin iyon!"
"Can you tone down your voice?! Ang sakit sa tenga ng boses mo," inirapan ko lang siya.
"Bilisan mo kaseng maglakad para makauwi na tayo, atsaka dapat hatid mo ko samin," hindi siya umimik.
"Kung hindi mo ko ihahatid, goodbye nalang sa grades mo. Lalo na't malapit na ang exam-"
"Just hold tight, tatakbo ako," saad niya kaya napangiti ako.
"Yieee! Papaluto ko kay mama yung favorite mong pagkain," saad ko bago yumakap kay Elion.
"Tch!" saad ni Elion bago tumigil sa paglalakad.
"Wait, tatakbo? Anong ibig mong sabihin-" napatili ako nung bahagya niya akong itinaas para ayusin ang pagkakabuhat niya sakin.
Napayakap naman ako sa leeg niya dahil sa gulat. Oh gosh! Akala ko mahuhulog ako dun kapag hindi ako nakahawak sa leeg niya at hindi niya hawak ang mga binti ko!
"What I mean is..." saad niya bago tumakbo ng mabilis.
"AHHH!!!" parang nagising ko yata ang mga natutulog na shokoy dahil sa lakas ng tili ko.
"Putangina mo! Elion! Gago! Mamamatay na ako!" sigaw ko habang tumatakbo siya.
"Shut your mouth or I'll throw you away-"
"Oo na master! Basta wag mo kong itatapon!"
Medyo nanghihina pa ako nung ibinaba ako ni Elion sa tapat ng bahay namin.
"Gago ka talaga," saad ko habang nakatingin kay Elion ng masama. Nagkibit balikat lang siya habang mina-masahe niya ang balikat niya.
"Ang bigat mo," saad niya habang nakabusangot. Inirapan ko lang siya bago hinubad ang kanyang bag.
"Oh," sabay abot ko sa bag niya.
"Bukas magsisimula na ulit tayo mag-lesson lalo na't malapit na yung exams, dapat makapasa ka kahit wala ka sa top 100," saad ko, tumango naman siya.
Pumasok na ako sa bahay namin bago dumiretso sa kwarto ko. Pahiga akong dumapa sa kama ko bago tumili.
"Oh gosh! Akala ko hindi na mauulit yung piggyback na iyon! Oh gosh!" nakagat ko pa ang unan dahil sa kilig.
Minsan kalang kiligin ng ganito, Azielle. Kaya sulitin mo na!
"Oh yan! Kain ka na, paborito mo yan," saad ko kay Elion sabay abot ko nung lunchbox na hinanda sa kanya ni mama. Nandito na kami ngayon sa bench kung saan kami laging nag-aaral at kumakain.
"Thanks," saad niya bago binuksan ang lunchbox. Pinanood ko naman ang magiging reaksyon niya.
"Whoa," napangiti ako nung makitang kuminang ang mata niya dahil sa pagkain.
"Thanks to your mom," saad niya bago ako tiningnan.
"Gege," saad ko bago binuksan ang lunchbox ko. Napansin kong masaya siyang sumubo ng pagkain niya kaya napangiti ako.
Akala niya si mama ang nagluto nung kinakain niya ngayon. Hindi niya alam, ako pala.
Nawala ang atensyon ko sa iniisip ko nung bigla siyang naglapag ng isang paper bag sa harapan ko.
"Ano yan?" tanong ko.
"Tingnan mo," sagot niya bago ulit sumubo ng pagkain. Ibinaba ko naman ang kutsara at tinidor ko bago tiningnan ang loob ng paper bag.
My heart skipped a beat when I saw what's inside.
"Whoa," saad ko bago inilabas ang basketball jersey niya.
Kulay black ito na may yellow. Tapos malaki ang number 20 na kulay yellow. Sa likod may nakasulat na 'GALDUA' na magiging apelyido ko 8 years from now. De joke lang.
"Bebenta mo sakin?" tanong ko sa kanya habang tinitingnan ang jersey niya.
"No," sagot niya.
"Ano pala?" bumaling ako sa kanya.
"Wear it, and watch our basketball tournament," he said before smirking. Napa-awang naman ang bibig ko bago ibinalik ang tingin sa jersey niya, bago sa kanya.
Pwede bang tumili ket saglit lang?
BINABASA MO ANG
A Girl Like You (CRS #3)
Teen FictionCollege Romance Series #3 Azielle Suriaga, also known as the brainy nerd in school. She's been admiring the notorious badboy of Roundell University, Elion Galdua ever since she saw him. She always wishes everynight that she wants Elion to look at he...