27

657 30 11
                                    

27 : That girl

"Ang sakit ng ulo ko!" sigaw ko pagkagising ko, agad namang bumukas ang pinto ng kwarto ko at inilabas nun si Azriel na may hawak na baso na puno ng malamig na tubig.

"Sakit ulo mo?" tanong ni Azriel kaya tumango ako bago umupo mula sa pagkakahiga ko at hinilot ang sentido ko.

"Tanggalin mo," saad ni Azriel bago itinapon sa mukha ko ang malamig na tubig mula sa baso na hawak niya.

"Walanghiyang hayop ka!" sigaw ko kay Azriel bago umambang batuhin siya ng unan. Pero nakalabas na ang hayop sa kwarto ko habang tumatawa ng malademonyo.

"Lalo lang pinasakit ng animal na yun ang ulo ko," bulong ko sa sarili bago tumayo at dumiretso sa banyo para maghilamos.

Si Azriel ang nagsundo sa akin kagabi at talagang pinalakad ako ng gago kaya ilang beses akong natutumba kagabi dahil sa kalasingan! Muntikan pa nga kaming habulin ng mga aso eh!

Bakit ba kapatid ko siya?

"Kain ka na dito, Azielle. Bago pa maubos ni Azriel ang ulam," sinamaan ko ng tingin si Azriel na nakangiti pa habang umiinom ng tubig.

"Ma! Alam mo ba? May ginawang iskandalo si ate kagabi habang pauwi kami," biglang sumbong ni Azriel sa gitna ng katahimikan. Napaangat naman ang tingin ko sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin?! Maingat ako kagabi! Nasa kwarto lang ako at naglalaro paano mo nasabing may ginawa akong iskandalo?!" singhal kong tanong sa kapatid kong nakangisi ng nakakaloko na akala mo hindi sinisigawan.

"Hindi niya din ako pinagdalhan ng Shanghai!" inirapan ako ni Azriel kaya mas lalong nasira ang mood ko sa umagang ito.

"Walanghiya ka talaga-" tatayo na sana ako para sakalin si Azriel pero malakas na ibinaba ni mama ang kutsara bago niya kami tiningnan. Habang si papa naman ay umiinom lang ng kape habang nagbabasa ng dyaryo.

Day off nila kaya nandito sila ngayon.

"Azielle Faith, ikaw maghugas ng plato. Azriel Feithan ikaw ang magdilig ng mga halaman ko sa labas. At kayong dalawa ang bibili ng mga groceries, naintindihan niyo?" kinilabutan ako sa titig ni mama kaya dali-dali akong tumango bago ngumiti ng parang natatae.

"Tingnan mo ang paa mo, Feithan! Ang dumi na ng kuko mo! Ikaw din Faith! Magputulan kayo ng kuko! Para naman magkaayos kayo!" saad ni mama bago tumayo at umalis, isinama niya pa si papa na wala namang ginagawa.

Napatingin naman ako sa paa ko at nakitang malinis naman, kesa naman kay Azriel. Nagkatinginan kami ni Azriel bago nandidiring nag-iwas ng tingin.

"Bakit ako tinawag na Feithan? Nangingilabot ako," saad ni Azriel bago tumayo at umalis. Kaya ako nalang ang natitira.

"Hehehehe, labyu teh, sorry na hindi na kita aawayin," saad naman ni Azriel bago ngumiti ng matamis.

"Labyu too, wag mo na akong aawayin," saad ko naman kay Azriel habang nakatingin ako kila mama na nasa sala at pinapakinggan kami. Naghahanda na kasi kami para bumili ng groceries. At gusto lang muna namin ipaniwala sila mama na magkaayos na kami ni Azriel bago kami umalis.

"Sige na, alis na," binuksan ko ang pinto bago lumabas at dumiretso sa gate habang hinihintay si Azriel na kumuha ng payong dahil maglalakad lang kami papunta sa grocery.

"Pangarap kong payungan ang isang babae pero bakit unggoy ngayon ang pinapayungan ko?" agad kong kinurot ang tagiliran ni Azriel dahilan para mapasigaw siya sa sakit.

"A-Aray! Yung kuko mo! Masakit!" reklamo ni Azriel habang nakangiwi.

Nung madaanan namin ang tapat ng Roundell University, huminto muna si Azriel dahil gusto niyang magpabili ng ice cream.

"Ate! Ice cream oh! Di naman siguro mapapansin ni mama na ginastos natin yung pera," saad ni Azriel bago ako iniwan at pumunta sa nagtitinda ng ice cream sa tapat ng Roundell University.

"Hoy! Ano ba?!" kukurutin ko na naman sana ang tagiliran niya pero nakailag na ang gago.

"Manong, yung cookies and cream nga po, dalawa," saad ni Azriel kaya tumango ang tindero. Nag-abot naman ako ng bayad bago humarap kay Azriel para kunin yung ice cream ko pero naglakad na siya palayo.

"Hoy! Asan na iyang ice cream ko!" lumingon naman si Azriel bago nagtaas ng kilay.

"Sa akin din toh, bili ka ng sayo kung gusto mo," saad ni Azriel bago naglakad kaya hindi ko na napigilang habulin siya at sipain sa likod ng tuhod niya.

"Asan na yung listahan ng bibilhin?" tanong ko kay Azriel pagkapasok naman sa grocery store. Inabot naman sa akin ni Azriel pero napakunot ang noo dahil ang lagkit ng papel.

"Anong ginawa mo dito?!" pasinghal kong tanong sa kanya.

"Pinanghawak ko sa dulo ng cone ng ice cream," ngumiti ng matamis si Azriel bago umilag nung hinampas ko siya dahil sa inis.

"Baka nakakalimutan mo, masakit ang ulo ko at bad mood ako," pagbabanta ko kay Azriel bago siya tinalikuran.

"I told you, just cut your head so it wouldn't hurt. Kesa naman tiisin mo ang sakit," saad niya pero hindi ko na siya pinansin at nagsimula nalang sa paghahanap ng mga bibilhin na nakasulat sa papel na malagkit.

Kumuha ako ng shopping cart habang si Azriel eh pumunta doon sa kung saan nakalagay ang mga snacks. Napahinto ako nung may muntikan na akong makabangga ng shopping cart. Nag-angat ako ng tingin at nanlaki ang mata ko nung makita ang babaeng kasama ni Elion nun.

Nanlaki din ang mata niya bago ngumiti ng matamis sa akin. Ang ganda niya talaga. Napangiti tuloy ako.

"Ate! I can't see the one you want," napunta ang atensyon ko sa lalaking lumapit sa kanya.

"But now I saw the one, you want" saad nung babae na kulay purple ang buhok bago lumingon kay Elion.

"W-What?"

"By the way, I'm Elisa. Ate ako ni Daze, ikaw si Azielle diba?" nanlaki ang mata ko bago tumango.

So iyong babaeng iyon ay nakakatandang kapatid niya?!

A Girl Like You (CRS #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon