09

584 36 3
                                    

09 : Under the rain

Nung nakita ko na ang bahay namin mula sa malayo, ipinatong ko ang ulo ko sa balikat niya bago ipinikit ang aking mga mata. Completely savoring the feeling of Elion carrying me on his back while we're walking at home.

Paminsan-minsan ay tumitigil siya sa paglalakad para punasan ko ang pawis niya tapos ang ibang mga tao ay nakatingin pa sa amin na akala mo mga alien kami.

Namamangha din ako sa buhok niyang nakatali habang naglalakad kami kase parang pa-sway-sway ang buhok niya eh. Ang cute!

Tumigil na naman siya sa paglalakad kaya agad kong hinanda ang panyo ko para punasan ang noo niyang pinagpapawisan. Kahit naman pinagpapawisan siya ang gwapo niya pa den.

"Sigurado ka bang pawis yan? Baka mamaya mga luha na yan," biro ko sa kanya.

"Kung ano man yan nasisigurado akong ang dahilan niyan ay ang bigat mo," sarkastiko niyang sabi kaya natawa ako.

"Gago, binibigay ko na nga sayo ang lunch ko tapos ako pa din ang pinaka-mabigat sa atin?" tanong ko sa kanya nung nagsimula na ulit siyang maglakad dahil malapit na din ang bahay namin.

Hindi siya umimik kaya inirapan ko siya. Lately kapag tinuturuan ko siya pinagdadalhan ko na din siya ng lunch niya dahil hindi ko alam bakit hindi siya kumakain.

Nung isang araw nga nung hindi siya pinagdalhan ng pagkain bigla nalang siyang nagtanong kung nasaan ang sa kanya kaya ang ending edi nag-share kami ng lunch ko kasi gutom din ako.

Nasa tapat na kami ng bahay at pasasalamatan ko na sana siya nung bigla niyang binitawan ang mga binti ko dahilan para mahulog ako.

"Aray! Tangina mong gago ka! Akala mo talaga isang sako ako ng patatas noh?!" humarap lang siya sa akin bago nagkibit balikat.

"Gigil mo si ako!" singhal ko sa kanya bago tumayo at pinagpag ang palda ko. Nakatikom ang bibig niya habang inaabot sa akin ang bag ko. Pagkatapos kong kunin sa kanya ang bag ko, agad ko siyang inirapan at iniwan sa labas ng bahay namin.

"Pakening shet..." saad ko nung naisara ko na ang front door namin at sumandal.

"Oh my gosh!" agad kong binitawan ang bag ko at sumuntok sa hangin para pigilan ang mga paru-parong nagwawala sa tiyan ko.

"Binuhat niya ako sa likuran niya! Oh my!" impit akong napatili bago ulit sumuntok sa hangin. Agad kong pinulot ang bag ko at masayang sumuntok sa hangin habang naglalakad papuntang kwarto ko.

Nung napadaan ako sa sala kung nasaan si mama at papa hindi ko na sila napansin. Siguro akala nila nabagok ko ang ulo ko.

"A-Anong nangyayari sa anak natin?" rinig kong tanong ni mama kay papa.

Nung paakyat na ako ng hagdanan pababa naman si Azriel habang hawak-hawak niya pa ang Nintendo niya.

"Baliw talaga," saad ni Azriel bago umiling-iling at pinagpatuloy ang paglalakad pababa.

Pagkatapos kong maligo agad akong humiga sa kama ko at tumili nung maalala ulit ang nangyari kanina.

"Siguro ang sakit ng likod nun," saad ko bago kinuha ang phone ko para tingnan kung maganda ba ang magiging panahon bukas.

Dahil balak ko siyang dalhin sa favorite place ko. Hihihihi.

"What are you doing here?" tanong ni Elion pagkakita niya sa akin. Pinatabi ko lang siya bago pumasok sa kwarto niya.

"Magbihis ka," sabi ko sa kanya pagkaupo niya sa gaming chair niya.

He groans before tilting his head to me while frowning. And I find it cute.

A Girl Like You (CRS #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon