14 : Look
"Bakit ka nakabusangot diyan?" tanong ko kay Regina habang nakaupo siya at nakapangalumbaba.
"Who wouldn't frown if there's a thesis," sagot naman ni Samantha bago umupo sa upuan na nasa harapan ko.
"May thesis?!" tumango silang dalawa.
"Narinig ko lang na balak magpa-thesis ni Mrs.Santos," ako naman ngayon ang napabusangot. Tinuturuan ko nga si Elion at malaking problema na iyon tapos ngayon may thesis pa?!
Aba't nasaan ang pahinga?!
"Si ma'am!" sigaw ng isa kong kaklase kaya napatayo si Samantha bago umupo sa pwesto niya na nasa may harapan.
"Goodmorning, class!" bati ni ma'am kaya binati din namin siya. Sana wala kaming thesis. Please! Please! Please!
"Kumusta trip niyo?" tanong ni Mrs.Santos, kaya napabuntong hininga ako. Salamat naman at mukhang wala siyang balak magpa-thesis.
Napangiti ako bago sumandal sa upuan ko at tiningnan nalang si Mrs.Santos na nakatayo sa may harapan at nakaharap sa aming lahat.
"Mukhang na-relax naman kayo ah, kaya ngayon may ibibigay ako sa inyong thesis," agad akong napatuwid ng tayo at nanlalaki ang mga matang napatingin kay ma'am.
Tangina naman! May thesis daw oh! Kahit matalino ako o kaya mukha akong nerd, hindi ibig sabihin nun ay pag-aaral nalang ang ginagawa ko sa buhay ko! Huhu!
Nagising ang dugo ko dun ah.
"Don't worry, may mga partners naman kayo sa thesis na ito. Sa susunod nalang ang group thesis," mag-re-relax na sana ako eh at tatanggapin ang thesis kaso dinagdag pa ni ma'am na may group thesis pa sa susunod.
Ano yun? Katapos ng thesis by partners, may group thesis pa? Sa susunod niyan individual naman?
Minsan napapaisip talaga ako, bakit ko ba pinapahirapan ang sarili ko sa eskwelahan na ito? Pwede namang maging patatas nalang ako na naghihintay na gawing french fries.
Habang sinasabi ang mga magiging magkaka-partners. Nakatunganga lang ako habang nakapangalumbaba.
Kahit nung nag-ingay ang iba kong kaklase dahil magka-partner daw si Audenzia at Jerson na isa sa mga matatalino sa amin sa buong second years. Actually sila palagi ang top one at top two.
Pati nga yung topic namin sa thesis ay hindi ko napakinggan dahil sa tulala nga ako. Namalayan ko nalang na nakaupo na pala ang ka-partner ko sa harapan ko nung winawagayway niya ang kamay niya sa mukha ko.
"Uy! Nasa Earth ka pa rin ba?" nanlaki ang mata ko nung makita ko ang isa sa mga ka-team ni Elion sa basketball team ay ka-partner ko pala.
"Sino ka?" tanong ko sa kanya. Halos wala naman kase palagi ang isang ito dito sa room. dahil palaging nasa court lalo na't malapit na ang Inter-high. Kung saan magaganap ang tournament ng basketball.
"Andrei," sagot niya bago ngumiti napansin ko pa ang dimples sa may kanang bahagi ng pisngi niya.
Totoo nga ang sinasabi ng iba na halos lahat yata ng nasa basketball team ay puro mga pinagpala.
"Ah..." saad ko bago umupo ng tuwid at tiningnan ang yellow pad na dala niya at nakasulat doon ang topic namin sa gagawing thesis.
"Sinulat ko yung topic at dapat gawin, mukhang di ka nakikinig kanina eh," saad niya habang nagkakamot ng likod ng batok niya.
Lumipat ang mga mata ko sa biceps niya na lumilitaw. Yummy. De joke lang. Loyal ako kay Elion.
"Kailan natin sisimulan?" bumaling ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
A Girl Like You (CRS #3)
Fiksi RemajaCollege Romance Series #3 Azielle Suriaga, also known as the brainy nerd in school. She's been admiring the notorious badboy of Roundell University, Elion Galdua ever since she saw him. She always wishes everynight that she wants Elion to look at he...